Chapter 64 " Virgil's birthday with vaccination of rica"

649 27 16
                                    

Sweetheart.....!!!!
Sweetheart,!!!!!
Balikwas ko na bangon pagkagising ko sa umaga ng di ko masilayan ang aking asawa sa kama.

Binagtas ko ang papunta ng banyo, baka nag cr lang siya. Ngunit tahimik at walang tao.

"Shit!"

"Kinabahan na ako"

Mabilis ko na sinuot ang nakapatong na black T-shirt stripes sa upuan na pinatong ko kagabi. At maging ang phone ko na nakapatong sa table ay muntikan pa malaglag sa sobrang pagmamadali ko.

Pinatulog ko nang maaga ang aking asawa kagabi, nagtiis ako na di muna kami mag ano hangga't di pa bumabalik ang kanyang buong lakas.

Nakontento na ako sa yakap at halik sa kanya. Masaya na ako doon. Basta ang mahalaga'y magkasama kami dito kasama na ang magiging anak namin.

Manang fe,???
Martha????
Mabilis ang kilos ko!
Nagpunta ako agad sa kusina. Ngunit walang tao at napakatahimik pa.
Nagpunta ako ng sala........

HAPPY BIRTHDAY SENYORITO, magkasabay na bati nila martha, manang at mang bert sakin. Habang ang aking asawa'y bitbit ang cake sa kanyang mga kamay na may kandilang nakatusok sa gitna nito.

BELATED HAPPY BIRTHDAY!!!! Nakangiti na bati ng aking pinakamamahal na asawa sakin. Di ko napigilan ang aking sarili kinuha ko ang cake na dala niya at kasama ko nilapag sa mga pagkain na nakahain sa mesa.

I'm so surprise, sa ginawa ng aking asawa kasama na ang mga kakuntsaba niyang tatlo na masayang nakatunghay samin.

Swee-sweetheart,? Thank you akala ko nakalimutan mo na ang birthday ko! Halos pumiyok na ako sa sobrang saya at di ko napigilan ang aking sariling umiyak. Habang masayang nakatitig sa kanya.

"THANK YOU SO MUCH SWEETHEART,.
Naiiyak ko na wika sa kanya wala akong pakialam kahit nakikita nilang tatlo ang aking pag iyak. Maging ang pagpunas ko ng aking mga luha. Niyakap ko ng sobrang higpit ang aking sweetheart.

V-virgil, baka maipit natin si baby.Nakangiwi ko na tingala sa kanya. Kasi sobrang higpit ang ginawad niyang yakap sakin.

" I-I'm sorry sweetheart, nakalimutan ko. Pakiss nga ako sa baby junior ni daddy. Wika pa nito sabay kiss sa akin tiyan".

Salamat po manang, mang bert atsaka martha. Akala ko nakalimutan niyo na ang birthday ko. Sabay kamot nito ng kanyang ulo. Na tila'y nahihiya pa.

"I-blow mo na ang candle mo". Masuyo ko na utos sa aking asawa na panay pa din ang singhot nito.

Oo, nga po senyorito, wika ni martha at ito din ay nagpupunas ng kanyang mga luha.

Martha, pwede mo kami kunan ng litrato ni senyorito mo?. Nahihiya ko pa na pakiusap sa bata.

Sure po senyorita, mabilis na tango ng bata sakin.

"Can i borrow your phone"? Nakangiti ko na pakiusap kay virgil.

Yeah sure sweetheart, sabay abot nito sakin ng phone niya.

Martha, abot ko din sa bata.

Okey. Blow niyo na po senyorito ang candle niyo. Nakangiti na wika nito sa amo niya.

"Sabay tayo magblow sweetheart, nakangiti nitong sabi sakin".

H-ha? Bakit kasama ako? Ikaw na, kasi ikaw ang may birthday.Natatawa ko pa na tugon sa kanya. Maging ang tatlong kasama namin ay naghagikhikan na din sa narinig mula kay virgil.

Long Time No See, My Wife (Spg) (COMPLETED) (Un-edited)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum