Chapter 43 "First Step"

405 22 2
                                    

Yes, tita ready na po ang lahat. Sagot ko sa tita ko sa kabilang linya.

Matagal pa kami nag usap. Ako naman ay pigil ang  mga luha. Pagod na kasi ako sa kakaiyak eh.

Sakto din na wala sila mom at dad. Mag message nalang ako sa kanila pag okey na ang lahat.

Nag iwan ako ng sulat sa aking study table para sa aking pamilya.

I know, na maiitindihan nila ako sa desisyon ko. At gusto ko din maging independent,may magawa naman ako sa aking sarili at higit lahat para na din may mapatunay sa buhay.

Isang huling sulyap pa ang ginawa  ko sa aking room at lumabas na ako.

Tinayming ko na wala nang tao, at busy na ang mga kasambahay namin sa kusina para magligpit. Kasi di naman sila mom at dad nag dinner dito pati na din si kuya carl ko na minsanan nalang kami kung magkita.
Base sa hectic schedule niya.

Tatawagan ko nalang din ang kaibigan ko pag andon na ako sa pupuntahan ko.

Nakalabas ako ng bahay ng walang nakakita. Salamat naman at naki-uyon ang panahon sakin.

Di na ako nahirapan pa kasi lagi ko naman itong ginagawa sa tuwing pinapabakasyon ako ng tita shi ko. Kaya gamay ko na ang mga dapat kung gawin. At di na ako mangangapa pa.

Wala akong maramdaman na excitement tulad nang dati sa tuwing ganitong panahon.Mayroon man pero, di na tulad noon mga nakaraan bakasyon ko.

Isa si tita shie, ko sa mga taong malapit at napagsusumbungan ko ng aking mga problema maliban kay carren.

Nakarating ako sa airport nang para lang akong nakalutang sa hangin. Walang nararamdaman kumbaga. Nalilito't-naguguluhan man ako sa ngayon, I know someday i won't regret for my decision. Nakakapagod na magbigay ng second chance na marami. Ang pagkakaalam ko ang "second chance", dapat isang beses lang di na paulit-ulit ginagawa't-binibigay.

Hays! Tumigil ka na nga rica sa kakaisip niyan. Saway ko pa sa sarili ko. "Kaya mo yan! At dapat kayanin mo. Buo kapa. Di siya kawalan.!" Pagpapalakas-loob ko pa sa sarili ko.

Dapat unahin at isipin muna pala ang sarili bago ka magmahal sa taong di naman pala deserving sa pagmamahal na binigay mo. Kausap ko pa sa aking sarili habang nakaupo  sa nakareserved na upuan ko.
And I, immediately turn off my mobile phone power.

***** Nak, kamusta kana... Ang ganda ganda naman ang aking pamangkin. Salubong na yakap ni tita shie ko pagkakita namin sa airport exit...

Okey lang po tita, kayo po kamusta lalo kayo naging sexy at pumuti pa. Hiyang po talaga kayo dito nuh. Nakangiti ko pa na sabi sa kanya.

Ay! Talaga ba nak, naku. Salamat naman. Ikaw nga ang laki mo na at ang tangkad pa ha.

Pasensiya na po tita,ha..kasi wala po ako ibang malapitan sa ngayon. Nakayuko ko pa na paliwanag sa kanya.

Naku. Wag mo isipin yun. Mas nagagalak nga ako dahil nagkaroon kana ng oras para samahan at bisitahin ang tita mo na kasing ganda mo nak. Sabay hagikhik pa nito.

Naalala ko tuloy ang aking kaibigan na si carren. Same sila ni tita ko ng personality. Kaya nga naging close kami ni carren.

Sorry car, kausap ko pa sa aking sarili. Alam ko maiintindihan mo naman ako bestie.Dugto ko pa na kausap sakin sarili.

***Wow! Tita, lalo po gumanda ang bahay niyo ah. Tsaka, wow.! Ang ganda naman po ng kwarto ko. Nakakatuwa naman po pina-renovate niyo pa po ba ito ta,?  Nahihiya ko pa na tanong sa kanya.

Oo,nak kasi para pag may time kana bisitahin ako dito matuwa ka naman at di mo na maisipan umuwi kina kuya at kina ate maricar... Nakangiti pa nito sabi. Ang sama ko nak,nuh.hahaha dugto pa nitong tawa.

Long Time No See, My Wife (Spg) (COMPLETED) (Un-edited)Where stories live. Discover now