Chapter 50 "Honeymoon Is Over"😋😜"

878 25 6
                                    

Nagising ako na tila may tao, sa loob ng kwarto. Marahan ko na minulat ang aking mga mata. At pinakikiramdaman ang tunog at kaluskos na aking narinig.

Dahan-dahan ako tumayo....

Good evening po maam, kain na po kayo. Alok ng babaeng nakayuko at tila na hihiya pa.

Good evening din. Pwede magtanong si carren ba andiyan...?

P-po.. Bawal po kasi ako magsalita maam, baka pagalitan ako ng aking amo. Sensiya na po talaga ma'am.Nakayuko pa nitong tugon.

Hmm. Okey lang.Ano pala pangalan mo. Nakangiti ko na tanong sa kanya.

Martha po ma'am, nahihiya pa itong sumagot at nakayuko na naman ang ulo.

Ah. Sige martha, salamat sa pagkain ha. Nagugutom na talaga kasi ako eh. Ngiti ko na pasalamat sa kanya.

Gusto mo sabayan mo ako para di naman boring. Ngiti ko pa na alok sa kanya.

P-po.. Wag na po maam, salamat po. Kakain ko lang po.
Maam, may kailangan pa po ba kayo... Nahihiyang pahabol na tanong nito sakin.

Hmm. Wala na, thank you ulit ha. Ay!, nga pala martha, ilan taon kana. Tsaka, wag mo nalang ako tawagin na maam... ate rica nalang ha. Kasi tingin ko wala kapa atah biente anyos.

Kaka disi otso ko lang po ma---ate rica, pala. Mabilis at nakangiti nitong sagot sakin.

Ah. Kaya pala. Sige.Salamat ulit sa dala mo ha.

Sige po ate rica, may gagawin pa po ako... Pag gusto niyo or may kailangan po kayo tawagin niyo lang po ako.

Ngumiti at tumango lang ako sa kanya.

*****Grabe, gutom na talaga ako.
Kaya mabilis akong umupo sa may mesa na kasya lang sa pandalawahang tao kasi may dalawang upuan din ito.

Mabilis ko na tapos ang aking pagkain. Infairnes ang sarap ng mga luto nila. Niligpit ko na din ang aking mga pinagkainan. At ulit ay sinubukan ko na buksan ang pintuan.

Nabigo naman ako , kasi nakalock na naman ito. Hays! Grabe talaga ang ganti ng aking kaibigan na lukaret.

Ang ginawa ko nalang ay naghanap ako ng maisusuot ko na damit. Damit pa nga ba ang mga ito sabay hawak ko sa mga nighties na naroroon. No choice na ako. Kung di pagtiyagaan at pagtiisan nalang kaysa wala ako mai-pampalit sa aking damit na huhubarin ngayon.

Napili ko ang red nighties na hanggang ewan ang haba. Hay naku. Pag tumuwad ako makikita talaga ang dapat di makita. Nakangiwi ko pa na bulong sakin sarili.

Kumuha na din ako ng undies, same din no choice ako. Kailangan ko talaga isuot ito. Sabay bitbit ko nito papuntang banyo.

Nagbabad ako ng tubig ilan minuto, sobrang sarap sa pakiramdam kasi ngayon ko lang naramdaman ang init.

Baka nanibago na ako. At dahil na din atah nakapagpahinga na ako. Kaya ngayon naramdaman ko na din ang klima na di ko na nakasanayan.

Paikot-ikot pa ako sa may salamin sa loob ng banyo. Grabe! Diyos ko po.. First time ko magsuot ng ganito sa tanan buhay ko. Di naman ako ganun ka konserbatibong babae, pero kung makikita ako ni mom ko, baka magulat at pagtawanan ako nito.

Baliw ka talaga carren. Sabagay. Baka ito ang parusa na dapat ko na lang din tanggapin ng bukal sa aking kalooban. Nakanguso ko na bulong sa aking sarili. Habang palabas ng banyo.

At tiningnan ko ang aking pinagkainan kanina.Wala na ang mga ito. Kinuha siguro kanina nang nasa banyo pa ako. Nakailing ko na bulong sakin sarili.

Long Time No See, My Wife (Spg) (COMPLETED) (Un-edited)Where stories live. Discover now