Chapter 16 "Cookies"

542 14 4
                                    

Hijo, thank you sa pag alaga mo kay rica ha, habang wala kami dito.

Maasahan ka talaga hijo.
Sabi ni mommy kay virgil sa gitna ng breakfast namin.

Wala yun tita, basta para kay rica kahit ano gagawin ko po hanggat kaya ko. Magalang at seryosong sagot nito kay mommy.

Paano nalang kung wala ka dito, baka napauwi na naman ako ng maaga buti nalang talaga andiyan ka.

Gulat ako sa sinabi ni mommy. Paano nila nalaman? Sinabi ba ni ate maricel ang nangyari?

Tsaka bakit di sila galit na doon natulog sa room ko si virgil.?

At si daddy naman, wala lang para okey lang din sa kanya?

Hays! Pati ako napapaisip talaga.
Kaloka talaga! As in.

Pati mga ginagawa ni mommy sakin pag masakit puson ko, or maysakit ako gayang-gaya din ni virgil.

Isa na doon ang pag himas himas niya sakin ng buhok na ginagawa ni mommy para mabilis ako makatulog.

Oh, anak ngayon na ang exam ni kuya mo at ni virgil. Singit ni mommy sa pag muni muni ko.

P-po.. Ah ganun po ba mom, goodluck po kuya carl at goodluck din v-virgil. Sabi ko sa kanilang dalawa. Nakayuko kung sabi at kunwari di affected.

Kabado ako, sana makapasa sila pareho. Pero, teka diba may usapan kami ni virgil about sa board exam.

Hay naku!
E. R. A. S. E. Sabi ko sa sarili ko. Kalimutan muna ang mga yun.

Thank you bunso, sagot n kuya carl ko.

Thank you sweetheart, sagot naman ni virgil sakin. At nanlaki mata ko kasi tinawag niya ako ng ganun...!!!

At nakiramdam ako, kung sino ang magsasalita o magrereact pero tahimik na sila lahat habang patuloy na kumakain.

Hays!
Di ko na alam talaga. Nalilito na ako.

Makakain na nga din.

Natapos ang kainan namin wala din ako narinig na may mag react maging si daddy ko,masaya pa itong hinihimas ang tiyan sa kabusugan.

At si mommy din, para wala silang narinig sa sinabi ni virgil kanina.

SA ROOM KO.

Di ako mapakali panay padin ako sa pag iiisip. Di ko alam kung uupo ba o tatayo ako.

Kasi

Hay naku!

Ini-stress ko naman masyado ang sarili ko. Hayaan ko na nga lang sila. Baka ako lang din ang nag iisip ng ganun. Its not a big deal naman ata para sa kanila yun.

Makahiga na nga lang sa malambot kung kama.

Nang biglang mag ring ang phone ko.

Si virgil....

At pinindot ko ang answer.

Yes, bakit ka napatawag... Akala mo naman ang layo samantala nasa kabilang kwarto lang naman.
Bungad ko na sabi agad sa kanya.

Ahm. Sweetheart, ask ko lang naman if okey kana. Tsaka, thank you.Sabi ni virgil sakin.

Okey na ako. T-thank you din. Tsaka salamat saan ba? Nalilito kung tanong sa kanya.

Sa pagbibigay ng lakas kanina at basta natatawa niyang sabi sakin.

Anong basta ka diyan?At anong lakas. Bakit energy drink naba ako para maging lakas mo? Pang aasar ko sa kanya. Habang ako naman ngiting ngiti sa sarili.

Long Time No See, My Wife (Spg) (COMPLETED) (Un-edited)Where stories live. Discover now