Chapter 24 "Lagnat"

502 21 4
                                    

Hello po manang fe bati ko sa kanya pagkababa ko.

Oh, hija bakit ikaw lang ang bumaba asan si senyorito virgil.?

Nakangiti niyang tanong sakin, at nagpatuloy na sa pagluluto ng sinabawang manok na nangingibabaw ang amoy sa buong kusina.

Ang bango naman po ng niluluto niyo.
Tutulong po sana ako, kaso patapos na pala po kayo. Nahihiya kung sambit.

Ah, okey na hija. Maupo ka nalang jan. Tsaka salamat at di ka umuwi ng malaman mo na kayo nalang dito ng alaga ko ang naiwan.

Alam mo na hija, natutuwa ako kasi sumama ka dito. Lagi kasi ikaw ang bukambibig niya sa tuwing nag uusap kami ni virgil.

Kung alam mo lang bago kayo nagpunta dito,nakailan tawag yan sakin kung nakabili ba daw ako ng hotdog. Pati si senyora tumawag din kasi panay daw kulit itong si virgil.

Ako man ay nagulat kasi sa totoo lang hija, di naman yan mahilig sa hotdog ang alaga ko.

Tapos, nun nalaman ko na paborito mo pala yun. Ay di ako nagtaka na halos lahat atah ng klase ng hotdog gusto ipabili sakin. Nakangiti na kwento ni manang at sabay iling.

Mabait yun alaga ko na yun hija. Palabiro lang yun pero sobrang napakalambing pa niyan. Naku, wala kami masabi sa ugali niya.

Lagi kami may pasalubong niyan pag nadalaw yan dito sa resthouse.

Tapos, siya din nagsusustento ng maintenance na gamot ng asawa ko.

Kaya, sana hija alagaan mo at mahalin ang alaga ko na yun ha.

Masaya kami kung ikaw ang kanyang makakasama habang buhay. Kasi alam namin na sobrang saya ni senyorito virgil.

Tapos, ang gusto pa niya dito daw niya ititira ang kanyang magiging pamilya.

Napaka seryoso ng alaga ko na yun.Habang nagkukwento samin ni manong berto niya. Minsan tatawag lang yan samin dito para tanungin kung may gamot paba ang asawa ko. Tapos siya pa mismo ang pupunta dito para lang ihatid yun.

At ikaw lang ang babae na dinala niya dito at sobrang nag aalala sa kakainin mo.

Pasensiya kana hija napakadaldal ko naba. Nakangiti na sabi ni manang fe sakin.

Ay. Hindi naman okey lang po manang fe,tsaka masaya po ako kasi madami ako nalaman about kay virgil.

Kasi ang virgil na kilala ko po, naku maloko at lagi akong inaasar.  Natatawa kong kwento din kay manang.

At laging may ginagawang kababalaghan. Idadagdag ko pa sana pero sinarili ko nalang.

Tsaka, alam mo ba hija. Kahit di pa kita nakikita naku kilalang - kilala na kita. Kasi laging may pinapakita na litrato itong alaga ko sakin. At ikaw yun.

P-po...! Hala. Totoo po...? Gulat ko na tanong kay manang. Sabay takip ko ng dalawang palad sa mukha ko sa sobrang hiya. Mga litrato daw. Diyos ko matino kaya na mga pictures yun. Tsaka paano niya ako nakuhaan ng mga ganu. Hays. Loko talaga itong lalaki na ito. Pero, natutuwa ako sa mga nalaman ko. As in, super happy ako.

Ay! Ano ba yan ang dami ko na pala kwento. Lagot ako sa alaga ko. Sige hija, at baka may masabi pa ako na bawal mo pa malaman. Nagkamot pa sa ulo si manang fe. At ako naman ay natatawa sa kanyang hitsura.

Naku po, hindi po maraming salamat po manang masaya kong sabi sa kanya.

Maiwan ko po muna kayo manang titingnan ko lang po si virgil sa taas kung gisingin na para makapag-tanghalian na po kami.

Sige hija. At ako naman ay gagayak na din.Baka bukas pa ako makabalik ng hapon dine ha. May mga lutuin naman jan na pwede niyo ulamin.

Paki sabi nalang kay virgil na mauna na ako hija ha.

Long Time No See, My Wife (Spg) (COMPLETED) (Un-edited)Where stories live. Discover now