Chapter 55 "Missing Each Other ❤"

643 20 11
                                    

Manang!!!  Manang fe... !!!

Malakas na tawag ni virgil sa may labas nang kusina.

Andito kami hijo. Ganting sigaw ni manang dito.

Im leaving... May aasikasuhin lang akong importanteng bagay. Kayo muna bahala dito sa bahay. Walang kangiti-ngiti nitong paalam kay manang at saglit lang akong sinulyapan na nasa malapit kay manang at tumutulong sa pagluluto.

Ay.Sayang naman. Akala ko pa naman sabay tayong apat kakain hijo. Bakit naman sobrang importante ba yan?.

Yes, it's very important manang, kaya kayo muna bahala dito sa lahat. At ayaw ko nang makakarinig nang masamang balita. Alam niyo na po manang ang ibig kung sabihin. Babala pa nito tugon kay manang fe. Pero ang mata ay nasa akin nakatutok. Kahit di siya kaharap. Ramdam ko ang matiim niyang titig sa likod ko.

Oh, siya't-sige mag iingat ka sa biyahe hijo, ha. Ako na bahala dine.

Sige po manang fe..Narinig ko pa ang malakas nitong buntonghininga na tila nabibigatan o nahihirapan umalis.

"Sabay lapit sakin at walang paalam akong hinalikan sa aking nakauwang pa na labi sa gulat".

He give me a goodbye kiss. At walang lingon mabilis na tumalikod.

Nagulat at nahiya ako. Paano narinig ko pa ang munting hagikhik ni martha na tila nakilig sa nakita nitong paghalik sakin ni virgil. Na mabilis naman sinaway ni manang sa pamamagitan nang pagkurot sa tagiliran nito.

Lihim na din akong napangiti't-nakilig. Akala ko pa naman galit na talaga siya sakin sa sinabi ko sa kanya kagabi.

Paano ba nito hija, tayo lang pala ang kakain nitong niluto natin. Malungkot na sabi ni manang sakin.

Naku. Okey lang po yan manang. Madami pa naman araw na magkakasabay tayong apat dito kumain. Ngiti ko na turan pa dito.
Nga pala manang,si mang bert po nasaan po siya? Di ko pa po siya nakikita simula nang ----dumating ako dito. Tanong ko dito.

Si bert, ba hija, naku andun na naman sa bukiran niya at minsan mangingisda yun asawa ko na yun. Ayaw na nga payagan pa ni senyorito virgil na magpupunta sa laot lalo na at may dinaramdam minsan sa kanyang rayuma.

Ah ganun po ba manang. Ngiti ko na tugon.

Martha, ayusin mo na ang hapag at nang makakain na tayo dine. Sigaw ni manang dito.

Lola naman eh. Di naman po ako bingi. Nakakahiya tuloy kay senyorita. Maktol at busangot pa nitong sabi sa lola niya.

Lola, bakit kaya nag iba na naman ang hitsura ni senyorito. Kanina may kausap siya sa phone sinigawan pa niya la. Tapos, di na ako nakakarinig ng tawa niya. Para bumabalik na naman po siya sa dati. Malungkot pa na paliwanag nito.

Naninigaw at laging nagkukulong sa kwarto. Ni minsan ayaw pa kumain. Puro alak nalang ang laging iniinom. Ayaw ko nang ganun lola, kasi kawawa si senyorito natin. Baka magkasakit pa siya. Masaya ako pag masaya din po siya. Kaya nga natuwa ako na nandito na si magandang senyorita natin eh. Hehe. Biglang bago ng awra nito.

"Ako naman ay bigla may kakaibang kirot sa aking dibdib. Kasi ganun pala ang mga pinagdaanan niya. Sa panahon magkahiwalay kami. Na akala ko ako lang ang naging malungkutin. At nakaramdam nang miserable sa buhay. Siya din pala?".

"Naku. Kain na tayo at di yun magkwentuhan nalang dine sa hapag. Bunganga mo talaga bata ka para yan armalite walang tigil."

"Natawa naman ako sa huling sinabi ni manang. At kumain na kami tatlo nang tahimik."

******
Nag ikot-ikot ako sa loob nang bahay. Ngayon ko lang nalaman na maganda pala talaga ang bahay na ito. Mukhang bago pa, or baka bagong pintura lang. May mga ilan kwarto din ito. Ito yun nakita ko na bakanteng lote noon sinama kami niya dito nang kuya ko at nang aking kaibigan lukaret.
Oo, nga pala ano kaya balita sa aking kaibigan. At papaano siya napapayag ni virgil na dalhin ako dito. Ang pagkakaalam ko kasi dati ayaw niya kay virgil. Kesyo ganito, ganyan daw.

Long Time No See, My Wife (Spg) (COMPLETED) (Un-edited)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz