Oh? Anong tinitingin-tingin niyo jan? For your info, I had a fair share of women. Marami akong naging girlfriend pero hindi ko sila sineseryoso at hindi rin ako nagsasabay-sabay ng girlfriend. I think that's a coward thing to do. Kahit paano ay may respeto ako sa babae, kahit na ang mga babae na mismo ang hindi nagpaparespeto.. and I have a mom.

Pero bakit ko ba sobrang ine-explain ang sarili ko? Tss.

"Hoy Rodney. Sabihin mo nga sa akin anong ginawa mo kay Kayla at umuwi siya kahapon? Tapos hindi pa sinasagot mga texts at tawag ko. What did you do to her? Tinakot mo ba? Ay anak ka talaga ng kasutilan!" Ang ingay nalang lagi ng babaeng ito.

Paano siya nagustuhan ni tomas? Hindi ba siya naiingayan sa babaeng ito? Nga pala, lunch break na namin kaya nasa mystery club room kaming tatlo. Akala ko nga makikita ko yung isang yun dito eh.. pero bigo ako. I look at Mami, na nakakunot na nakatingin sa akin.

"Wala akong ginawa sa kanya." I simply stated.

"Then, why she acted strange? Imposibleng wala kang ginawa dun eh.. ikaw talaga.. *pak!*... ang bad bad mo! Naku, sisipain na kita eh!" Pinalo niya ako sa likod kaya nagsisigaw ako sa sakit at hindi pa siya nakuntento at pinaghahampas pa ako sa dibdib na parang ang gaan ng kamay niya. Eh parang bakal na nga sa tigas at sakit eh.

Pasalamat siya babae siya. >.<

"Tama na Mami! Wala akong ginawa sa kanya, sinabihan ko lang siya na.... girlfriend ko na siya... oh, masama ba yun?"

Nag-eexpect ako ng palong malakas pero nagtataka ako na walang dumapong bakal sa likod ko kaya nag-angat ako ng tingin at nakita kong nakanganga si mami at parang natulala pa habang si Thomas naman.. ayun titig na titig lang kay Mami na mukhang tanga. Seriously?

"A-anong sinabi mo? Ano nga ulit, nabingi ata ako, sandali..." Kinuliglig niya pa yung tenga niya, na parang may nakabara sa loob and I don't wanna imagine something gross. Bahala na kayo mag-imagine.

"I asked her... I mean, I simply stated to her that starting from yesterday, girlfriend ko na siya--" hindi ko natuloy yung sinabi ko ng maramdaman ko na yung bakal na kamay na pumalo sa likuran ko.

"Ah!--aray--ano ba?! Tigilan mo nga--aray---ako--aray!"

"BAKIT MO SINABI YUN?! Aaaiiiii!! Ang gago mo talaga?! Ano? Gagawin mo rin siyang isa sa mga laruan mo tapos you will drop her like a hot potato?! Buwisit ka talaga rodney! I'm warning you, huwag na huwag kang magkakamali.... kundi, naku... kakalimutan kong kaibigan kita. Better remember that."

I winced at her look. Alam kong seryoso siya at hindi magandang asarin ang mga seryosong tao. Pero seryoso rin naman ako sa sinabi ko. Yes, if you think that I just want her to be my girl because I'm intrigue by her ability and she's a mystery, totoo yun. Pero hindi rin naman natin masasabi sa hinaharap. Malay mo, I fell in love. No one knows what will happen.

Open-minded ako and honest. Kahit hindi nila magustuhan ang katotohanang sasabihin ko, so be it. Basta ayokong nagsisinungaling at pinagsisinungalingan ako.

"Look, Mami.. bakit ba parang close na close na kayo nun eh ilang araw palang naman kayo nagkakilala at kung ipagtanggol mo siya, daig niya pa ang pinagsamahan natin. Why?" I asked.

Tinignan niya akong maigi, hindi naman ako nag-iba ng tingin at sinalubong ko ang titig niya. "Because she is. She is a friend and a friend is important. Parang kayo.. importante siya sa akin as I am to you."

"Ummm.. okay na ba kayo? Wala nang dispute na magaganap? Kasi.... may nanunuod eh."

Napatingin ako kay Thomas, at alam kong ganun din si Mami, at parehas kaming nagulat sa kung sino ang isa pang nandun na katabi ni Thomas.... nandito pala ang 'topic' namin. Para na naman siyang walking dead at walang kahit na anong makikita sa mata niya. Making it hard for me to know what is going on with her mind.

Pero nabigla ako ng mayakap niya ang sarili niya at parang may kung anong tumulak sa kanya at natumba siya. Malinaw sa mata ko ang gulat at takot na nakita ko.

"Kayla, ayos ka lang? Ay ang tanga ng tanong, nakita na ngang tumumba nagtanong pa ng obvious naman ang sagot. Uy kayong dalawang lalaki, alalayan niyo siya. Bilis!" Bubuhatin na sana siya ni Thomas na parang bride-style, pero tinabig ko agad ang kamay niya at ako na ang bumuhat.

"Ohh, easy, dude.. hindi naman kita tataluhin sa 'girlfriend' mo eh.. Haha"

"Gago, alam ko.. ayoko lang na may humahawak sa pag-aari ko." Sabay tingin ng seryoso. Ngumisi lang sa akin si Thomas at napapailing-iling na lumapit na lang kay Mami na nagtataka sa amin kanina pa. Inakbayan niya si Mami. "Let's go outside, nanang?"

"Ayoko. Dito lang ako.. At tsaka pag hindi mo inalis yang pagkakaakbay mo na para tayong close, sa bilang ng tatlo, may mawawala sayong kaligayahan--"

Hindi pa natatapos ang sinasabi ay itinaas agad ni Thomas ang kamay niya at ngumising nang-aasar kay Mami.

"Ito naman hindi na mabiro.. Hehe.."

"Hmp. Umayos ka tang ah.. kukutusan kita." Sabay lapit niya sa nakapikit na ngayong si Kayla.

"Bakit ang lamig niya? Kayla, bakit ka pa pumasok eh may lagnat ka ata?"

Ngayong sinabi niya yan, naramdaman ko ngang malamig siya at nakayakap pa nga siya sa sarili niya. Nagtataka lang ako... kasi kung nilalagnat ang isang tao, they are supposed to be hot? Not cold?
Hahawakan ko sana ang kamay niya pero bigla na siyang umayos ng upo at nakatingin.... sa akin? Hindi... sa likuran ko. Ano bang meron sa likod ko? Wait.... may.... may multo ba? Nakikita niya ba?

"Mami...." Tawag niya.

"B-bakit, Kayla? May kailangan ka ba?"

"Pwede bang paalisin mo sila.... I have something to say." She seriously said.

"Oh narinig niyo naman ang sinabi, alis.. tsupi! Layas!" Tapos pinagtutulakan kaming dalawa ni thomas at wala naman kaming choice kundi lumabas. Pero alam kong may kinalaman ito sa hinala ko. And now that I realized... may alam pala si Mami.

****

"Kayla, nakalabas na sila. Anong sasabihin mo?" I asked her.

May takot pa rin sa mukha niya at nagtataka ako kung bakit. Tapos tingin siya ng tingin sa pintong pinaglabasan ng dalawa. Ano kayang nakikita niya? B-baka.... may m-multo na naman dito.. oh no... oh no talaga...!

"W-what did you do that for..?" She suddenly said.

Pero hindi ako ang kausap niya, alam ko. Nakatingin kasi siya sa pinto. Nakikinig na lang ako. Maya-maya pa ay napapanganga siya at nakatanga sa tinitignan niya. I don't know what to say or to react. Basta nanunuod lang ako sa gagawin niya.

Kung nakakakita lang din ako eh.. pero wag na rin pala. Baka bangungutin ako habang buhay ko. My god, I'm too young and too beautiful to be stress.

"Wala akong gusto sa kanya, so don't worry.. now what's your name and why did you like that guy? Sabagay, bakit ko ba pakikialaman pa yan. Anyway... don't hurt me or anyone else na lumalapit sa kanya. It's not good." Sabi pa niya.

Sinong gusto nino? Hmmm... mukhang may mystery na naman na iso-solve ang mystery club ah?

This will be interesting....

Ghost Detective! (COMPLETED)Där berättelser lever. Upptäck nu