natawa naman si sebastian sa kanya, "hindi naman. pumunta ako dito nung tapos na yung klase ko." nakangiting sambit ni sebastian sa kanya. "tsaka.. si jax din ang nagsabi sa akin na gising ka na. tsaka sabi ko sa kanya pagtapos ng klase ko pupuntahan kita dito kasi gusto kitang makita. pumayag naman siya." dagdag niya. napapatango lang naman si yesha.

tapos napatingin naman silang pareho sa akin. nagtaka naman ako na tinitignan nila ako na parang may mali ba sa akin?

"oh, bakit?" tanong ko.

napatawa naman si sebastian, "okay ka lang? bakit hindi ka nagsasalita diyan?" tanong niya sa akin.

kasi tangina naman. dapat kasi si yesha nalang naging first love ko. ang gago ko.. ano bang trip ko at niloko ko siya? jaxvier park certified bobo.

yan tuloy nalulungkot girlfriend ko dahil sa inspirasyon inspirasyon na yun. ang lumbay pa nga ng tono niya kanina. tsk. importante pa din kasi yung present di'ba? ang importante siya yung inspirasyon ko ngayon sa lahat. hindi si yvonne.

tsaka inspirasyon si yvonne? punyeta HAHAHAHAHA hindi ah. kahit first love ko siya, tamad pa din ako sa pag-aaral. cutting classes nga ako lagi. puro volleyball lang ako nun at halos ayaw ko na mag-aral. taena ayoko na, nakakahiya maging first love si yvonne.

tsaka alam niyo naman yata kung sino yung rason kung bakit ako nag-aaral kahit tamad ako.

natawa naman ako ng konti dahil sa pinag-iisip ko dito, "ha.. okay lang ako. nag-uusap kayo eh." sabi ko sa kanila.

"sigurado ka? bakit ang lalim ng iniisip mo kanina? napansin ko yun." nag-aalalang sambit sakin ni yesha. ikaw naman kasi babe, wag mong aalahanin si yvonne.

"nako jaxvier pre, wag mong sasabihin na nagseselos ka sa amin ni yesha ha? nag-uusap lang kami ng maayos dito at walang halong malisya." natatawang sambit sa'kin ni sebastian. pareho naman kaming nabigla ni yesha sa sinabi niya.

napakagago talaga ni sebastian. matalino ngang tao pero ano bang pinag-iisip niya? porque tahimik at naguguluhan, selos kaagad? iba rin siya.

maya-maya natawa na din si yesha, "oo nga babe? hina mo naman." natatawang tanong niya sa akin.

pinagtutulungan pa nila akong dalawa ha. magseselos na talaga ako. dejoke lang.

"baliw ka, sebastian. pinagsasabi mo diyan. hindi ako nagseselos. may naaalala lang ako." sagot ko sa kanila. "tsaka wala naman akong kailangan pagseselosan kasi kaibigan ka lang naman ni yesha. ako naman yung mahal ni yesha." dagdag ko.

a/n : sebastian to jaxvier right now:

a/n : sebastian to jaxvier right now:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"yun ang ayos, jax

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"yun ang ayos, jax. tsaka wag kang mag-alala, unting-unti na akong nagmomove on sa girlfriend mo. tulad nga ng sabi ko, support ako sa inyo." nakangiting sambit sa'kin ni sebastian.

tinapik ko naman siya sa braso niya, "salamat talaga." sabi ko sa kanya at tumango lang siya.

"ha?"

sabay naman kaming napatingin kay yesha. mukhang nagtataka naman siya sa amin ngayon.

"ano babe?" tanong ko sa kanya.

"alam mo na--"

tumango ako at inunahan ko siya, "yes, babe. siya mismo nagsabi sa akin." nakangiting sabi ko sa kanya. napatingin naman siya kaagad kay sebastian na nakangiti rin.

"hindi ka.. galit sa kanya?"

umiling ako, "hindi. kasi wala naman akong karapatan kasi sariling nararamdman niya din yan." sabi ko, "pero kahit ganon, pinili niya pa din na suportahan ako para sa'yo. hindi ka niya inagaw sa akin kahit mahal ka niya." dagdag ko.

"malaking tulong pa nga siya. kasi dahil sa kanya, nalaman ko yung nangyari sa'yo. wala akong alam na nangyari 'to sayo pag hindi niya sinabi sa akin. siya ang unang nakaalam na dapat ako yung alerto kasi ako yung boyfriend mo. pero.. nagpapasalamat talaga ako, sebastian."

"oo naman. alam ko naman na mahal na mahal ka ni yesha. basta pasayahin mo lang siya jaxvier, masaya na din ako kung makita kong masaya siya. handa naman akong kalimutan yung nararamdaman ko sa kanya. basta wag mo lang siyang saktan." sabi ni sebastian at napangiti lang naman ako doon.

"oo naman, sebastian. salamat talaga ng sobra." sabi ko sa kanya.

"oo nga.. sorry na din talaga kasi nahulog ka pa sa akin. sana makamove on ka na." sabi ni yesha sa kanya.

natawa naman siya ng tuluyan, "hala, okay lang yesha, ano ba. wala kang kasalanan. natuto din naman ako na pakawalan ka kasi alam ko na talaga na hindi siguro ako yung tamang tao para sa'yo." sebastian.

"mas importante yung kaligayahan mo kesa sa akin. tsaka sapat na sa akin na hanggang kaibigan lang ako sa'yo."

tangina kasi, dapat may ganitong tao pa tulad ni sebastian. dapat ganito din si yvonne sa amin kaso ang.. tanga niya lang talaga eh.

"bait mo talaga, sebee. kaya hindi kita deserve. may tao talagang deserve ka ng sobra-sobra." nakangiting sambit sa kanya ni sebastian. "like.. you deserve happiness too. ang saya mong kasama. ang rare mo. swerte ng babae na makakatuluyan mo sa huli."

napatango naman ako doon, "oo nga, sebastian. wala ka pa bang ipapalit kay yesha?" natatawang tanong ko sa kanya.

natawa naman siya, "grabe.. syempre wala pa. hindi pa nga ako fully moved on sa girlfriend mo tapos may bago na ako kaagad?" sagot niya. honest niya naman sa amin. "pero konting-konti nalang.. makakamove on na ako."

buti hindi aggresive na tao si sebastian. baka inagaw na si yesha sa akin. aba masasapak ko siya kapag ganon.

"kung sino man yung tamang tao para sa akin, hihintayin ko kung sino man yun. sana nga.. dumating pa yun." natatawang sambit niya.

"ano ba, oo 'no." yesha.

"oo naman, hindi ka pwede maging single at sad boy forever 'no." natatawang sambit ko sa kanya sa dahilan na natawa kaming tatlo dito.

"anong sad boy? parang si mace ka naman." natatawang sambit niya sa dahilan na nagtaka ako.

"ako? si mace? paano?" tanong ko sa kanya.

"sad boy kasi tawag niya sa akin, nakakabanas yan. nickname niya na sa akin yun. tsaka naalala ko lang siya bigla nung sabi mo di ako pwede maging sad boy." napatango naman ako doon. ah yun pala.

pero nickname sa kanya ni mace.. sad boy? HAHAHAHAHA

"sad boy pa nga." natatawang sambit ko sa kanya.

"oo, ewan ko sa kanya. anong trip niya. hinahayaan ko nalang talaga."

"ayieeeeeeeeeee. si mace pala naalala mo sa word na yun. so what if.. sebee si mace pala yung right person para sayo?" tanong sa kanya ni yesha. kinikilig pa nga. cute talaga. ♡__♡

napangiti naman si sebastian dito nung tinanong yun ni yesha sa kanya. bagay din naman sila ni mace. kaso yung height talaga ang layo. ang sobrang taas ni sebastian kay mace. aish, bakit height ba kagad naisip kong pagkakaiba nila? height doesn't matter.

"ah.. masasabi kong maganda, mabait at masayang kasama si mace. kaso sorry kasi alam kong hindi siya yun. kaibigan lang tingin ko sa babae na yun."

baka kainin niya sa susunod yung mga pinagsasabi niya. parang ako lang noon. sabi ko, hanggang panloloko lang lahat yung pagmamahal ko kay yesha at dapat si yvonne pa din yung mahal ko hanggang sa huli.

but i failed on my own words. you already know what i mean.

innocent | nininiWhere stories live. Discover now