Hindi lumilingon na sumagot siya. "Hmm?"

"Pahiram ng phone directory niyo? Please emergency lang.. "

Hindi naman siya nag-dalawang isip o nagtanong pa at tumayo siya tapos naglakad siya papunta sa portrait na malaki ng pamilya nila. May lamesa sa ilalim nun at andun ang Landline nila.

"Nasa ilalim yung hinahanap mo. Sino bang tatawagan mo? Si Thomas ba? Papahiram ko nalang phone ko." He said.

Umiling ako. "Bakit ko naman tatawagan ang tatang na yun? Tss. Basta makikilala mo rin mamaya kung sino. Thanks Rodney ha!" Napapailing lang siya habang umaalis.

Nagsimula na akong maghanap at nag-start ako sa letter F. "Fuentes yun kung di ako nagkakamali, di ba? Okay.... Let's see.... F......"

Ang kapal kasi ng libro no? Ganun na ba karami ang tao sa pilipinas? Take note, pilipinas palang yan, pano pa kaya pag buong mundo na edi parang encyclopedia na yung phone directory pag ganun.

Nagtuluy-tuloy lang akong maghanap at nung makita ko naman ang fuentes, susmiyo! Hundreds of fuentes are here. How can I know which is her family here? Alangan naman isa-isahin ko tawagan? Edi inabot ako ng siyam-siyam dito? Sayang ng oras lang yun.

How can I do this?

.....

....

I know what to do, and I can't believe I will do this.

"Kuya Fonse... Kung nanjan ka man, kung naririnig mo ako. Pwede mo bang puntahan si Kayla? Please kailangan natin ang tulong niya. Para kay amarie..."

Mukha akong baliw dito. Promise! Pero para kay amarie at kuya fonse. Go lang ng go! Fight lang ng fight!

****

I'm having my breakfast together with my parents. Kakauwi lang nila kagabi nung pagkarating ko sa bahay. I ran towards them and hugged them so tight. I miss them so much! Kaya ngayon ang saya-saya ko at kasabay ko sila kumain sa agahan.

But later on, they will go again.

"Anak, saan ka pala nanggaling kagabi?" Tanong ni Papa.

"Sa f-friend ko po.."

"Friend? Oh my.. may friend na ang princess natin! Mommy's so much happy right now. Pa-hug nga dalaga ko.. " lumapit ako kay mommy at niyakap niya ako ng mahigpit kaya niyakap ko rin siya. They seems to be happy that I have a friend, but what if malaman nila ang totoo? Kung bakit at paano kami naging magkaibigan? Haayy.. ayoko nalang isipin.

Daddy brushes my hair. "Congrats on making friends. Minsan invite mo siya dito sa bahay so that we can meet her. Ok?" I nodded at him and smile.

"Psst. Kayla."

Hindi ko pinapansin si Leira dahil baka magtaka ang mga magulang ko at isa pa, baka nanti-trip na naman siya. Pero inulit-ulit niya akong tawagin at dahil sa naririndi ako pero may nase-sense akong urgency sa pagtawag niya kaya nagpaalam ako sa parents ko na pupunta muna ako sa room ko.

"Ano?! Nagbe-break fast kami ng magulang ko eh.." I hissed at her.

"May bisita tayo eh.. Hmm." Tinuro niya ng nguso niya yung sa bintana at medyo nanlaki pa ang mata ko ng makita ko si Fonse. The last time I saw him ay nung kahapon pa bago siya mawala sa amin. Sinabi sa akin ni Leira kagabi kung saan sila nagpunta ni Fonse. Sinundan nga nila si Lander, tama ang hinala ko.

"Bakit ka nandito?" I asked him.

"Nasa panganib ang buhay ni Amarie.. Masyado siyang sinaktan ni Lander kagabi.."

Ghost Detective! (COMPLETED)Where stories live. Discover now