Epilogue

5.9K 105 30
                                    

Priapus POV:


    Mabilis kong tinapos ang mga assignment ko bago tuluyang lumabas ng aking silid at pumunta sa silid ni Aoife. Nginisihan ko si Gramier na masama ang tingin sa akin habang tutok ito sa kaniyang projects matapos kong lagpasan ang kaniyang silid.


    Dumukwang ako sa silid ni Aoife at muli akong napangisi nang makita itong naglalaro ng kaniyang laruan. Mabilis akong pumasok at agad kinuha sa kaniya ang hindi ko kilalang laruan dahil sinusubo nito.


    Nakita ko kung paano unti-unting umasim ang kaniyang mukha para umiyak ngunit agad ko itong binuhat.


    Shit! Ang cute!


    "Kuya!" she bubbled.


    Sinabunutan nito kaagad ang aking buhok gamit ang maliliit niyang daliri. Napangiwi pa ako dahil puno ng laway ang kaniyang kamay. Napatingin ako kay Mommy na kakapasok lang din at nakakunot ang kaniyang noo.


    "Pry, you done with your home works? Nandiyan ka na naman sa kapatid mo, mamaya iiyak na naman iyan."


    Tiningnan ko ang inosenteng malaking mata ni Aoife. Agad ko siyang hinalikan sa kaniyang pisngi. Ang sarap niya lang kasing paiyakin, damn, ang cute!


    Pinanggigilan ko na kaagad ang kaniyang pisngi bago sumagot kay Mommy.
    "Hindi naman ako nagpapa-iyak, si Gramier 'yon."


    Bumuntong hininga si Mommy at pailing-iling na kinuha sa pagkakabuhat ko si Aoife.
    "You should sleep. Papatulugin ko na si baby."


    Napakamot na lamang ako sa aking batok. Oo nga pala mag a-apat na taon na siya bukas.
    "Baby, kiss mo muna si Kuya," nakangising sabi ko rito. Tumingin naman si Aoife sa akin. 

Lumapit ako para maabot niya at inilapit ang aking pisngi. Dumukwang naman ito para mahalikan ako sa pisngi. Pumalakpak pa ito at tumawa.


 Napailing na lamang ako bago lumabas ng silid. Gusto ko pa naman sana siyang kulitin. I don't know why I'm so very fond of her. Siguro ay dahil wala talagang babae sa pamilya namin, bukod na lamang kay Mommy at ang mga tiyahin namin.


    Nagpunas ako ng pawis at agad kinuha ang aking bag maging ang tubig na ibinigay ni Samantha. Saktong kakatapos kong uminom ay naramdaman ko kaagad ang pagtapik ni Vinnight sa aking balikat. Nasundan pa ng ilan kong mga teammates.


    "Nice play, bro," nakangising bati rin sa akin ni Titus. Ngumisi ako sa kaniya at nakipag fist bump dito. Ganoon din sina Angelus, Lander, Morgan at Rickx. Isang batok naman ang natamo ko kay Nick na agad kong pinakitaan ng gitnang daliri.


    "Ano, tuloy-tuloy na? Saang unibersidad gusto mo? Maraming nag-alok sa'yo. Varsity pa," tanong ni coach na malapad ang ngiti sa akin.


    Napailing ako.


    "Hindi ko pa alam."


    Nagkatinginan kami ng aking mga teammates nang makita ang grupo ng iilang mga babaeng papunta sa aming kinalalagyan.


    "Aba't magdesisyon ka na, Priapus. Ilang buwan na lamang at ga-graduate na kayo sa senior high."
    Ngumisi na lamang ako at tumango kay coach. Napailing na lamang siya dahil alam niyang wala ang focus ko sa kaniya. Ngumisi ang mga kasama ko ng kaniya-kaniyang lapit ang mga babae sa kanila.


    Nakangising napakamot na lamang ako ng batok ng isa-isang nagbatian ang mga babae sa akin. Nawala lamang ako sa focus noong siniko ako nang palihim ni Nick. "Pry, hayan na stalker mo," nakangising saad ni Nick habang nakatingin kay Samantha na papunta rito.

SMS #1: Eros in Taboo (Book 1) [COMPLETED]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin