Chapter 17

5.1K 106 7
                                    

~Okay~

Isang linggo na ang nakakalipas at halos alam kong hindi maipinta ang aking pagmumukha habang nakatanaw sa list noong mga pangalan para sa aking eighteen roses!

I lose! Vinnight will be my third dance! And Chaos will be my last! Gusto ko na lamang sana na si Thury na lamang, at least ay may pinagsamahan pa kami. Ngunit noong tumanggi siya kaagad sa imbitasyon ko dahil pupunta silang Canada, ay wala na rin akong nagawa noong nag-suggest si Chan na si Chaos na lamang.

But, the plan of seducing Vinnight is still on! Ang swerte naman niya, dahil siya ang makakauna sa akin! And I promise I'm not going to be clingy after that! Wala rin namang mawawala sa akin. It's just a piece of flesh of mine that would be tear apart! It's just a hymen!

Nanatili akong nakatutok sa aking phone habang pababa ng maingat sa hagdan. Napakunot ang aking noo nang mabasa ang bagong message sa akin ni Chandely. Ang sabi niya ay nakita raw niya si Sereya'ng namimili ng mga swim wear, kahapon. I type my reply for her, ignoring the sounds of laughter in our living room.

Dumiretso ako sa aming kusina upang uminom ng tubig. Napatigil ako nang umubo si Lausus nang makita ako habang umiinom ng tubig.

So, they are here! My cousins.

Ngumuso ako at pumuntang ref upang kumuha roon ng pitsel ng tubig. Nanatili lamang siyang naroon sa gilid ng counter at nakasandal. Nilagpasan ko ito upang kumuha ng baso at nilagyan iyon ng tubig.

Habang umiinom ako ay napatingin ako sa kaniya. He's still staring at me seriously.
Anong problema nito?

Nilagpasan ko siyang muli upang ibalik ang pitsel sa loob ng ref. Pagkatapos ay hinarap ko ito at kinunutan ng noo. The laughter in our living room got louder.

"What's wrong with you?"

Ngumuso siya at napatingin sa aking labi. Tinaasan ko siya agad ng kilay. Napakamot naman ito ng kaniyang batok. Doon ko lamang napansin ang pamumula ng kaniyang mukha.

Agad akong lumapit sa kaniya. Samantalang siya naman ay nagulat at napaatras. Dapat kasi kapag nakita niya ako ay babarahin na ako nito. But now he's silent!

"Are you, sick?"

Sinubukan kong hawakan ang kaniyang noo ngunit umilag ito at tumawa.

"I'm not-maybe? I don't know, Aeliana."
Napakamot siya sa kaniyang ulo at kumunot ang noo.

"You're weird, bakit hindi ka nagpa checkup? Malay natin may sakit ka na pala sa isip?"
Nginisihan ko ito. I think this is my time to tease him!

Bumuntong hininga ito. His jaw moved. Nawala ang aking ngisi. Okay, maybe it's not time to tease him, he's not in his mood.

"Maybe, I am mentally sick."

He let out a frustrated sigh. Tatanungin ko pa sana ito ngunit nakita kong pumasok si Damien.

Kumunot agad ang kaniyang noo ng makita kami.

"Aeliana." ngumiti ito nang batiin ako. Agad niya akong inakbayan, bago kinausap si Lausus.

"Lausus, we are waiting for the beer. Antagal mo!" reklamo nito kay Lausus.

Lausus 'tsked' bago tinungo ang ref. Nag-angat naman ako ng tingin kay Damien. Nakakunot din ang kaniyang noo habang nakatingin kay Lausus.

"May problema ba iyon?" tahimik na tanong ko kay Damien. Nagkibit balikat lang ito at inakay ako papunta sa aming sala.

SMS #1: Eros in Taboo (Book 1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon