Chapter 40

4.1K 62 36
                                    

  ~Darkness~


    Sunod-sunod ang pag-inom ko sa boteng hawak ko. The sexy music that exploding on the whole bar makes me laugh like crazy. Problemado lamang na nakatingin si Chandely sa akin. Nakakalahati ko na ang wine na aking iniinom. 

Nakipag-awayan pa ako sa bartender para lamang maibigay niya ito sa akin. Hindi ko mapigilang sabayan ang sensuwal na tugtog ng Versace on the floor na lalong ikinunot ng noo ni Chandely.



    I giggled. Bago muling itinungga ang laman ng bote. I dried my lips using the back of my hand.
    "Chandely, let's dance!" I cheered. Bumuntong hininga lamang siya at pinaglaruan ang one-shot niyang vodka.


    "Let's go home, Ael." Hindi ko na mapigilang hindi umirap sa kaniya. Minsanan na nga lang ako maging masaya tapos hindi naman siya makasabay sa akin. Para namang ang laki-laki ng problema niya.


    "I'm having fun, Chan. Come on! Huwag ka nga'ng mag-inarte riyan na parang naiwanan."
    "Aeliana, you're doing this for a week. Si Tita laging tumatawag sa akin kung bakit hindi ka na umuuwi roon sa inyo. And I just want to remind you that you're fucking pregnant! 

You need to be sober at least. Nagpa-schedule ka na ng check-up sa OB-gyne bukas hindi ba? Atsaka sinabihan na kitang pinapapunta ka ng Mommy mo sa hotel noong kakilala niya bukas ng gabi."


    Tinawanan ko na lamang siya. Bakit para yatang hindi bagay si Chandely maging nagger?
    "Aeliana, you're taking this seriously aren't you?"


    "Chan, bukas pa iyon. Iba ngayon okay? I promise I'm doing all of that tomorrow!"


    Chandely groaned and exhaled a harsh deep breath. Sinimulan ko na lamang uminom ulit sa aking boteng hawak. I eyed Chandely while her eyes wandering around the bar. Tinaasan ko na lamang siya ng kilay noong muntik na siyang mabilaukan sa kaniyang iniinom. Bago pa niya magawang magsalita ay may bumati ng boses mula sa aking likuran.


    Nagsitayuan kaagad ang balahibo sa aking batok nang mapuna kung sino iyon. Napapikit ako ng mariin at nagbulong ng mura. Hanggat kaya kong iwasan ang mga taong nasa paligid ko ay gagawin ko. Ngunit wala sa plano kong magkulong o magtago para lamang maiwasan sila.
 

   Hindi ko pa rin napapatawad ang sarili dahil sa pagpapa-asa kay Chaos. The good man was acting like a beast after that scene. Sinubukan kong lapitan si Chaos ngunit hindi ako hinayaan ni Chandely. Ang sabi niya ay magiging okay din ito.


    And I pray, he will... soon.


    "What are you doing here?" Ang baritonong boses nito ay mas lalong nagpakaba sa akin. Tila kapag kinausap ko siya o titingnan ay maaari niyang malaman ang aking sekreto.
    Palihim akong napahawak sa aking tiyan.


    "V-Vin," nangingiting sabi ko ngunit ramdam ko ang pagpapawis ng malamig sa akin. Agad kong binalik ang boteng hawak sa mesa at itinago ang aking kamay nang mapatingin siya roon.
    "What are you doing here? Dalawa lang kayo?"


    Tumikhim si Chandely bago sumagot.


    "Y-yeah. Ikaw, sinong kasama mo?"


    He leans on our table and licked his lower lip before he answered Chandely's question.


    "I'm with my friends, nasa VIP room kami." Kumunot ang noo niya habang tinitingnan ako. I don't really know why he looks intimidating. "Aeliana, alam ba ni Priapus na nandito ka? He never told me that you're also here."

SMS #1: Eros in Taboo (Book 1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now