Chapter 23

4.6K 95 24
                                    

~Sorry~

Simula ng araw na iyon ay hindi ko na kinausap si Priapus. Nagkasagutan pa sila ni Vinnight ng araw na iyon. I don't even know why Vinnight looks so terrible furious.

Nakakapanibago ang kaniyang ginawa. I thought he didn't like me. Pero bakit ganoon iyon? Nagkagulo rin at sinugod ni Orieah si Sereya. At ang naging masama ay si Orieah pa, dahil magaling talaga magpanggap na kaawa-awa ang Sereya'ng iyon.

Hinanap pa ng mga pinsan ko ang mga lalaking nambastos sa akin ngunit wala na sila. Hindi rin naman iyon kilala ni Vinnight.

Kasalukuyang nanunuod ako ng T.V ngayon dito sa sala, habang hinihintay iyong mag me-make-up sa akin. Si Mommy naman ay nanduon sa kusina at naghahanda ng makakain para sa kaibigan daw niyang siyang gagawa sa aking mukha at buhok.

Dalawang araw na ang nakakaraan ng muli silang bumalik dito nila Daddy at Kuya Zephirus.

Ilang oras na lamang at magsisimula na ang aking birthday. I'd prefer to dress here in our house because I don't want to see Kuya Priapus there in the hotel. Doon na sila kanina pa ni Kuya Zephirus at Gramier. Ang sabi ay titingnan nila kung okay na ba raw ang lahat para mamayang gabi.

I also received a lot of e-mails, chats, and text messages, greeting me a happy birthday. Nagtext rin si Chandely sa akin kung ano na ngayon ang aking ginagawa. I told her, I'm watching Vampire Diaries. Muling nag-ingay ang aking phone kaya muli akong napatingin doon.

Chandely:
Si Elena nga na agaw ni Damon sa kaniyang kapatid na si Stefan, paano na lamang sa mga katulad nating ordinaryong tao lang?

Kumunot ang aking noo. Ano na naman ba itong tumatakbo sa isip ni Chandely? I was about to punch my reply when I heard Daddy's voice. Napangiti ako noong makita siyang papasok sa pintuan. Sabik ko itong sinalubong at agad na niyakap.

"Whoa, whoa, Aeliana. I'm gone just an hour ago," natatawang sabi nito. Of course, it's only not the reason why I approached him.

Napailing-iling na lamang ito. I looked at him hopefully waiting. Muli siyang tumawa at may kinuha sa likod ng bulsa ng kaniyang pantalon. Hindi ko na napansin pang nanduon sa likuran niya si Kuya Zephirus nang inilabas niya ang isang maliit at kulay pink na kahon. Inilahad ko ang dalawa kong kamay habang nanatili roon ang aking atensyon.

Namilog ang aking mata at napaawang ang aking labi nang mailagay na iyon ni daddy sa nakalahad kong mga palad.

Mabilis ko iyong binuksan at hindi ko na napigilang hindi tumili nang malakas. I jumped in glee and hugged him before I kiss him on his cheeks! Nagtatalon ako sa tuwa habang hinawakan ang susi!

"I have my own car!" I squealed.

Napatingin ako kay Kuya Zephirus nang magsalita ito.

"You can watch it later, Aeliana. I chose it for you," nakangising sabi nito. Inamba ko na agad siya ng yakap. I can't believe it! I have my own car!

Biglang pumunta si Mommy sa kinaroroonan namin. She looks alarmed.

"What's happening here? Aeliana, are you okay?"

Natatawa akong lumapit sa kaniya at agad na niyakap.

"Yes, Mommy. I'm just happy with my new car!"

"You should not scream like that, honey. Aatakihin ako sa puso," she said with a long sigh.

Nang makarating ang kaibigan ni Mommy ay nagsimula na silang ayusan ako matapos kumain nang inihanda ng Mommy. Tatlo silang narito sa aking silid.

SMS #1: Eros in Taboo (Book 1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon