Chapter 2

8.3K 143 10
                                    

     ~Summer~

    "Tumitigas na iyang ulo mo, Aoife!"

    Nag-angat ako ng tingin kay Kuya Priapus. Bigla akong nakaramdam ng takot dahil sa pamumula ng kaniyang mukha. He even tightly clenched his jaw. His dark hooded eyes look scary.

    Nakita ko ang pagtayo ni Kuya Gramier at hinila ako. Agad niyang isinubsob ang aking mukha sa kaniyang dibdib. I'm still shocked and all. Hindi pa ako sinigawan ng kahit sino. Hindi ko pa nakitang ganoon siya.

    Ramdam ko talagang may nag-iba na sa pakikitungo nila sa akin, dahil lang sa ginawa kong iyon. At hindi nila iyon maintindihan kahit kailan.

Napansin ko ang paghugot nang malalim na hininga ni Kuya Gramier.

    "Pry, that's enough, you're scaring her." Ramdam ko ang pagdagundong ng boses ni Kuya Gramier nang magsalita ito.

    "No, Gramier. Masyado na siyang spoiled. That's our mistake. Masyado tayong maluwag diyan sa kaniya!"

    Napatalon ako sa pagsigaw ni Kuya Priapus. Agad na hinagod ni Kuya Gramier ang aking likod. Hindi ko na namalayang basa na ang aking pisngi ng aking luha.

    "Pry, stop shouting," mahinahong sabi ni Kuya Slaunter.

    "Pry, is right. Aeliana is so carefree. Baka masyadong masanay iyan."

    Hindi ko na mapigilang hindi humikbi nang marinig ang boses ni Kuya Perzeus. Even him! What's wrong with them?!

    "Ipagpabukas na lamang iyan. Masyado ng gabi para riyan. Aeliana, you should go to your room and rest," si Kuya Herminio.

    But, but... kakagising ko lang ah!

Gusto kong magprotesta nang marinig din si Damien.

    "Rest for now, Aeliana."

    "Huwag mo nang pansinin iyang si Priapus. May problema lang sa mga babae niyan," pabirong sabi pa ni Lausus. I know he's trying to lighten their mood especially to me.

Ngunit hindi ko pa rin matanggap na pangalawang beses na akong sinigawan ni Kuya Priapus ngayong araw. Hindi nila ako sinisigawan kahit pa anong ayaw nila sa gusto ko.

    "Aish, 'lika na nga. May sasabihin ako agad sa'yong sekreto. Siguradong matutuwa ka rito," si Thence, sabay hila sa akin. Sa kabila nang panlalabo ng mata ko dahil sa luha ay kita kong bitbit ni Thence ang mga pasalabong na dala ni Kuya Slaunter para sa akin.

    Nakayuko akong nagpahila kay Thence paakyat sa hagdan. Ramdam ko ang paninitig ng mga kapatid ko at mga pinsan ko sa akin.
    Nang makapasok kami sa aking silid ay nilagay ni Thence sa gilid ng sofa ang mga pasalubong ko.

Huminga ito nang malalim at hinarap ako, kasabay nang paglagay niya ng kaniyang kamay sa kaniyang beywang.

Napanguso ito habang nakatingin sa akin.
    "Stop crying, Aeliana. May problema lang iyong si Priapus."

    Matalim ko itong tiningnan kasabay nang pagpahid ko ng aking luha, gamit ang likod ng aking kamay. Napaatras ito sa aking ginawa. He then, looks amused, at parang natatawa. I know, I looked like a mess right now, ngunit wala akong pakialam dahil galit ako ngayon!

    "Bakit na damay ako? Huh? You don't understand me. And you will never be! You treated me like a child! Akala ninyo hindi ko iyon alam? Look at me? Do you think I still look like a child, huh?! I have a... a-a..."

    Mas lalo akong nagalit nang makita kong pinipigilan na lamang ni Thence na tumawa. Damn him! Bakit ba siya pa itong napagbuntungan ko ng inis. He didn't take things seriously!

SMS #1: Eros in Taboo (Book 1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now