Chapter 29

3.3K 79 25
                                    

    ~Back~


    I'm home. Hindi ako mapakali sa kakalibot ng aking paningin sa kabuoang loob ng airport. I feel hyper as we stride along with the other passengers. Nasa hulihan na ako nina Mommy, Daddy at Kuya Zephr. Si Chaos naman ay nanatiling nasa aking likuran. Sina Mommy ay busy sa pag-uusap ng kung ano. It's about business, I'm sure.

 
    Tumingala ako ng maramdaman ang braso ni Chaos sa aking beywang. Ibinalik ko sa kaniya ang ibinigay nitong ngiti sa akin.

 
    "You okay?" He asked, brows furrowed.
    Isang matamis na ngiti ang aking pinakawalan bago tumango. Hinawakan nito ang aking kamay. He intertwined it with his other free hands. Agad na gumaan ang aking pakiramdam. He remained silent so I did it too, habang sinusundan namin sina Mommy papalabas ng airport.

 
    "Now, I must say that you are okay." Hindi ko mapigilang hindi tumawa dahil sa ibinulong sa akin ni Chaos. 


    "I'm more than okay, Chaos. Don't make your gesture as an excuse to what I feel."


Humalakhak ito. "So, I don't have an effect on you even if I'm holding your hands?" he asked. May pagtatampo pa sa boses nito. Huminto ako at humarap sa kaniya nang makitang huminto rin sina Mommy hindi kalayuan sa amin.

 
    Napanguso si Chaos dahil sa aking ginawa na agad ding huminto. Kita ko ang tinatagong ngiti niya sa pamamagitan ng kaniyang pagnguso.

 
    Agad kong hinagod ng tingin ang kabuoang mukha niya. Mula sa medyo nakakunot niyang noo, sa makapal at medyo magkasalubong niyang kilay. Sa asul nitong mata, matangos niyang ilong, manipis at kulay pink na labi hanggang sa nakadepina niyang panga at pisngi. He have stubbles around it. This man is perfect. Bakit hindi na lamang siya ang minahal ko. Why not that day and why not today?

 
    Huminga ako ng malalim at tiningnan siya sa mga mata. Now he looked so serious.
    "Don't look at me like that, Aeliana. Baka makalimutan kong nasa labas tayo ng airport na'to at nandiyan lang ang Kuya at mga magulang mo at mahalikan kita rito mismo," he whispered.

 
    Isang tipid na ngiti ang aking pinakawalan at hindi pinansin ang kaniyang sinabi.


 
    "I want to say thank you for everything, Chaos. I really mean it. Siguro ay hindi ako magiging ganito kung hindi dahil sa'yo. You're too good for me that I feel so bad for not loving you like what you feel towards me. I-"


    "Aeliana, its fine. I understand. Okay? It's fine. I... can manage this..." tumango-tango ito na tila kinukumbinsi ang sarili. Marahan niyang hinaplos ang aking buhok papunta sa aking mukha.


    Sumikip ng husto ang aking dibdib nang makita kung paano umigting ang kaniyang panga. He wetted his lower lip and he flashed his boyish grin.

 
Akmang magsasalita pa sana ako nang tinawag na kaming dalawa ni Daddy. Hindi na ako nakapagsalita pa nang marahan na akong hinila ni Chaos. I was looking on his wide back feeling so guilty.

 
    Huminga ako ng malalim nang marinig ko na ang boses ni Mommy.

 
"It's okay, Tita. I'm free today." Agad na napatingin ako sa taong may-ari ng boses na iyon.
    Napangiti ako nang makitang umawang ang kaniyang labi nang makita ako. I giggled when he approached me and look me from my head to toe and back to my face.


    "Aeliana! Come here," he said chuckling. Niyakap nito ako ng mahigpit.
    "Hello to you too, Thence," natatawa kong sabi. Kapansin-pansin ang pagbabago nito. Mas tumangkad ito at mas lalong lumaki ang katawan. Nakakapanibago ring tingnan na nakasuot na ito ng three piece suit.

SMS #1: Eros in Taboo (Book 1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now