Chapter 14

5.4K 111 34
                                    

~Frame-up ~

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita silang naghalikan. Para akong sinasakal at halos hindi ko magawang ilihis ang aking mga mata.

Napaawang ang aking labi noong kitang-kita ko kung paano sipsipin ni Sereya ang labi ni Priapus.

Hindi ko alam kung talaga bang nagpapakita ito dahil nagmulat pa ito ng mata at tumingin sa akin bago tinapos ang halik. Napatiim bagang ako nang lumingon sa akin si Priapus habang nakangisi. Naikuyom ko ang aking kamao!

Mas magaling pa ba humalik ang Sereya'ng iyan kaysa sa akin?!

Nagtaas ako ng kilay nang muling lumingon si Priapus kay Sereya.

Sereya flashed her shyly smile. Uuwi na kami hindi ba? Ang sabi ni Kuya ay ipagluluto niya ako. Lalo na't hindi ako masyadong nakakain ng maayos kanina.

Akmang magsasalita na sana ako ng naunahan ako ni Sereya.

"I'm just here to eat," nakangiting sabi nito.

Bakit? Wala bang drive thru? At bakit niya sinasabi iyon? May nagtanong ba sa kaniya?
Kumunot ang noo sa kaniya ni Kuya.

"I thought you've already had lunch?"

Nagkibit ng balikat si Sereya.

"Hindi kasi maganda ang pagkakaluto ko kaya, napagdisesyunan kong dumito na lamang. Tutal ay nandito ka rin naman pala," nahihiyang sabi ni Sereya.

Ngumiti sa kaniya si Priapus.

Napakunot agad ako ng noo. Don't tell me, he's going to leave me here alone, and be with Sereya? Baka nakakalimutan yata ni Kuya na 'blood is thicker than water.'

Lumingon sa akin si Kuya. Magsasalita na sana ulit ako ng muli akong maunahan ni Sereya. Napatingin si Kuya sa kaniya.

"Don't worry, Pry. Ako na lamang. Tutal ay parang uuwi na kayo. I can eat alone," mahinhing sabi nito. Tumingin pa ito sa akin at ngumiti. Tinaasan ko lamang siya ng kilay.

"Kuya, let's go ho-"

"Okay, let's eat together," nakangiting sabi ni Kuya. I was about to protest when Sereya talked again.

"No, Pry. I'm really good. I think your sister was in a hurry. I don't want to ruin-"

"Come on, honey. Aoife understands that. Wala naman siyang gagawing importante."

Lumingon sa akin si Priapus. His hand reached Sereya's hand. Agad akong umiwas ng tingin at ibinalik sa mukha ni Priapus ang mga mata.

"Let's go? Let's find another nice resto."

Hinila na nito si Sereya pabalik sa loob ng mall. Samantalang ako ay halos hindi makapaniwala! He chose Sereya over me?!

Kinurap-kurap ko ang nanadyang mga luha ko. I'm always their first priority! What happened now? They don't even let me talk or asked me! How can Priapus like that girl who's always wearing a simple shirt and jeans?!

Hindi makapaniwalang napatingin ako sa sariling suot. I thought we are going home because he said there's a lot of flies in here? Nagpakita lang ang Sereya'ng iyan ay hindi na ako pinansin?!

Nabalik ako sa sarili nang marinig ang tawag ni Kuya Priapus sa akin.

"Priapus, really. I'm okay with myself. Drive Aoife home," muling sabi ni Sereya na lalong ikina-init ng aking ulo.

Humalukipkip ako at pinagtaasan ito ng kilay. Tumahimik ito kaagad at mas lalong kumapit sa braso ni Priapus.

"Don't call me, Aoife. We are not even close," mataray na sabi ko sa kaniya.

SMS #1: Eros in Taboo (Book 1) [COMPLETED]Kde žijí příběhy. Začni objevovat