TB Chapter 19: Plan

Start from the beginning
                                    

Kiara: Mayaman ba 'yan? 5k lang yung ambag 😒

Allan: Edi gagawin ko ng 15k!

Phia: Yung iba? Musta?

Gent: I'll give 10k also.

Ian: Same.

Phia: Wala akong pera ngayon kaya 5k lang muna ambag ko.

Kiara: Poor 😝💅

Phia: Tigil-tigilan mo ko, Kiara! Atleast nga may ambag eh!

Kiara: 😗

Neo: Wala rin akong pera. Sagot ko na piso.

Kiara: Tangina, pinaglololoko mo ba kami dito?

Neo: Hindi.

Phia: Kiara, wag ka na ngang epal! Atleast nga may ambag eh! Diba, Neo?

Neo: Oo nga!

Lucas: 5k rin sa'kin.

Phia: Yoen! Sa tingin ko, nakapagsabi na tayo ng mga ambag so bukas kita-kita tayo sa bahay ni Josh at dalhin niyo na rin ang mga ambag niyo! Call time, 2pm.

Kiara: Sige! Sunduin kita bukas ah!

Phia: Gehh. Goodnayt na nga pala mga kupal! Matutulog na ako.

Pagkatapos kong i-send 'yon ay binaba ko na ang phone ko at naramdaman ko ng unti-unti na akong nakakatulog.

-------

Sabado ngayon at gaya ng napag-usapan, mamayang hapon kami magkikita-kita sa bahay nila Josh. Sa totoo lang, hindi alam ni Josh na pupunta kami ulit sa bahay niya.

Sorprays maderpaker!

Maaga-aga pa, kaya naman wala akong ginawa sa kwarto kundi ang maglaro ng COD. Maglalaro na lang muna ako habang naghihintay ng oras. Magpapraktis na rin ako maglaro neto para matalo ko sila Kiara. Kala niya ah!

Habang naglalaro ako, narinig kong may kumatok sa pinto ng kwarto. "Bukas 'yan!" sigaw ko habang naglalaro sa phone.

Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Mama. "Hoy! Puro ka higa dyan! Tumayo ka dyan at tulungan mo ako magtupi ng damit!" sermon niya sa'kin at inilapag sa sahig ang isang basket ng damit.

"Ma! May pupuntahan pa ako mamaya, kaya mo na 'yan!" angal ko habang naglalaro.

Napabangon ako nang batuhin niya ako ng damit. "Ma, naman eh!" angal ko ulit.

Matatalo ako sa nilalaro ko!

"Itigil mo na iyang ginagawa mo diyan at tulungan mo ako dito! Gusto mo hindi kita payagan umalis mamaya??" sabi niya dahilan para itigil ko ang ginagawa ko at tumabi kay Mama para tulungan siya magtupi.

Hindi daw tayo papayagan......

Eto na nga, magtutupi na......

Dahil gusto kong makaalis mamaya, syempre binilisan ko ang pagtutupi ng mga damit. Ang dami kong tinupi, di ko alam na marami pala akong damit.

Nag-aayos na ako ngayon ng sarili at nagulat pa ako nang biglang bumukas ang pinto.

"Where are you going?" tanong ni Kuya pagkapasok.

"Pupunta kami ulit ni Kiara sa school mate ko." sabi ko naman.

HIDDEN SEVENWhere stories live. Discover now