TB Chapter 17: His Family

Beginne am Anfang
                                    

sa totoo lang, hindi ko masasasabing nangangatay siya ng tao tulad ng mga sinabi ni Allan. Kahit kailan talaga ang kupal na 'yon, hindi matatapos ang araw ko ng hindi niya ako binibwisit. Kinabahan pa naman ako roon sa sinabi niya tapos hindi naman pala totoo, sinayang niya lang yung pagtaas ng bulbol ko sa ilong.

Nabalik ako sa reyalidad nang muli siyang magsalita.

"Nabalitaan ko mula kay Allan na ikaw ang....?!" napatigil siya sa pagsasalita ng bigla akong sumingit.

"P-pasensya na po! H-hindi ko po sinasadya na sabihan ng masasamang salita ang apo niyo, tyaka pasensya na rin po kase ako ang dahilan kung bakit hindi na pumapasok ang apo niyo sa paaralan. P-pasensya na talaga, inaamin ko po. Kasalanan ko po!" nauutal na sambit ko at yumuyuko-yuko pa. Para na akong koreana sa ginagawa ko, hindi pala koreana kundi parang tanga.

Nanatili lang akong nakayuko. Ilang minuto pa ang lumipas at tahimik pa rin ang paligid kaya naman nagulat ako nang bigla siyang tumawa ng napakalakas.

"WHA-HA-HA-HA-HA!" rinig kong tawa niya, hindi ko pa rin inaangat ang ulo ko at nananatiling nakayuko. "Pinapatawa mo ako, iha. HAHA!" dagdag niya pa habang tumatawa.

May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Iangat mo ang iyong ulo, iha." utos niya at ginawa ko naman. "Alam mo, iha. Tama nga ang apo kong si Josh, kakaiba ka. HAHAHA!" saad niya bago muling tumawa. Anong sabi niya? Ako? Kakaiba?

Ano ako? Alien?

"Ahm......p-pwede ho bang magtanong?" nauutal na singit ko. Napatigil naman siya sa pagtawa at tumango. "H-hindi po ba kayo g-galit sa'kin dahil pinagsalitaan ko ng m-masama ang apo niyo?" kinakabahang tanong ko.

Natawa naman siya ng mahina. "Ayos lang iyon sa'kin, iha. Alam ko namang pasaway talaga iyang si Josh. Minsan nga, may sumugod dito na mga dalaga at hinahanap ang apo ko." napatigil muna siya at natawa ng mahina bago nagpatuloy.

"Ang sabi nila, irereklamo raw nila ang apo ko at ipapakulong dahil sa panloloko na ginawa sa kanila ni Josh. Agad namin naayos ang problemang iyon ngunit itong pasaway kong apo ay hindi pa rin nagtino." mahabang kwento niya at pansin ko ang kaunting inis sa kanyang pagsasalita.

Sabagay, di ko maitatanggi na babaero talaga ang loko.

"Naiintindihan ko po kayo. Noong una nga ho kaming nagkita, halatang-halata ho sa kilos niya na babaero siya pero wag niyo ho sana masamain ang pagkilala ko sa apo niyo. Sa tingin ko ho, may matinong side pa naman po atang natitira sa kanya. Hehe." mahabang sabi ko at parang nahiya. Aba, kailan ko pinuri ng ganito ang kupal?

Ngayon lang.

Nabalik ako sa reyalidad nang may maalala. Shuta, kanina pa kami nag-uusap ngunit walang pakilala na naganap.

Ano pala pangalan ni Lola?

Matanong ko nga.

"Lola, ano nga ho palang pangalan niyo?" magalang na tanong ko sa kanya.

"Pasensya ka na iha at nakalimutan kong magpakilala sa'yo kanina. Ako nga pala si Tanya Mendez, tawagin mo na lang akong Lola Tanying." pagpapakilala niya bago pormal na inilahad ang kanyang kamay sa akin, tinanggap ko naman iyon at nagpakilala rin.

HIDDEN SEVENWo Geschichten leben. Entdecke jetzt