"ma'am ayan na po siya." sabi ko sa mga school staff na naghihintay kay yvonne kanina pa. tsaka naman agad ako hinila ni gayle patabi sa kanya eh baka daw mapatay ko si yvonne.

manifesting. >.<

"ano?! anong kailangan niyo sa akin?!" nagagalit na tanong ni yvonne sa mga school staffs at mga pulis.

"gaga! magpaliwanag ka sa mga nangyari! nagkukunwari ka pa! akala mo walang alam!" sigaw ko sa kanya.

"shhh, mace!" saway sa akin ni mace. i just rolled my eyes.

huminga naman ng malalim yung admin A
adviser, "miss yvonne, bakit nangyari na yung aksidente na 'to?" tanong niya at may ipinakita siyang cctv video kung nasaan nangyari yung aksidente.

pumunta ako sa harapan para makita yung nangyari. makikita sa video na may sasakyan na hindi pa tumatakbo. at marami ng students ang dumadaan bago pa mangyari yung accident. matagal pa bago nagpakita si yesha sa cam. tsaka andoon si yesha na tatawid pa lang sa daan. siya lang mag-isa. tamang-tama na pagtawid ni yesha sa daan, doon tumakbo ng sobrang mabilis yung kotse na parang nawalan ba ng preno. tsaka nanlaki ang mata ko na bumangga yun ng malakas kay yesha. ang sobrang lakas ng impact.. sa dahilan na nawalan siya ng malay at ang dami niyang sugat.

kung hindi pa tumawid sa daan si yesha, hindi din tatakbo yung kotse para banggain siya! halatang planado 'to ni yvonne na banggain si yesha!

"wala na siyang kailangan ipaliwanag pa miss! kitang-kita naman sa video na sinadya at plinano niyang gawin yun kay yesha! malinaw naman na pinatakbo niya ng mabilis ang kotse para patayin si yesha! as you can see, nung wala pa si yesha.. hindi din tumakbo yung kotse, di'ba?! hinintay niya si yesha para mangyari yung pinaplano niya! ginusto niyang guluhin ang buhay ni yesha! tapos ang usapan!"

galit akong tinuro si yvonne, "wag na wag kang magsisinungaling yvonne! wala ka ng matatakasan pa! bwisit ka sumusobra ka na talaga! nakakabwisit yang pagmumukha mo!" galit na sigaw ko sa kanya.

inaawat lang naman ako nina gayle dito kasi baka masampal ko pa si yvonne. mukhang naiilang naman si yvonne sa mga ipinagsisigaw ko sa kanya.

"ano wala kang masabi ngayon kasi guilty ka?! dapat lang na mabulok ka sa kulungan! ikulong niyo na si yvonne mga sir!" sigaw ko.

"shut up for a while, mace yoo!" galit na saway sa akin ng admin adviser dito at huminga nalang ako ng malalim. parang ako pa may kasalanan dito ah.

"ms. yoo has a point. pero gusto namin ng malinis na paliwanag galing sa'yo. what's the reason behind that scene? bakit mo ginawa yan kay ms. ahn? may galit ka ba sa kanya? remember ms. choi, nakasalalay yung buhay niya at nag-aagaw buhay siya ngayon sa hospital. kahit magsabi ka lang ng totoo." kalma na sambit niya kay yvonne.

"humingi ka lang ng tawad at magsabi ka ng totoo, miss.. walang magsasampahan ng kaso." sabi ng pulis at nanlaki naman ang mata ko doon. gago ba siya?!

"anong wala?! ayos lang ba kayo?! halos gusto niya ngang sirain yung buhay ng tao tapos hindi niyo pa yan ikukulong?! tanga din kayo eh! hindi sapat yun sa nangyari sa kaibigan ko!" galit na sigaw ko sa kanila. "kahit naman hihingi yan ng tawad, plastik yan! and i swear, hindi siya titigil! baliw yan eh!" dagdag ko.

"ano ba, mace.. bigyan mo muna siya ng oras para magpaliwanag. baka tumino pa siya at may marealize." dinig kong sambit ni gayle. bakit niya pa kailangang magpaliwanag?! alam naman namin! magdradrama na naman yan para maawa kami sa kanya! alam ko na yan!

tsaka tumino at may marealize?! omg! imposible!

"yes.. give her chance to explain everything." sabi nung admin adviser at tinignan niya si yvonne na parang tangang umiiyak na ngayon, "so.. yvonne, sabihin mo na. wag kang magsinungaling dahil nakita natin ng malinaw yung sa video na ginawa mo."

innocent | nininiWhere stories live. Discover now