59

959 62 12
                                    


"Some of the assets will be liquidated. The board of directors decision will be based on your future plans, Miss Sinclair," seryosong pahayag ni Atty. Del Mundo. Sabay na ibinigay ang mga papeles na pag-aaralan at pipirmahan ni Margo.

Isinandal lang ni Margo ang kaniyang likod sa upuan. Tanging silang dalawa lang ni Atty. Del Mundo ang nasa board room. Ang sinag ng araw na nagmumula sa labas ng bintana ay mistulang lagusan na nabuo mula sa napakatingkad na liwanag. Binasa ni Margo ang mga papeles na kaniyang hawak at pinirmahan.

"The other 30 percent of the company was transferred to Mr. Veron just as you requested, Miss Sinclair," patuloy na pagbabalita ng abogado.

Tumango lang si Margo, nakatutok pa rin ang kaniyang mata sa dokumento. "He will supervise the company while I'm out of the country. I assure you the corporation will be in good hands, his business acumen is impeccable." Seryosong pahayag ni Margo habang pinipirmahan ang huling dokumento.

"Your judgment on this matter is perfect, Miss Sinclair. There is nothing to worry," papuri ni Atty. Del Mundo kay Margo. Natapos na rin ang kanilang pag-uusap. Nailagay na ng abogado ang mga dokumento sa briefcase at tumayo si Atty. Del Mundo para magpaalam. "I'll be going now, Miss Sinclair. I'm wishing you a safe flight and happiness to your new life abroad."

Ngumiti si Margo at tumayo na rin. "Thank you, Atty. I wish your happiness too."

Yumuko ang matanda bilang paggalang. "Goodbye, Miss Sinclair." Tuluyan nang pumunta ang abogado sa pinto at naiwang mag-isa si Margo.

Napabuntong hininga si Margo habang nakaupo. Ilang araw na lang ang bibilangin para sa kaniyang pag-alis. Marami na rin siyang napuntahang bansa at kung tutuusin hindi na dapat pang alalahanin ngunit may isang bahagi sa pagkatao ni Margo ang maiiwan sa kaniyang paglisan. Ininom na lang niya ang natitirang alak sa baso habang pinagmamasdan ang bintana.

Tumunog ang telepono. Kinuha ni Margo ang telepono pagkalapag ng alak. Napasandal siya sa upuan at tinanaw ang asul na langit sa labas ng bintana. "Hello? Nay Melinda?"

"Margo kumusta ka na iha? I heard the news you're going abroad," may bahid na pag-aalala ang tinig ni Melinda.

Hindi maiwasan ni Margo ang mapangiti sa pag-aalala nito, marahang ipinihit ang kinauupuan mula sa kaliwa't kanan. "You always care for me, Nay Melinda. I will miss you," may ngiting sambit nito.

"Why I have this feeling that you will not return?" binalot ng hinala ang boses ni Melinda.

"How can you say? Nay?" Napapailing na tugon ni Margo, hindi maiwasang mapangiti sa lakas ng pakiramdam ni Melinda.

"Is this a permanent goodbye, Margo?"

Saglit na natigilan si Margo sa narinig, naging malamlam ang kaniyang mata at napayuko nang masinagan ng araw ang mukha. "I have to do this Nay, I have to die...you know that."

"Are you going to leave? Without asking her Margo?" malungkot na tanong ni Melinda.

++++

"Hindi ka na ba magpapapigil?" isang banayad na boses na may pag-aalala ang narinig.

"P-po?" tulirong sagot ni Sophia.

Ngumiti si Sister Clara. "Hindi ka na magpapapigil sa desisyon mo, Sister Sophia?" Sigurado ka na ba?"

Tumango ito habang nakaupo, ngumiti at yumuko. "O-opo...buo na po ang desisyon ko, Sister Clara."

Inilapat ni Sister Clara ang kaniyang mga kamay sa ibabaw ng mesa, nasa loob sila ng opisina. May maliit na krus na nakadikit sa pader na malapit sa kinauupuan ng madre at may mga librong nakalatag sa mesa ni Sister Clara.

Sands & SparrowHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin