39

985 79 49
                                    


BUWAN NG WIKA. Ang makulay na poster nakalagay sa stage. Nagtipon-tipon ang mga estudyante sa loob ng gym at nasa entablado naman ang babaeng tagapagsalita.

"Magandang umaga sa inyong lahat. Narito tayo para sa pagdiriwang ng ating wika. Ngayong umaga ay malugod nating tunghayan at pakinggan ang mga kalahok na magbibigay ng tula at talumpati para sa pagpupugay sa ating wika."

Pagkalipas ng isang oras...

Karamihan sa mga estudyante ay hindi interesado. Malapit na mag-tanghali, iniisip na ng iba kung anong kakainin at nasa kalahati na rin ang mga tinatawag na kalahok. Lahat ng mga estudyante ay nanatiling nanonood sa entablado, si Aveline lang malayo ang isipan at nakatingin sa labas ng gym. Nagbalik tanaw ito. Naalala pa niya kung paano napigilan ni Margo ang international press at walang nangahas na ibulgar ang personal na buhay ni Aveline.

Napangiti siya sa naalala. Madalas mag-selos si Margo ngunit hindi nakakasakal, hindi man lumabas sa media ang relasyon nila pero kumalat naman na parang apoy sa mga empleyado nito.

"Aveline, pinapatawag ka ng Dean. Punta ka raw sa office," pagputol ni George sa pagbabalik tanaw, malayo pa rin ang tingin ni Aveline habang nagtatawanan ang mga tao sa paligid. "Huh? Bakit daw?" Gulat na tugon nito at napakunot ng noo.

Nagkibit balikat na lang si Georgette o George, hindi rin niya alam ang dahilan. "Punta ka na lang, Aveline." Turan ni George habang abalang makipagtext sa boyfriend.

"S-sige...alis muna ako." Paalam niya sa kaibigan at nagmamadaling lumabas mula sa gymnasium.

Kabadong pumasok sa Dean's Office si Aveline, nagulat sa nakita at kumunot ang noo. Nakatayo ang Dean sa loob ng opisina at halatang kanina pa siya hinihintay. "Aveline your grades are getting lower." Salubong ng Dean, inabot ang papel kay Aveline at binasa niya ito.

"D-dean?" naguguluhang pahayag ni Aveline at hindi pa rin maalis ang pagtataka sa kaniyang mukha. Tumikhim ang Dean at itinuro kay Aveline ang pangalan na nakapatong sa mesa. "You should address me properly with my name."

"Mr. Ramirez, nag-aaral naman po ako." Tumingin si Aveline sa hawak na papel at itinuon ang mata sa harapan.

"It's not enough...ano na lang mangyayari sa scholarship mo," istriktong sagot ng Dean. Umupo na ito sa swivel chair at tinitigan si Aveline. Dahan-dahan lumapit na si Aveline sa harap ng mesa. "Dean? M-mr. Ramirez? P-pwede ba pag-usapan na lang natin." Hawak ang papel, binasa ulit at sinisigurado ang nakikita.

"Ano ba gusto mo...mangyari? What can you offer?" tugon ng Dean.

Kagat-labing napatitig si Aveline sa taong nakaupo sa swivel chair. Lumapit sa upuan, ngumiti at walang paalam na kumandong sa hita ng taong may pangalan na Mr. Ramirez.

"Kiss, gusto mo?" walang paligoy-ligoy na inalok. Hinalikan ang leeg ng Dean, kinuha ang kamay at inilagay niya sa ilalim ng palda.

"We will be in trouble." Nag-iinit na sambit ng Dean habang hinahaplos ang hita ni Aveline.

"Wala akong pakialam...ipasa mo lang ako. Ibibigay ko gusto mo," pang-aakit niya. Hinawakan ang pang-ibabang labi ng Dean at marahang hinila ni Aveline gamit ang hintuturo. Sinimulan niyang halikan ang leeg, kinuha ang isa pang kamay at ipinatong sa dibdib habang dinidilaan ang tainga nito.

Biglang tumawa si Aveline. "Tigilan na nga natin toh. Bakit mo pinapabasa sa akin ang script? Saan mo ba nakuha yan, Margo?" Tanong ni Aveline habang hawak ang papel.

"Saw it on his desk." Tugon ni Margo na may pilyang ngiti.

"Na-confiscate yata ni Dean sa mga estudyante." Pinaglaruan ni Aveline ang mapulang labi nito, ilang beses na hinila ang labi gamit ang hintuturo. "His desk is untidy." Reklamo ni Margo, habang kinakagat-kagat ang daliri niya. "Nilinis mo na naman?" Panghuhula ni Aveline, ang palasingsingan naman na daliri ang pinatikim kay Margo.

Sands & SparrowDonde viven las historias. Descúbrelo ahora