40

1K 63 11
                                    


Ang tunog ng sagwan at pag-ahon sa tubig ang naririnig, bawat ritmo sa pagtampisaw ng sagwan ay nagdudulot ng munting mga alon sa mapayapang ilog. Umiihip din ang napakasariwang hangin, magandang pagmasdan ang paglipad ng mga kumpol ng maya at mga kalapati sa langit.

Iminulat ang tsokolateng mata at nasilayan ang sinag ng araw na tumatabing sa ulo ni Margo. Ngumiti si Aveline sa patuloy ng pag-andar ng bangka, isang alaala ang sumagi sa isipan nito.

"Margo...hindi ka pa ba nagsasawa sa akin?" Niyakap ni Aveline ang likod ni Margo habang nasa loob sila ng opisina at nakaharap sa bintana.

"Why do you ask?"

Huminga ng malalim si Aveline at niyakap pa nang mahigpit. "Baka nagsasawa ka na, hindi kasi ako mayaman. Simple lang ako para magustuhan mo."

"Does it bother you?" Napalingon na si Margo.

Masuyong hinalikan ni Aveline ang leeg nito. "A-ayoko kasi magsawa ka. Gagawin ko lahat. Huwag mo lang ako iwan."

"No...I won't leave you." Hinawakan ni Margo ang kamay nito.

"Talaga?" hindi maiwasang maging masaya ang boses ni Aveline. "Talagang-talaga?" pangungulit nito

"Hindi ako magsasawa sayo, Aveline." nakangiting turan naman ni Margo at pinisil ang ilong nito.

Napangiti si Aveline sa naalala. Kailanman hindi siya nagsasawang mahalin ang katulad ni Margo.

Tahimik pa rin na sumasagwan si Margo habang nakahiga siya sa kandungan nito. "Gusto mo tulungan kita? Baka napapagod ka na?" Tumingala si Aveline para pagmasdan ang mukha ng sumasagwan, yumuko naman si Margo at nagsalubong ang kanilang mga mata.

"Just lie down there, huwag ka masyado gumalaw. Baka tumaob ang bangka."

"Kanina pa ako nakahiga sa hita mo," reklamo ni Aveline.

"Hindi ka naman mabigat, just sleep in my lap. I'll wake you up," pagpupumilit nito.

"Ayoko," tutol ni Aveline. Iginalaw ang ulo at dahan-dahan bumangon mula sa pagkakahiga saglit na umuga ang bangka at kinabahan bigla si Aveline. "B-baka tumaob," pag-aalala nito.

"No...it won't."

"H-hindi ako marunong lumangoy," natatakot na turan habang patuloy na gumagalaw ang bangka.

"Hindi ka naman malulunod kapag kasama ako." Kampanteng sagot ni Margo at pinagpatuloy pa rin ang pagsasagwan.

Napangiti si Aveline nang nasinagan ng araw ang kanilang mukha. "Sayo pa lang nalulunod na ako. Ano pa kaya sa tubig, Margo?"

"You really have a way with words." Natutuwang tinaasan siya ng kilay ni Margo.

"Tulungan na nga kita, kung anu-ano na lang nasasabi ko," napakagat labi si Aveline. Kahit na ilang buwan na silang magkasama ni Margo, hindi pa rin niya maiwasan kiligin, kailanman ay hindi pumalya ang pagtibok ng puso nito.

"Lean your back, hold my hands. Sabay tayo magsasagwan." Sinunod ni Aveline ang narinig. Sumandal sa likuran at hinawakan niya ang mga kamay ni Margo.

Napatawa ng marahan si Aveline.

"What's so funny?" diretso pa rin ang tingin ni Margo, malayang pinagmamasdan ang araw. Papalayo sa araw ang pagsagwan ni Margo kaya malayang napagmamasdan ng dalawa ang ganda ng araw habang papalayo ang bangka. Nakasandal si Aveline at naamoy ang napakabangong leeg ni Margo na parang mansanas.

"Hindi naman ako nakakatulong eh. Nakapatong lang kamay ko. Ikaw pa rin ang sumasagwan."

"Just stay by my side. Let me do it," nakangiting pahayag niya sa kakulitan ni Aveline.

Sands & SparrowWhere stories live. Discover now