17

1.1K 79 16
                                    


Nasa loob ng study room si Margo at inaayos nang pasunod-sunod ang mga folders. Tuwing mabigat ang nararamdaman niya, inaayos na lang niya ang mga gamit. Nagsindi siya ng sigarilyo at uminom ng alak. Maaga pa para pumasok sa opisina, at kahit pabayaan niya ang kumpanya, wala pa ring mawawala sa kanya.

Bumuntong-hininga siya at tumingin sa relo; alas-siyete na ng umaga. Papasok na lang siya sa trabaho. Maaga na rin siyang nakaligo, kaya pumunta siya sa walk-in closet para magbihis. Pinili niyang isuot ang black casual dress na nagpapakita ng kanyang mahahabang binti at itim na sapatos na galing Paris.

Lumabas na siya mula sa walk-in closet, nakabukas ang mga butones ng damit sa harapan. Inayos muna niya ang kanyang buhok.

"Papasok ka na? Maaga pa di ba?" bungad ni Aveline. Kalalabas lang nito sa banyo at tapos nang maligo. Nakatapis lang na tuwalya ang tumatakip sa hubad na katawan, basa ang mahabang buhok na nababalutan ng puting towel.

"Yes...I have to go to work," tugon ni Margo habang papalapit si Aveline.

"Anong oras ba trabaho mo?" magiliw na tanong ni Aveline. Nakalapit at sinimulan isara ang mga butones sa damit ni Margo.

Naamoy ni Margo ang bango ng sabon na kagaya ng strawberry. Nakatutok naman si Aveline sa butones, hindi niya napansin na nakatingin si Margo. Matamang inaayos niya ang damit. Matapos ito, hinaplos niya ang collar, at nagtama ang kanilang mga mata. Ngumiti si Aveline at lumabas ang dimples nito.

"It's ten am," maikling tugon ni Margo. Napatingin si Aveline sa orasan, kumunot ang noo, at tumingala upang ayusin ang buhok ni Margo na tumatabing sa noo.

"Sus! Tatlong oras ka pa naman maaga," sabay tawa niya kay Margo, tumalikod, at tinanggal ang tapis na tuwalya, na ipinakita ang magandang hubog ng katawan ni Aveline. Pumunta siya malapit sa kama at pinatuyo ang sarili habang nagpupunas ng tuwalya.

"May gagawin ka ba ngayon?" tanong ni Margo, habang gumagala ang tingin niya sa hubad na katawan ni Aveline.

"Hmm... wala naman, pero gusto ko sanang pumunta sa carnival. May mga bago kasing rides," tugon nito habang abalang magpunas ng buhok at nakatalikod ang hubad na katawan sa harapan ni Margo.

"Pupunta ka?" Napako siya sa kinatatayuan habang pinagmamasdan si Aveline na malayang nagpupunas ng katawan at humarap kay Margo habang pinupunasan ang mga hita. May isang butil ng tubig na dumausdos sa dibdib nito.

Pumasok ang liwanag ng araw sa silid, nasinagan ang mukha ni Margo at namula ang napakaputing kutis.

"Parang hindi, eh. Wala kasi akong kasama," umupo si Aveline sa kama, nakahubad at nagpupunas ng mahabang buhok. At home na at home lang habang natuklaw na sa kinatatayuan si Margo at naiinitan ng araw na malapit sa bintanang salamin.

"Bakit mo gustong pumunta sa mga carnival?" tanong ni Margo na bahagyang napalunok.

"Masaya kasi doon. Nakapunta ka na ba sa carnival, Margo?" abala pa rin si Aveline na magpunas ng lotion sa katawan.

"No." Tulirong sagot ni Margo habang nakatitig sa tumutulong tubig papunta sa braso. Napakagat ng labi at niluwagan ang butones sa kuwelyo ng damit na parang naiinitan sa nakikita. Napalunok si Margo nang masulyapan ang nakausling mapulang pasas sa hiwa ni Aveline. Ibinuka pa ang mga hita sa pagpahid ng lotion sa singit.

"Bakit?" Walang malay na tanong ni Aveline at nagpupunas ng lotion sa bandang sakong ng paa. Nayugyog ang malulusog na dibdib sa pagyuko nito. Ilang beses napalunok si Margo sa malulusog na prutas na nakabitin kay Aveline.

"Wala akong hilig," tulalang sagot ni Margo. Walang kurap na nakatitig habang naglalagay ng lotion si Aveline sa likod ng tuhod. Nagmistulang may ginagawang himala upang mapako mula sa kinatatayuan si Margo. "Gusto mo sumama?" tanong ni Aveline.

Sands & SparrowHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin