44

830 66 13
                                    


Hinaayaan lang ni Margo ang pagmasahe ng mga damo sa kaniyang likod at pinagpatuloy pa rin ang pag-idlip habang pinapaypayan ng hangin. May mga yabag na papunta sa kinaroroonan niya. Umupo si Aveline sa tabi nito, yumuko at natakpan ang kaunting sinag ng araw na tumatabing sa mukha ni Margo.

"Nasasanay ka na matulog dito sa labas," wika ni Aveline. Marahan niyang hinawi ang buhok na tumatabing sa noo ni Margo. Ang hardin ng bahay ni Aveline ay nababalutan ng maninipis na damo. May fountain at pond. Marami rin nakatanim na puno at mga bulaklak.

Iminulat ni Margo ang kaniyang mata, magkakulay na ang berdeng mata at ang luntiang damo. Nakaupo at nakayuko si Aveline. Tumingala naman si Margo, "I like it here. It makes me relax."

"Margo." Marahang pagtawag ni Aveline habang hinahaplos ang buhok nito.

"Yes?" Nakapikit na tugon ni Margo, napakapresko ng hangin at napakaginhawa ng pakiramdam sa bawat haplos ni Aveline.

"Ano ba ang mga bagay na ayaw mo sa akin?" Tanong nito habang pinagmamasdan siyang nakahiga.

Iminulat na ni Margo ang kaniyang mga mata. "Are you asking me about your flaws?"

"Oo." Hinaplos ni Aveline ang kilay nito.

"Hhhmmm...let's see." Napaisip pa si Margo, nakakunot ang noo.

"Wow...hah. Parang ang dami ko yata kasalanan sayo." Natatawang sambit nito. "Higa ka dito....Margo." Tinapik ni Aveline ang kaniyang hita. Ginawang unan ni Margo ang hita at hinaplos ulit ni Aveline ang buhok nito.

Pinisil ni Margo ang hita ni Aveline at natatawang sumagot. "Well, for a start...matigas ang ulo mo."

"Masunurin kaya ako." Tumatawang tugon ni Aveline.

"You always steal from me," paalala ni Margo sa kanilang nakaraan.

"Ang sarap mo kasing nakawan ng kiss." Namumulang sambit ni Aveline, naalala niya ang mga nakakahiyang pangyayari noong una silang nagkakilala ni Margo.

"Lagi mo kinakalat ang mga inaayos ko." Reklamo nito, pinisil pa ang ilong ni Aveline.

"Margo...di naman ah. Masyado ka kasing organized. Tsaka ang cute mo kasi kapag naiinis ka kaya ginugulo ko." Pinanggigilan niyang kurutin ang ilong ni Margo.

"Hey!" Saway nito, sinundot naman niya ang pisngi ni Aveline.

Nagnakaw ng halik sa labi si Aveline. Nakayuko siya habang hinahalikan ang mapupulang labi ni Margo. "What about me? What are my flaws?" Bulong nito habang nakadikit ang ilong ni Aveline sa kaniyang pisngi."Hhmmm...ang dami eh." Tumingin siya sa langit na parang nag-iisip ng malalim.

"Am I that bad?" Kunot noong tanong ni Margo.

Tinawanan siya ni Aveline, hinawi ng hangin ang buhok nito. Lumusot ang sinag ng araw sa sanga ng kahoy at sumayaw ang mga munting liwanag na nagmumula sa mga dahon sa pag-ihip hangin.

"Ang sungit mo...pero kahit na naiinis ka. Natutunaw pa rin ako sa titig mo." Hinaplos niya ang buhok ni Margo.

"Moody ka madalas, masyadong seryoso, paminsan-minsan ang taray mo." Natatawang turan nito.

Napakunot naman ang noo ni Margo. "And you find that funny?"

"Oo...kasi yan ang nagugustuhan ko sayo. Ang pagiging masungit mo. Pero isang kiss lang katapat mo eh." Sabay halik ni Aveline sa pisngi ni Margo, namula naman ang pisngi ng imortal.

Napatikhim si Margo." Pasalamat ka madali ako suyuin." Iniwasan niya ang mata ni Aveline.

"Yabang mo hah." Tumawa si Aveline. Kinurot-kurot ang namumulang pisngi ni Margo. "Maingay ka tuwing nanonood tayo ng movie. Kapag kasama kita...hindi ko natatapos pinapanood ko kasi naiinis ka na sa bida. Pero mas madali ko nauunawaan ang story kahit komplikado pa dahil din sayo." Wika ni Aveline at napagdiskitahang haplusin ang tungki ng ilong ni Margo.

Sands & SparrowWhere stories live. Discover now