43

736 56 7
                                    

Ang nakaraan ni Aveline

Part 3

Tuluyan nang naging malabo ang mundo sa mga luha ng ulap. Tanging ang mga tunog nang pagbagsak ng tubig sa lupa ang naririnig.

Sa loob ng warehouse ay may malalakas na ingay ang maririnig. Malayang pinagmamasdan ng ulan ang ensayo ni Domeng. Malalakas na sipa ang dumapo sa mataas na lubid. Sipa, suntok, tadyak, at balya ang dumadapo sa malaking lalagyan ng buhangin.

Pinaikot ulit ni Domeng ang puting tela upang balutin ang kaniyang kamao. Muli na naman siyang nagpakawala nang malalakas na suntok sa hangin.

"Ayusin mo ang footwork, Domeng. Lakasan mo pa ang counter punch. Sanayin mo ang mga paa mo para makaiwas ka sa kalaban." Sambit ni Tunying habang nagmamasid, nakaupo sa mahabang bangko, may puting tuwalyang nakasabit sa leeg at may hawak na stopwatch. Inoorasan niya ang bawat segundong binibitawang mga suntok at sipa ni Domeng.

Tumango lang ito bilang tugon. Humihingal si Domeng, pinagpatuloy pa rin bumigwas ng mga suntok. Hindi tumitigil ang pagbuhos ng ulan na dumadausdos sa bintana at malayang pinagmamasdan ang paghahanda nito.

"Tama na yan!" Maya maya'y utos ni Tunying, nagpakawala ng huling suntok si Domeng, nakalas ang benda sa kanang kamay at basa na ang katawan. Nabasa na rin ang puting sando, tagaktak ng pawis ang mga hita at pawisan ang dulo ng manggas sa itim na shorts.

"Pahinga ka na." Sabay bato ni Tunying ng puting tuwalya kay Domeng. "Maghanda ka na, malapit na ang laban mo. Malakas at mapanganib ang makakalaban mo. Malaking halaga ang nakataya." Sabay buntong hininga nito.

Iniwan na siya ni Tunying sa loob ng gym, napaupo si Domeng, uminom ng maraming tubig at napatingala sa kisame. May mga kalapating nakaluklok sa mga sulok, nasa loob ng warehouse ang gym, madilim ngunit may mga ilaw na tumatanglaw at malalaki ang bintanang salamin. Maraming nagkalat na mga kahoy, malilit na bakal at alambre sa paligid.

May naririnig na mga tulo ng tubig mula sa kisame, inilahad ni Domeng ang palad para saluhin ang bumabagsak na tubig na mistulang patak ng luha. Tumayo si Domeng at humarap sa tapat ng bintana, malaya niyang pinagmasdan ang malabong mundo na binalot ng ulan.

"Itay...namimiss na kita." Mahinang bulong ni Aveline habang nakatitig sa harap ng bintana. Inayos niya ang puting kumot na yumayakap sa kaniyang katawan, nakaupo siya sa sahig, malayang pinagmamasdan ang ulan mula sa bintana at pinipilit na ngumiti sa gitna na pagpanglaw ng mga tsokolateng mata.

Nakatingin si Domeng sa bintana, unti-unting binabalot ng hamog ang salamin. Gumuhit siya ng pakurbang linya at sinulat ang ngiti sa bintana at marahang hinaplos.

"N-ngumiti k-ka l-lang a-anak...n-ngumiti k-ka l-lang," isang bulong ng pagmamahal ang ibinigay ni Domeng sa gitna ng ulan.

Araw ng lunes.

"Pila na kayo hah...suot niyo na ba ang mga costume niyo?" Masayang tanong ng babaeng nangangalaga sa bahay ampunan, inayos ang kaniyang salamin at binilang ang mga bata.

"Opoo Sister Anneee!" sabay-sabay na tugon ng mga bata. Magkakaiba ang edad. Pinakabata ang anim na taong gulang at pinakamatanda ang labing-apat na taong gulang. Lahat sila ay nakasuot ng mga costume, gaya ng superhero, magician, at fairy.

"Okey...lalabas tayo. Pupunta tayong lahat sa hardin at kakanta. Maliwanag ba mga bata?" Pagbibigay habilin ni Sister Anne at naunang lumabas sa pinto.

"Opoooo! Sister Annnneee!" Masayang tugon ng mga bata na sumusunod sa taga-pangalaga. May idadaos na costume party sa ampunan, lahat ay kakanta, tutula at sasayaw sa hardin.

Sands & SparrowWhere stories live. Discover now