7

1.7K 89 20
                                    


Isang malinis na kusina ang namataan ng lalaki na nasa edad kuwarenta anyos. Nakasuot siya ng white shirt at pantalon habang nakaupo sa isang wheelchair. Sinubukan niyang gumalaw ngunit nabigo, dahil parang naparalisa ang kalahating katawan nito. Siya si Arman Berudez, isang tanyag na direktor na kinikilala sa industriya.

Sinimulan niyang libutin ang paningin. Napakaganda ng kusinang nakikita, moderno rin ang dating. Nakaharap ang upuan niya sa counter habang may mga nakalagay na repolyo, hiniwang carrots, at meron ding pinong sibuyas na nakalagay sa maliit na bowl. Kung madalas makalat ang kusina, ang kaniyang nakikita ngayon ay napakalinis at walang kalat. Lahat ng mga sangkap ay nakalagay ng maayos.

"Hi," malambing na bati sa kaniya ni Margo. Dumaan ito sa likod kaya hindi niya namataan at humarap kay Arman. Nasa tabi siya ng counter, nakatitig kay Margo habang hinuhugasan ang mga gulay sa gripo.

Kagaya ng nakagawian, inayos ni Margo ang lahat ng sangkap. Nakatingin sa kaniya si Arman na may pagtataka sa mukha, nakatulala at naguguluhan kung ano ang ginagawa nila sa kusina.

"I'm cooking dinner...just for you," malambing na turan niya sa direktor. Mistulang isang may-bahay si Margo na ipagluluto ang kaniyang asawa. "Do you like to watch a movie? Habang nagluluto ako?" tanong nito. Nakatulala lang si Arman, hindi na hinintay ang kaniyang sagot at binuksan na ni Margo ang TV, naging abala ulit ito sa pagluluto. Hindi malaman ni Arman kung saan siya titingin, sa telebisyon o sa babaeng nasa harapan.

Ang bawat paglapat ng kutsilyo sa chopping board ay tumutunog, at sumabay din ang mahinang kalampag sa bawat dantay ng kutsilyo. Mukhang may dinudurog si Margo na karne at pinong-pinong tinatadtad. Napakabilis ng kamay at madiin din ang hawak sa kutsilyo. Muli nitong inayos ang kumpol ng karne at tinadtad uli.

Sa bawat ingay na naririnig, lumalakas ang kabog sa dibdib ni Arman. Masyadong tutok sa pagtatadtad si Margo, dahil hindi man lang ito nag-abalang tapunan siya ng tingin. May nabuong pawis sa noo ni Arman. Hindi nakatulong ang maingay na pagtatadtad, dahil sumasabay pa ang kabog sa dibdib. Nahihirapan siyang huminga sa naririnig na ingay, dahil ito lang ang bumabasag sa nakakabinging katahimikan.

"You can't talk...the drug will wear off in at least three minutes," sambit ni Margo habang nakayuko at abalang tinatadtad ang karne, marahil ay nabasa nito ang pag-aalala sa mukha ng direktor.

"I will teach you how to cook dumplings instead... it is also called gyoza in Japanese," maya-maya'y saad ni Margo. Para na rin nanonood ng cooking show si Arman dahil kinumpleto na ni Margo ang mga dapat gawin.

"First, you need to boil the water in a pot for a minute." Gaya ng pahayag, ginawa niya ang eksaktong sinabi niya. "Let's take a sheet of wrapper and place a tablespoon size of meat mixture." Sinimulan na niyang ilagay at binalot ang tinadtad na pinong-pinong karne, kasabay nito ay pinainit niya ang kawali at nilagyan ng mantika. Nakahanda na ang mainit na kawali at inilagay niya ang gyoza. Sumagitsit ang mantika nang tinakpan na ang kawali.

Nilinis ni Margo ang kalat habang hinihintay na maluto ang gyoza. Hindi pa rin nawawala ang takot ni Arman at patuloy ang pagkabog ng dibdib nito. Natapos na rin ang niluluto ni Margo at inilagay ang gyoza sa malinis na plato. Naglagay din siya ng hiniwang dahon ng sibuyas at napabuntong-hininga sa hinain. Tinanggal na ni Margo ang suot na apron at lumitaw ang suot nitong berdeng bestida na humahapit sa hubog ng katawan.

Nakahanda na rin ang mesa sa dining room. Maayos na nakalapag ang puting mantel, may rosas sa gitna at romantikong tingnan nang sinindihan ang kandila. Lumagutok ang takong ng stilettos ni Margo sa sahig, mistulang sound effects sa pelikula dahil tanging ang tunog lang ng takong ang maririnig. Yumuko at bumulong siya kay Arman, "It's ready," nakalugay ang kaniyang buhok at bahagyang tumabing sa mata ng direktor. Naamoy nito ang bango at nanghina si Arman.

Sands & SparrowWhere stories live. Discover now