16

1.3K 87 5
                                    


"I'm glad you came, Miss Sinclair," bati ng isang matandang lalaking nakasuot ng lab coat. Siya si Dr. Victor Howard, isang sitenta anyos na doktor na galing sa Ireland at marunong magsalita ng Tagalog. Maputi ang kaniyang buhok ngunit malago at maikli. Asul ang mga mata, may katabaan ang pangangatawan, at matangkad.

Si Dr. Howard ay isang magaling na neurosurgeon at psychologist. Dalawampu't taon na ang nakalipas nang namatay ang asawa niya, ginugol niya ang oras sa research development ng private laboratory na pag-aari ni Margo.

"It's been a while, Victor. I want to see the progress." Malugod na ngumiti si Margo.

Matagal nang nanirahan sa Pilipinas si Dr. Howard, kaya marunong mag-Tagalog ang doktor at maging ang kaniyang ama ay nagtrabaho na rin kay Margo. Hindi alam ni Dr. Howard ang pagiging imortal ni Margo, dahil kailanman ay hindi siya nakikialam sa personal na buhay ng mga nakikilala niya, sapat na dahilan kaya magkasundo sila ni Margo. Pareho silang seryoso pagdating sa trabaho.

Sinamahan ng doktor si Margo na tahakin ang underground research laboratory. Makabago ang disenyo nito, puti lahat ang kisame at sahig. May mga nakatagong camera sa bawat sulok at mag-isang gumagana ang lahat ng makina sa pamamagitan ng centralized computer na kayang mag-isip gaya ng tao.

Naging madali rin kay Margo na magpatayo ng research laboratory sa Pilipinas. Kayang manipulahin ang mga kailangang papeles at hindi rin mahigpit ang batas, kaya't ito'y itinago. Mas makabago pa ang gamit kumpara sa ginagamit ng bansa.

Inilagay ni Dr. Howard ang kaniyang palad sa scanner para bumukas ang pinto.

["Area 31 Westside door, open."]

Narinig ang babaeng boses ng computer. Sabay nilang pinasok ang natatanging silid na pinapalibutan ng makabagong kagamitan. May batang babaeng natutulog sa maputing kama, merong mga electrodes o mga kable na nakadikit sa ulo at nakakabit sa mga monitor. Iginiya ni Dr. Howard si Margo na umupo sa harap ng monitor, at may isang assistant na nasa loob ng kwarto, binigay nito ang folder sa doktor, at umalis ang assistant na nakasuot ng puting uniporme.

"The recent survivors, we successfully erased their memories. The last patient was from Bosnia. She was captured by the Russian Mafia, made a sex slave, and sold to pedophiles," kaswal na paliwanag ni Dr. Howard, pareho silang nakatingin sa pasyente at pinanood din ang analysis sa screen.

"Masyadong na-trauma ang bata sa pangyayari. Maghapon lang siyang nakatulala at ayaw kumain. The girl went into an oblivious state," pagpapatuloy ni Dr. Howard. "We are in the process of erasing the recesses of her subconscious level."

Pareho nilang pinagmasdan ang monitor at pinanood ang mga makukulay na linyang naglalarawan ng isipan at utak ng batang natutulog. Hindi na rin kailangan pumindot ng button; ang screen ay gawa sa hologram at gumagana sa pamamagitan ng galaw ng kamay.

"Her amygdala has a lot of memories of fear stored. Both the parietal lobe and frontal lobe are accessible," tiningnan ni Margo ang monitor at binasa ang assessment ng brain activity sa scanner.

["Patient 346 will be awake at exactly 5 hours, 20 minutes, and 15 seconds."]

"The patient could hear her surroundings while her memories were erased. As we explore the subconscious mind to let go the hidden memories. When she wakes up, she will no longer remember her past." Kinumpas ni Doctor Howard ang kaniyang kamay, gumalaw ang screen at hinaplos ng kaniyang daliri ang data at inilipat sa analysis.

"That's a great job Doctor Howard, shall we talk to your office now?" paalam ni Margo. Tumango si Dr. Howard at ngumiti, alam na niya ang pakay ni Margo. Sabay na silang pumunta sa opisina, isinara ni Dr. Howard ang pinto habang naunang umupo si Margo sa sofa.

Sands & SparrowМесто, где живут истории. Откройте их для себя