27

1K 78 12
                                    


"Abeng! Bilis, halika dito!" sigaw ni Mildred habang nasa harapan ng TV at katabi si Brenda.

"Bakit?" nagtatakang tanong ni Aveline na galing sa banyo.

"Panoorin mo...bilis!" sagot naman ni Brenda, itinuro niya ang telebisyon. "Pakilakasan mo nga ang volume, please Mildred," utos ni Brenda habang umupo na sa tabi si Aveline.

Lahat sila nakatutok sa telebisyon.

["Isang kagimbal-gimbal na gabi ang nangyari sa lugar ng Manila. Ang club na pag-aari ni Tomas de la Merced ay napuno ng mga nagkalat na bangkay.

Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, pinaniniwalaang away ng mga sindikato ang nangyari. Kasalukuyang iniimbestigahan pa ito ng pulisya at wala pang malinaw na kasagutan. Samantala, ang balita sa ekonomiya naman, tumaas ang piso laban sa dolyar at patu----"]

Agad pinatay ni Mildred ang telebisyon, nahimasmasan na rin sila sa nangyari. Napabuntong-hininga ang tatlo, hindi maalis ang gulat sa kanilang mukha.

"Ang ibig sabihin ba, malaya na tayo?" tanong ni Mildred.

"Wa-walang sindikato?" dugtong ni Brenda.

"Pwede na tayo magbagong buhay?" dagdag ni Aveline.

Lahat sila ay nakatulala, nakatutok ang mga mata sa telebisyon, at napalunok pa si Aveline.

"Makakapag-aral na rin ako," natutuwang bulong ni Brenda. Inakbayan naman siya ni Mildred na may ngiti sa labi. "Gusto ko mag-aral, balak kong maging teacher," natutuwang sambit nito na ikinatuwa ni Brenda. "Basta huwag ka na magsa-shabu, magiging mabuti kang teacher," pang-aasar pa nito.

"Gagu ka talaga, Brenda!" Hinampas naman ni Mildred ang braso nito.

"Ikaw, Abeng, ano balak mo?" tanong ni Mildred sa nakatulalang kaibigan.

"A-ah... gusto ko mag-aral magluto," nahimasmasang tugon ni Aveline.

"Maganda 'yan, Abeng, culinary arts," nakangiting turan ni Brenda.

Inakbayan ni Brenda si Mildred at kuminang ang mga mata sa iniisip. "Gusto ko maging engineer; favorite ko ang math."

"Matalino ka naman talaga, Brenda!" pagpapalakas ng loob ni Mildred. Niyakap ni Brenda si Aveline, at yumakap naman si Mildred.

Napairap si Mildred sa eksena. "King-ina! Whoah! Ngayon lang 'to ha. Mag-drama muna tayo. Pisti! Ayoko talaga magdrama sa ospital eh. Ang korni! Amputa!" Naiinis na wika ni Mildred, kasabay ng pagtulo ng luha. Masaya ang kaniyang nararamdaman na daig pa ang nabigyan ng regalo ni Santa Claus.

Pinalo ni Brenda ng unan si Mildred at tinamaan sa ulo.

"Aray! Brenda! Tang-ina mo! Bakit mo ako hinampas?!" Pinandilatan ng mata ni Mildred ang kaibigan.

"G-gusto ko malaman kung panaginip lang ang lahat," naluluhang sambit ni Brenda.

"Gagu ka! Dapat sarili mo binatukan, hindi ako!" inis na pahayag ni Mildred.

"M-masaya din ako," maya-maya'y wika rin ni Aveline.

"Pwede mo na ligawan ang crush mo, Abeng!" pagpapalakas ng loob ni Mildred.

"Oo nga! Ligawan mo na, Avelino!" sumang-ayon naman si Brenda.

++++

Mukhang prutas ang bombilya na nakasabit sa kisame, tanging ito lang ang liwanag ang nagsisilbing ilaw sa isang madilim na kwarto, nababalutan pa ng mga sapot ng gagamba.

Maliit ang basement, isang maliit na bintana ang nakikita, may lumang piano at ang mga upuan ay puno ng alikabok. Madumi ang paligid, makalat, napakatahimik at mapanganib.

Sands & SparrowWhere stories live. Discover now