38

960 80 39
                                    


Ang pagkislapan ng mga ilaw ng kamera ang bumungad sa mga mata ni Aveline. Tumayo siya malapit sa screen at malaya niyang pinagmamasdan ang isang natatanging babae na pinapalibutan ng mga kumikislap na ilaw.

Unti-unti rin nawawalan ng pag-asa si Aveline.Paano niya malalapitan si Margo? Sa dami ng tao at lawak ng lugar, imposibleng makausap niya ito.

Sa ibang araw ko na lang kaya siya kausapin? plano ng isipan ni Aveline. Mas madali niya makakausap si Margo ngunit may isang parte sa kaniyang pagkatao na sumisigaw, kung hahayaan pa niya ang araw na lumipas, maaring walang mangyari.

Huminga muna ng malalim si Aveline, pilit na pinapahupa ang kaba. Napakalakas na rin ang tibok ng puso nito, napagpasiyahan na muna niyang ipagpatuloy ang pagsisilbi sa mga panauhin.

"Miss Sinclair will there be changes as your country is facing major challenges in politics and turmoil over the neighboring countries?" Tanong ng isang amerikanong mamahayag, nakaupo at may hawak na mikropono. Ang kasama nito ay abala sa pagkuha ng litrato habang ang isa naman ay kumukuha ng video.

"If we don't have reforms that we're expecting, if we don't see true deregulation, I think the markets would have some setbacks, You're seeing a slowing down of our economy into the first quarter, we're going to grow probably less than 2 percent. Much of it is people are just waiting to see," walang anumang tugon ni Margo. Siya lang ang nakaupo sa stage, pinapalibutan ng mikropono at kamera. Nakaupo naman sa mahabang mesa ang mga reporters na nasa dako ng audience.

"Follow up question Miss Sinclair, partnerships in other companies that could lead in the future?"

"I think, there is an opportunity for us, given the solidarity we have with our business, our strong balance sheet to participate in that consolidation. We recently bought a company in Amsterdam, we expect to follow up on that with additional acquisitions going forward. So our growth strategy is the one that is predicated upon tremendous growth."

Nababalutan na naman ng kislapan ng kamera sa pagsasalita ni Margo, hindi man lang sumakit ang mata nito dahil parang mabibilis na kidlat ang liwanag ng kamera at ang bawat tunog ay kagaya nang patak ng ulan.

Samantala...

"James! Inform the Press, there will be a 10-minute break. The interview must end in 2 minutes," utos ng direktor. Kinukunan niya ang mga anggulo at pinapalabas sa screen.

"Opo direk!" Agad na tugon ni James at tumango ito. Nagtungo ito sa dako ng media at inilahad ang bilin ng direktor. Pansamantalang itinigil muna ang press conference para makapagpahinga si Margo.

Pinalibutan si Margo ng security at pinadaan sa pribadong lugar. Paulit-ulit na pagkabog ng kaniyang puso ang naririnig ni Aveline sa pagdaan ni Margo. Itinago niya ang sarili, yumuko habang hawak ang tray at itinakip ang mukha sa dala-dalang baso ng mga alak. Daig pa ni Aveline ang nadaanan ng mabilis na trak dahil naging maputla ang kaniyang mukha at natuyuan pa ang lalamunan.

"We will have a ten-minute break, Miss Sinclair. I'm going to send refreshments. Please, enjoy your stay for a while," pahayag ng assistant director kay Margo.

"Is there anything you need Miss Sinclair?" tanong naman ni Diana.

"Gusto ko muna mapag-isa. You may go...Diana," malumanay na tugon nito.

"Masusunod po Miss Sinclair. I'll go ahead now." Magalang na paalam ni Diana at lumabas na rin.

Naupo muna si Margo sa sofa, napakaganda ng kaniyang kwarto malapit sa stage. May sofa, mayroon din mga nakasabit na paintings at may mga bulaklak sa sulok. Sinandal na muna ni Margo ang likod sa upuan at ipinikit ang mga mata. Iginala niya ang paningin sa paligid. Napasimangot ang magandang mukha dahil walang maiinom o pagkain man lang at mga bulaklak ang nakalagay sa paligid.

Sands & SparrowWhere stories live. Discover now