21

1K 72 5
                                    


"Margo, tanggalin mo na ang iyong sapatos," sambit ni Aveline habang nakaupo sa damuhan.

"If the fireworks are on the other street, why are we waiting here?" tanong ni Margo habang tinatanggal ni Aveline ang kanyang sapatos.

"Huwag na doon...maraming tao. Tsaka, dito rin sila pupunta kapag matapos na. Mas maganda dito sa park. Kaunti lang ang tao at may mini concert pa," natutuwang sagot ni Aveline, hindi maitago ang saya sa kislap ng kanyang ngiti dahil nakita at nakasama niya si Margo.

Sinimangutan siya ni Margo, napilitan din itong umupo sa damuhan. Marami na ang tao. May mga nagtitinda ng kwek-kwek, balut, mais, at isaw sa gilid ng park. Malinis ang parke at bermuda ang damo. Mahigpit na pinagbawal ang pagtambay ng mga pulubi at mga batang hamog sa kalsada. Umiihip ang mabining hangin, dinala ang amoy ng mga tinitindang pagkain at nagutom si Aveline sa nasinghap na hangin.

"Margo, nakakain ka na ba ng street foods?" tanong ni Aveline, balak niyang bumili dahil sa pagkalam ng kanyang sikmura.

"Hindi pa," walang anumang tugon ni Margo.

"Gusto mo ng isaw?"

"What kind of food is that?" pagtatakang tanong ni Margo na nakakunot ang noo.

"Hindi mo pa nga natitikman, tara bili tayo."

"I don't want to eat that," reklamo nito. Napangiti si Aveline. Ganito lagi ang eksena nila; kapag tumatanggi si Margo, kukulitin niya ito.

"Hindi mo pa nga nasusubukan, nagrereklamo ka na...halika na. Ililibre kita," sagot ni Aveline at marahang kinurot ang pisngi ni Margo.

"Why can't you take no for an answer?"

"Halika na...promise, masarap," tugon nito habang hawak ang kamay ni Margo. Pilit pinapasigla ang boses at tinatago ang lungkot. Napilitan na rin tumayo si Margo na lihim na ikinatuwa ni Aveline. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ni Margo. Bumili sila ng isaw, kwek-kwek, at barbecue at nakabili rin ang dalawa ng mga inumin. Napagpasiyahan nilang umupo sa damuhan.

"Eto, isaw oh, tikman mo," alok ni Aveline sabay abot ng isang stick ng isaw. Ayaw kunin ni Margo, tiningnan lang ito. Napabuntong-hininga, tinabihan ni Aveline ito dahil susubuan na lang niya.

"Tikman mo lang," pagpupumilit ni Aveline. Tiningnan siya ng masama ni Margo, ngunit nginitian niya lang ito. "Sige na," bulong nito. Napabuntong-hininga na lang si Margo, dahan-dahang binuka ang bibig hanggang sa tuluyan nang nalasahan ang isaw. "It's good," wika ni Margo matapos tikman.

"Sabi ko sa'yo masarap eh," pagmamalaking turan ni Aveline. Kumain na rin siya, tumingala sa langit at pinagmasdan ang mga bituin. Naaliw na rin si Margo sa pagkain ng isaw.

"Margo, ilan ba ang pinakamaliwanag na bituin? Marami ba sila?" tanong ni Aveline habang nakatingala sa langit. Napaangat ng tingin si Margo, at palihim na sinulyapan ni Aveline.

"May sampung pinakamaliwanag na bituin sa langit."

"Marami pala. Ano ang mga pangalan nila?" tanong ni Aveline habang nakatingin sa langit.

"Sirius, Canopus, Vega, Arcturus, Capella, Rigel, Procyon, Achernar, Betelgeuse, at Alpha Centauri. Ang pinakamaliwanag sa kanilang lahat ay ang Sirius. Ibig sabihin nito ay 'aso' na bituin," tugon ni Margo habang nakatingala sa langit.

Napangiti si Aveline, nakatitig pa rin kay Margo. Palihim na naman niyang sinusulyapan ito. "Mas maganda sa lahat si Vega." Nakayuko naman si Margo, abalang sinisimot ang natirang isaw sa stick.

"Naalala mo pa ba si Vega?" tanong ni Margo at tumingin kay Aveline. Bigla namang idinako ang tsokolateng mata sa langit. "Oo naman, paborito ko nga siya," sagot niya, parang may kinakausap na bituin sa langit dahil hindi maiwasan ang ngiti habang nakatingala.

Sands & SparrowWhere stories live. Discover now