LAST CHAPTER

6.3K 155 17
                                    

Lumipat na sila sa Manila at doon nanatili sa mansyon. Napuno ng saya dahil sa anghel na nagbibigay ng kulay dito at na dagdagan na rin ng tao. Doon na rin kasi nanirahan ang mga kapatid at magulang ni Russel kaya masaya na ito.

"Oky ka lang ba jan anak?" tanung ng ginang kay Venus.

"Oo mom, salamat sa inyo ni dad ha at pinagbigyan ninyo ang hiling ko." wika ng dalaga sabay yakap sa ina.

"Para sa iyon anak, at isa pa masaya pala pag marami tayo dito dahil hindi malungkot." naka ngiting wika ng ginang.

Nagkapatawaran na rin sila ng binata at humingi na rin ito ng paumanhin maging sa ina ni Russel.

"Ate ako naman kay baby AL." wika ni Ian

"Hindi pa pwede Ian kasi baka mabitawan mo si baby AL." sagot ni Aiko.

Inilagay ulit nila ito sa stroller at nakuntento na rin si Ian na laruin ang pamangkin. Naka ngiting pinagmasdan ito ng dalaga pero pakiramdam niya ay may kulang pa sa kanyang buhay.

"Anak may lakad tayo mamaya iwan lang natin si AL sa yaya niya." saad ng ginong.

"Saan naman daddy?" takang tanung ng dalaga.

"Basta may sorpresa kami sa iyo." wika ng ginang.

Kinahapunan ay nagbihis ang dalaga at sumabay sa kanyang mga magulang. Pumunta siya sa harap ng isang restaurant, linggid sa kaalama ng dalaga ay nasa loob na si Russel at hinihintay siya ngayon kasi ito mag popropose sa dalaga.

"Anung gagawin natin dito mom, dad?" takang tanung ni Venus.

"Papasok sa loob iha kaya tara na." wika ng kanyang ina.

Nang maka baba sila ay natungo ang mga ito sa harap ng pintuan tapos ay piniringan ang dalaga.

"Mom bakit may piring pa?" takang tanung ng babae.

Wala na siyang narinig na sagot at bigla nalang ay may humawak sa kanyang kamay at inakay siya. Pag pasok sa loob ay nakahanda na ang lahat, lumuhod ang binata sa kanyang harap at tinanggal ng waiter ang piring ng dalaga.

"Ru-Russel! anung gi-ginagawa mo dito?" nauutal na wika ng dalaga.

"Mahal ko narito ako ngayon upang hingi ang kamay mo, mahal kong Venus Smith, o mas kilala bilang VENUS, THE MODEL will you marry me?" wika ng binata sabay bukas ng box na naglalaman ng isang jade ring.

Hindi mapigilan ng dalaga ang mapaluha, ito ang inaasam ng lahat na babae at sino ba naman siya para tanggihan ito.

"Yes, yes, yes Russel i will marry you." luhaang wika ng dalaga.

Nakangiting tumayo ang binata at agad na isinuot ang singsing sa kanyang mga kamay at agad siyang hinalikan. Nagulat nalang ang dalaga ng makarinig ito ng palakpakan sa paligid.

"Congratz girl..." sabay na wika ni Diana, Hena at Athena.

Masaya ang tatlo para sa kanilang kaibigan. Sa wakas ay matatahimik na rin ang buhay nito, naroon rin pala ang kanyang mga magulang at ganun rin ang pamilya ng binata at sina Hercules at Pasing.

"Salamat mahal ko." luhaang wika ni Venus pero bakas ang kasiyahan sa kanyang mukha.

Mabilis na naasikaso ang kasal ng dalawa. Si Venus mismo ang nag design at nagtahi ng sarili niyang gown. Makalipas ang isang buwan handa na ang lahat sa marangyang kasalang magaganap.

"Relax lang anak, para kang asong hindi mapa ihi jan eh." wika ni Tina.

"Kinakabahan ako inay." sagot ng binata.

VENUS, THE MODEL  (GODDESSES OF BEAUTY BOOK 3) completeWhere stories live. Discover now