CHAPTER 10

3.9K 94 2
                                    

Naglakad ang dalaga papunta sa talyer ng binat upang tingnan at kamustahin ito.

"Anu na kaya ang ginagawa niya doon?" usal ni Venus.

Binilisan pa niya ang paglakad hanggang sa makarating siya doon. Hinanap ng mga mata nito ang binata pero hindi niya nakita.

"Ahm. excuse me nasaan si Russel?" tanung ng dalaga.

Tiningnan muna siya ng lalaki na pinagtanungan muna ulo hanggang paa.

"Nasa ilalim ng kotse na kulag itim..." tugon nito.

Hinanap ito ng dalaga at nakita niya agad. Naka higa ito sa plywood sa ilalim ng sasakyan. Kinalamag muna ito ng babae.

"Teka pre patapos na ako dito..." usal ni Russel.

Tinapos muna ng binata ang ginagawa at tsaka ito lumabas. Nagulat siya sa kanyang nabungaran.

"Ve-Venus...." gulat na wika nito.

"Hi, kamusta?" wika ng dalaga.

Parang nagslow motion ang paningin ng binata pati ang pagngiti ni Venus sa kanya. Kaya natulala ito sa kinatatayuan.

'Wow! ang ganda ng katawan niya at may abs pa, ang laki rin ng dibdib...' sa isip ng dalaga.

Naka ilang lunok rin ito dahil sa nakita, lalo pa at pawisan ang binata dagdag pa ang mga grasa sa katawan nito.

"Anu ang ginagawa mo dito?" tanung ni Russel sa kanya.

Kaya bumalik ang katinuan ng dalaga na kanina ay lumilipad na. Ngumiti muna siya bago ito nagsalita.

"Sinusundo ka, kakain ka daw ng pananghalian sa bahay kaya naririto ako..." sagot ng dalaga.

"Halika dito at mainit jan..." yaua ng binata sa kanya.

Para itong bata na sumunod sa sinabi sa kanya kaya tinungo niya rin ang gilid at doon tumayo. Kumuha naman si Russel ng damit para pamunas sa katawan.

"Sige at mag-aayos lang ako ng aking sarili..." wika nito tsaka umalis at naglinis.

Naupo ang dalaga sa upuang plastic at naghintay ito doon. Sa sobrang init ay namula siya.

"Tara uwi na tayo..." wika ni Russel.

Naka suot na ito ng t-shirt at shirts, simple lang tingnan pero may appeal parin para sa kanya. Napansin rin ng binata na namumula na ito.

"Bilisan mo at masyadong mainit dito pagtanghali..." usal niya.

Dahil likas ang kabagalan sa dalaga ay hinila ng binata ang kamay nito at hinawakan. Naramdaman na naman ni Venus ang kakaibang spark na iyon.

'Ang sipag talaga niya kasi ang gaspang ng kanyang mga kamay...' sa isip ng dalaga.

Naramdaman kasi nito ang kalyo ng binata ng hawakan siya. Si Russel ay napangiti rin ng makita niyang hindi nag protesta ang dalaga ng hawakan nito.

'Sana araw-araw kitang makita at masaya na ako sa ganun..' laman ng isip no Russel.

Narating nila ang bahay at agad na pumasko. Nawala na rin ang pamumula ng dalaga ng oras na iyon.

"Kain na tayo mga anak..." wika ni Tina.

Nakalapag na sa mesa ang pagkain nila at ready na ang mga plato. Kaya naupo na sila ng maka kain na.

"Inay ang dami naman yata ng pinamili ninyo..." usal ng binata.

"Hindi ako namili anak, dalaga lang iyan ni Venus kaya niluto ko...." tugon ng ginang.

Napatingin si Russel sa gawi ng dalaga na noo'y tahimik na kumakain. Nagsalubonh ang tingin nila ay naunang bumawi ang dalaga.

"Masarap ba ang luto ko mga anak?" tanung ng ginang.

Napangiti ang dalaga kasi maging siya ay maganang kumain. Magaan ang loob niya sa pamilyang ito at iba ang init ng pagtanggap nila.

"Oo naman nay kayo pa, da best talaga ang luto ninyo." usal ni Russel

Napatingin ang ginang sa kanyang gawi at hinintay ang kanyang sagot.

"Opo masarap nga po kaya marami ang nakain ko, baka pag dito ako lagi eh tumaba na ako..." saad naman ng dalaga.

Napa titig sa kanya ang binata. Nagulat kasi si Russel sa narinig nito. Kaya nagkaroon ng katanungan ang kanyang isipan.

'Ibig sabihin eh lagi siyang pupunta dito at lagi kaming magkikita...' sa isipan ng binata habang kumakain ito.

'Pupunta ako lagi dito upang makita ka Russel, hindi ko alam kung bakit pero lagi kung hinahanap ang mukha at boses mo...' sa isip naman ng dalaga.

Tapos na silang kumain at tumulong sa pagligpit ang dalaga na siyang ikinatuwa ni Aling Tina.

"Oky lang ba sa iyo na gawi ito ineng?" tanung ng matanda.

"Opo wala pong problema." magalang na sagot ng dalaga.

Natapos ang araw na iyon at umuwi ang dalaga ng may ngiti sa labi. Nagka kulay ang buhay nito.

"Bukas babalik ulit ako doon..." sambit niya bago natulog.

Kinabukasan ay maagang nagising ang dalaga. Nagtungo ito sa kusina upang magluto, gusto niyang kumain ng tuyo.

"Ang bango naman ng amoy na iyon saan kaya galing?" saad ng isang katulong.

Nagulat ang mga ito ng madatnan nila ang dalaga na nagluluto ito at mas ikinagulat nilang maka kita ng tuyo sa mesa.

"Senyorita..." usal ng isa pa.

"Good morning sa inyo.." bati ng dalaga na kay lapad ng ngiti.

Nagkatinginan nalang ang tatlo at hindi maka paniwala sa mga nakita nila sa dalaga.

VENUS, THE MODEL  (GODDESSES OF BEAUTY BOOK 3) completeKde žijí příběhy. Začni objevovat