CHAPTER 15

3.3K 78 1
                                    

Bumanga sa railing ang sasakyan ng dalaga hanggang sa natanggal ang railing at nahulog.

"Uhmm, buhay pa ba ako?" usal ng dalaga.

Idinilat niya ang kanyang mga mata, may likido na umaagos kaya sinapu niya ito at tiningnan.

"Dugo ito ah..." wika niya tumingin siya sa paligid.

Nagulat ang dalaga ang kalahati ng sasakyan ay mahuhulog na at ang kalahati ay malapit na rin.

"Kailangan kung makalabas dito, ayaw ko pang mamatay.." usal ni Venus.

Dahan-dahang tinanggal ng dalaga ang seatbelt niya at binuksan ang pintuan pero sa kasamaang palad ay bumulusok pababa ang sasakyan.

"Kuya, kuya si ate Inus....." wika ni Aiko.

Walang patid ang pagluha ng dalagita. Nagulat rin si Russel sa nakita niya sa kapatid.

"Bakit anung nangyari, pumunta na naman ba siya doon?" usal ng binata at pinaseryoso ang mukha.

Mas napa hagulgol si Aiko at yumakap sa kanyang kuya. Maguguluhan man ay yumakap rin si Russel at pinatahan ang kapatid.

"Sssshhhh, anu ba ang nangyari Aiko?" tanung niya sa kapatid.

"Kasi kuya sabi sa balita patay na raw si Ate Inus, nahulog daw sa bangin ang kotse niya at sumabog..." wika ng kapatid niya na umiiyak.

Tila binagsakan ng langit at lupa si Russel ng marinig ito, hindi siya agad naka pagsalita at naka galaw.

"Nagbibiro ka lang Aiko hindi ba..." wika niya at pilit ngumiti.

"Hindi kuya totoo ang sinasabi ko sa iyo, halika sa bahay ng makita mo ang balita..." wika ng dalagita.

Hinawakan nita ang kamay ng binata at sabay silang naglakad pauwi ng bahay. Nadatnan niya ang kapatid at ina na umiiyak.

"Nay...." sambit ng binata.

Umangat naman ang mukha ng matanda at tumingin sa kanya habang nagbabadya na naman ang mga luha.

"Wala na siya anak, namatay na siya..." usal ni Aling Tina.

Umiyak na naman ang matanda at humagulgol pa ito, ganun rin si Ian nawalang tigil rin ang pag-iyak. Napatutuk ang mata ng binata sa TV.

"Muli ay nag babalik ang ating pagbabalita tungkol kay Miss Venus Smith, wala na ang kilalang dalaga ngayon dahil sa isang accidente na nangyari, nahulog sa bangin ang sasakyan niya at sumbog ito. Nasa pinangyarihan ng accidente ang isa nating reporter na si Miss Rosalinda Jaro, Miss Jaro anu na ang update jan?" wika ng news anchor na si Maek Baylon.

"Ayon sa aking nakalap na balita Maek, abo na daw ang sasakyan ng dalaga ng matagpuan ito ng mga pulis, sabi nila mga tatlong oras na ang nangyaring accidente ng makita ito at ayon sa imbistigador maging si Miss Smith na sakay ng sasakyan ay naging abi na rin dahil sa mga nakitang dugo doon. Sa pamilya ng dalaga lubos kaming nakikiramay sa kanyang pag panaw, sayang napaka bata pa niya sana, back on you Maek.... " wika ni Miss Rosalinda Jaro.

Biglang nanghina ang mga tuhod ni Russel at malayang pumatak ang kanyang mga luha.

"Venus, patawad, patawarin mo ako..." usal ng binata.

Umiiyak na rin ito, pakiramdam niya ay gumuho ang kanyang mundo sa pagkawala ng dalaga.

"Tama na anak, wala tayong magagawa hanggang jan nalang ang buhay niya tanggapin nalang natin.." saad ng kanyang ina.

"Hindi nay, hindi ko matatanggap ito, wala na, wala na ang babaeng pinaka mamahal ko, kung sana, kung sana hindi ko ginawa iyo..." paghihinagpis ng binata.

"Kuya tama na tanggapin nalang natin, diba nga may mga alaala rin naman si ate Inus na iniwan sa atin, kuya buhay si Ate jan, jan oh..." wika ni Aiko na umiiyak sabay turo sa dibdib ng binata.

Napa upo sa sahig ang binata at niyakap ang kanyang mga binti at doon umiyak.

"Sana bumalik siya, sana maka hingi ako ng tawad sa ginawa ko, Venus, mahal na mahal rin kita, mahal kita mula pa dati, patawad sa ginawa ko, sana hindi ko nalang sinunod ang ina mo..." sambit ng dalaga.

Napatingin ang ginang sa kanya maging si Aiko rin, naguluhan ang mga ito sa huli niyang binangit.

"Anung ibig mong sabihin anak?" wika ng kanyang ina.

Isiniksik ng binata ang mukha sa pagitan ng kanyang mga tuhod at doon umiyak.

"Ang duwag ko nay, ang hina ko, hindi ko man lang ipinaglaban ang pagmamahal ko sa kanya, naging tanga ako..." usal ng binata.

Punung-puno ng pagsisisi ang boses nito at pagdurusa sa pagkawala ng dalaga.

"Pinuntahan ako ng kanyang mommy nay..." wika ng binata.

Nagulat naman ang ginang ng marinig ito mula sa kanya, hindi nito akalain na ganun pala ang dahilan.

"Anu ang ginawa niya sa iyo anak?" tanung ni Tina.

Umangat ang ulo ng binata at tumingin ito sa ginang habang lumuluha.

VENUS, THE MODEL  (GODDESSES OF BEAUTY BOOK 3) completeWhere stories live. Discover now