CHAPTER 19

3.4K 74 1
                                    

Nagkabati na si Venus at ang mga magulang niya, tinotoo ng mga ito na babawi sila. Nagtayo ang mga ito ng isang maliit na hospital doon at nilakihan nila ang itinayo na grocery store ng dalaga.

"Salamat mommy, daddy." usal ng dalaga.

"Basta para sa unica iha namin walang problema." tugon ng ginang.

"Anak oky kana ba talaga?" tanung ng kanyang ama.

"Oo naman mom, dad ako pa." sagot ng dalaga.

"Sige anak mag-iingat ka dito ha, babalik kasi dito sa friday night." saad ng kanyang ina.

Umalis ang mga ito pabalik ng Manila para sa kanilang mga negosyo. Hatid tanaw lang ng dalaga ang papalayong sasakyan, nauna na kasing lumuwas ang kanyang kuya Hercules dahil inasikaso nito ang pag-eenroll sa pasukan.

"Oh neng pasok kana at mainit na sa labas." tawag sa kanya ng matanda.

"Opo nay." tugon nito.

Naging masaya at simply ang pamumuhay ng dalaga doon, malayo sa magulong lungsod at magulong pamumuhay niya dati. Pero may kulang pa sa kanyang buhay na hanggang ngayon ay hindi pa napupunan.

"Neng, narito si Diana." tawag ng matanda sa kanya.

Nasa tree house kasi siya at doon ito nagpapahinga pag ganitong tanghali, minsan doon rin siya natutulog pag gabi.

"Dalawang linggk pa nga lang ang lumipas narito na naman siya, girl talaga." pabulong na wika ni Venus habang pababa.

Pumasok siya sa loob at uminom muna siya ng tubig bago nagtungo sa sala. Nagulat pa siya sa mga taong nadatnan doon.

"Girl...." sabay na bulalas ni Hena at Athena.

Napangiti na napaluha ang babae at agad na niyakap ang dalawang kaibigan, nagyakapan silang tatlo.

"Akala namin biro lang ang sinasabi ni Diana, totoo pala." usal ni Athena.

"Oo nga, salamat at buhay kapa." usal rin ni Hena.

Kapwa luhaan ang talo habang nagyayakapan ang mga ito pati ang asawa ni Hena na si Apollo at ang asawa ni Athena na si Masud, ganun rin si Nana Pasing.

"Oi sali ako jan para group hug." singgit ni Diana.

Pagkatapos magyakapAn ay naupo na ang mga ito at nagkwentohan sila. Tawanan at buruan pa ang mga ito, pero ang dalawa ay naiinggit sa dalawa na may asawa dahil walaNg sumusubo sa kanila.

"Diana sabi ko sa iyo kay kuya Hercules ka nalang eh, type ka kaya noon." kantiyaw ng dalaga.

"Tumiggil ka nga jan Venus at mula ng dumating ako dito puro kalang jan Hercules ha." untag ni Diana.

"Bakit kasi ayaw mo pa umamin na gusto mo si kuya para my jowa kana rin." kantiyaw ng dalaga.

Natahimik naman si Diana at biglang namula kaya nagtawanan silang lahat maging si Nana Pasing.

"Kayong mga bata talaga pinagkaisahan pa ninyo si Diana." usal ng matanda.

"Ayaw pa kasi niya umamin nay eh, nagpapakipot pa." saad naman ng dalaga.

Tapos ng mag merienda ang mga ito kaya niyaya sila ni Venus sa likod ng bahay at nagtungo ng treehouse.

"Ang ganda naman dito girl." bulalas ni Hena.

"Oo nga ang ganda,." segunda rin ni Athena.

Doon ay nagkwentohan pa sila hanggang sa maghapunan na. Doon rin muna Matutulog ang mga ito, dumating na rin si Hercules mula sa manila.

"In fairness girl ang matcho naman pala ng nerereto s'yo eh." bulong ni Hena kay Diana.

Narinig ito ni Venus kaya sinalubong niya ang lalaki. Yumakap siya dito at hinila palapit sa kinaroroonan ng lima.

"Kuya ito pala si Hena at ang asawa niya si Apollo tapos ito si Athena at ang asawa niya si Masud, girls and mens ito ang kuya ko si Hercules." pakilala ng dalaga.

Kinamayan ng binata ang dalawang babae at naki pag salubong ng kamao sa dalawang lalaki bilang pagbati.

"Kamusta dre.." usal ni Apollo.

"Welcome to the group dre." wika rin ni Masud.

"Kuya ikaw ang bahala sa mga lalaki na iyan ha at mag bonding muna kaming mga girls." turan ni Venus at hinila ang tatlo.

"Oky bunso ako ang bahala." sagot ng lalaki.

Pumunta sila ng likod at kinuha ang isang gallon tapos at binitbit ito paakyat sa tree house at sinalinan niya ng apat na baso.

"Anu ito girl?" takang tanung ni Hena.

"Oo nga anu ba ito?" tanung rin ni Athena.

"Tuba iyan mga bruha tikman ninyo masarap iyan." si Diana ang sumagot.

Ininom ng dalawa ang laman ng baso pero lumawit ang mga dila nito dahil hindi nila nagustohan ang unang lasa kaya natawa si Venus at Diana.

VENUS, THE MODEL  (GODDESSES OF BEAUTY BOOK 3) completeWhere stories live. Discover now