CHAPTER 28

4K 73 0
                                    

Hindi alam ni Venus ang gagawin, aatras ba siya at isasara ang pintuan o sasalubungin ng yakap ang binata na kaharap. Si Russel ang unang humakbang at agad na niyakap ang dalaga.

"Salamat sa diyos at nakita rin kita mahal ko." sambit ng lalaki.

Tila naging tuod ang dalaga ng niyakap siya ni Russel hindi siya alam kung anu ang mararamdaman. Hanggang sa kusang umagos ang kanyang mga luha.

"Ouch...." daing ng dalaga.

Sumipa kasi ang bata na nasa tiyan niya, maging si Russel ay bahagyang napaatras ng maramdaman iyon.

"Masakit ba mahal ko?" tanung ng binata.

Hinimas nito ang kanyang tiyan, nakaramdan ng kakaibang init ang dalaga dahil doon maging ang bata ay tila natahimik rin.

"Bakit ka naririto anung kailangan mo?" tanung ni Venus.

Umiba ang aura ng mukha niya, nawala ang ningning ng kanyang mga mata.

"Inutusan ako ni Diana na pumunta rito at hindi ko akalain na naririto ka mahal ko." wika ni Russel.

"At bakit ka naman niya pinapunta ritk eh wala naman siyang nababanggit sa akin." sambit ng dalaga.

Hindi kumibo ang binata, titig na titig parin ito sa dalaga kaya nailang si Venus dahil ang klase ng mga titig niya ay parang nagtatanung. Nagring ang telepono nila sa loob kaya pumasok siya upang sagotin ito.

"Hello." sambit ng dalaga.

"Hello girl nakarating naba ang pinapapunta ko jan?" tanung ni Diana na nasa linya.

"Bakit mo pinapunta iyan dito girl, hindi ba sabi ko...." wika ni Venus.

"Sabi mo na huwag ipaalam sa kanya kung nasaan ka dahil masaya kana kung saan kaman ngayon." pagtutuloy ng babae.

"Iyon naman pala eh." sambit ng dalaga.

"Girl naman hindi kaba naaawa sa sarili mo, kailangan mo ng kasama lalo na at malapit ka ng manganak, tsaka siya naman ang ama at alam mo bang matagal ka na niyang hinahanap. Ginawa niya ang lahat at alam kong mahal ka niya dahil nakikita ko iyon." sambit ni Venus.

"Mag-usap kayo ng maayos at ayosin mo ang lahat ng ito." dagdag ng babae at ibinaba ang telepono.

Napatampal ng noo ang dalaga at nakita naman ito ni Russel kaya pumasok siya agad.

"Oky ka lang ba mahal ko?" nag-aalalang tanung niya.

"Ayos lang at makakaalis kana." wika ng dalaga.

Napa-upo muna ang binata sa kanyang tabi at yumuko tapos ay bumuntong-hininga at hinarap siya ulit.

"Bago ako umalis nais ko sanang maliwanagan sa lahat-lahat." wika ng binata.

"At anu naman ang nais mong liwanagin?" tanung ng dalaga.

"Bakit mo ako iniwan ng gabing iyon? Bakit ganun ang mga isinulat mo? At ako ba ang ama niya?" sunod-sunod na tanung ng binata.

Ngumiti ng mapakla ang dalaga at humarap sa lalaki bago ito nagsalita.

"Ang mga nangyari noong gabing iyon ay kagustohan natin pareho kaya wala kang dapat ipag-alala tungkol doon, ginusto ko iyon at bukal sa loob ko ang ginawa,kaya hanggang doon nalang iyon." sagot ng dalaga.

Napatitig ang binata sa mata niya at tila sinusuri ang kanyang kaloob-looban kaya umiwas iti ng tinggin.

"Ang mga sulinulat ko, iyon ang totoo at para hindi mo na rin ako hanapin pa at para lumaya kana rin." sambit ng dalaga.

"Lumaya? Saan? alam mo bang hinanap kita ng gumising ako, halos halughugin ko ang buong unit mo pero ni anino mo ay hindi ko nakita, Nang makita ko ang sulat mo nalungkot ako, natakot dahil baka hindi na kita makita maya ipinangako ko sa aking sarili na mahanap lang kita ay hindi na ulit kita pakakawalan, tapos sasabihin mong lumaya, mahal naman nagtiis ako ng halos pitong buwan mahanap ka lang tapos paaalisin mo na ako." wika ng binata na lumuluha.

Nahabag naman si Venus sa nakita, sa harap niya mismo lumuluha ang binatang minahal ng lubos.

"Oo alam ko may kasalanan ako sa iyo, hindi kita naipaglaban dati, naging duwag ako at nang muli kitang makita may kasama ka ng ibang lalaki. Alam mo bang halos pumatay ako sa sobrang selos ng araw na iyon, nais kung sugurin at suntukin ang lalaking kasama mo." sambit pa ni Russel.

Lihim naman nagdiwang ang puso ng dalaga sa narinig. Naging ang anak nila ay bahagyang gumalaw rin na tila alam ang mga nangyayari.

"At ang huli ako ba ang ama niyan?" tanung ng binata.

"Hindi ikaw...." mariing tanggi ng dalaga.

"Mahal mo pa ba ako?" tanung ulit ng binata.

Hindi sumagot ang dalaga kaya yumuko ito, tumayo naman ang binata upang lumisan na. Sinundan naman ni Venus ng tinggin ang lalaking papalayo at nag unahang pumatak ang kanyang mga luha.

"Patawad mahal ko." sambit ng dalaga.

Umuwing luhaan ang binata sa kanila, naglasing rin ito at nagwala. Nahabang ang matanda sa kanya kaya inalo ito ni Tina.

"Anak tama na iyan, mag pahingga kana." wika ng ginang.

"Bakit ganun inay bakit?" wika ng binata.

"Tanggapin mo nalang ang mga nangyari anak baka hanggang doon nalang kayo." wika ng matanda.

"Mahal ko siya nay, mahal na mahal at alam kong nagsisinungaling lang siya." wika ng lasing na binata.

Umuwi si Hercules at naabutan niyang iyak ng iyak ang dalaga. Katabi nito ang kanyang ina at pinapatahan siya.

"Bunso naman alam mo namang nakakasama iyan sa dinadala mo. Tahan kana sige ka papangit ang baby mo niya." wika ng binata.

"Kuya, huhuhuhu hinayaan ko na naman siya na lumayo." umiiyak na wika ng dalaga.

"Tahan na bunso matatapos rin iyan." wika ni Hercules.

Nakatulogan nalang ng dalaga ang pag-iyak ang ang binata ang naghatid sa kanyang silid. Naging malungkotin ang dalaga simula noon lagi itong matamlay at malungkot.

"Aaaaahhhhh nnnaaaaayyy....." sigaw ng dalaga habang hawak ang tiyan.

Tarantang lumapit ang matanda sa kanya nang marinig ito. Nasa gilid siya ng pintuan ng oras na iyon.

"Neng anu ang nangyari?" wika ng matanda.

"Masakit ho ang aking tiyan nay, manganganak na yata ako." daing ng dalaga.

Pauwi na si Hercules sa kanila, linggid sa kaalam ng lahat maging ni Venus ay kina-usap niya si Russel at sinabi ang lahat. Tuwang-tuwa naman ang binata dahil sa sinabi niya at heto sabay silang umuwi.

"Samalat talaga pre ha." wika ni Russel.

"Walang anu man pre, ayaw ko lang na makitang nalulungkot ang itinuturing kong kapatid." sagot ng lalaki.

Nang makarating sila ay agad na bumaba ang dalawa, palabas na rin ang ina ng binata kaya nagkasalubong ang mga ito.

"Nay bakit ho kayo natataranta?" takang-tanung ni Hercules.

"Naku anak ang kapatid mo manganganak na yata.." wika ng ginang.

Nang marinig ito ay agad na tinungo ni Russel ang loob ng bahay at naabutan niya ang dalaga sa pintuan sa likod ng bahay kaya nataranta rin siya ng makitang may umaagos na dugo sa binti ng dalaga.

"Mahal ko...." nanghihinang sambit ni Venus.

"Mahal halika at bubuhatin kita." wika ng binata at agad na binuhat si Venus.

Inilabas niya ito at ipinasok sa loob ng sasakyan. Si Hercules ay nasa drivers seat na rin naka upo.

"Nay, sumunod ho kayo ha at paki dala ng mga kailangan ni bunso." wika ni Hercules.

Agad na pina harurot ng lalaki ang sasakyan.

VENUS, THE MODEL  (GODDESSES OF BEAUTY BOOK 3) completeWhere stories live. Discover now