CHAPTER 5

4.3K 96 1
                                    

Pumasok ang binata sa restaurant, sa likod siya dumaan mahirap na at baka may mga media na naman na nag-aabang sa kanya.

"Tol, pinapatawag ka sa taas..." salubong sa kanya ng kanyang kasama.

"Sige tol, susunod nalang ako...." wika ng binata.

Pagkatapos mag-ayos ni Russel ay pumanhik na siya sa taas. Huminga muna siya ng malalim bago pumasok doon.

"Pinapatawag daw po ninyo ako boss..." usal ng lalaki.

"Oh ikaw na pala iyan Mr. Quillo, maupo ka..." saad ng boss ng binata.

Naupo naman ito sa harap ng mesa at humarap sa amo niya. Nakita niya na seryoso ito kaya kinabahan siya.

"Anu po ang sasabihin ninyo boss?" tanung ni Russel.

"I want to congradulate you Mr. Quillo, you the head waiter now..." wika ni Mr. Tan.

Namilog naman ang mata ng binata sa marinig niya. Hindi ito maka paniwala sa narinig kaya nagsalita ito ulit.

"Anu po ulit iyon Mr. Tan?" tanung ng binata.

Napangiti si Mr. Tan alam nito na nagulat niya ang binata pero kailangan niya sundin ang pinag-usapan nila ni Venus Smith.

"Your promoted Mr. Quillo...." wika ng matanda.

"Ta-talaga boss?" paniniguro ni Russel.

"Oo kaya makakabalik kana sa trabaho mo at iyon lang ang nais kung sabihin..." saad ng matanda.

Bumaba ang binata na kay lapad ng mga ngiti sa labi. Sinalubong siya ng ibang mga kasama at binati.

"Salamat sa inyo mga tol...." wika ng lalaki.

Parang ang bilis ng pag daan ng oras sa binata. Labasan na ng shift nila pero ang ngiti niya ay naroroon parin.

"Nay, narito na po ako..." masayang bungad niya.

Binuksan ng matanda ang pinto at agad naman niya itong sinalubong ng yakap.

"Anak, hindi na ako maka hinga..." reklamo ng matanda.

"Ay, sorry nay masaya lang ako, nay, may sasabihin ako sa inyo..." kay lapad ng ngiti nito.

"Anu iyon anak?" takang tanung ng matanda.

"Nay..... na promote po ako sa trabaho...." usal niya.

Nang marinig ito ng matanda ay naglandasan ang mga luha niya at napayakap sa anak.

"Talaga anak... masaya ako para sa iyo Russel..." turan ng ginang.

"Salamat inay, mula ngayon magiging maayos na tayo nay, pangako..." saad ng binata na luhaan pero naka ngiti.

Lumipas ang isang linggo at natahimik rin ang buhay ng binata. Nawala na ng mga media na humahabol sa kanya. At na promote pa siya sa isa pa niyang trabaho.

"Nay, mag-iipon po ako at magpapatayo tayo ng talyer..." usal ng binata.

"Eh sino mag-aasikaso anak?" tanung ni Tina.

"Ako po inay, aalis po ako ng trabaho pag mangyari iyon..." sagot nito.

"Saan mo balak magtayo anak?" tanung uli ng kanyang ina.

"Doon kina mang Antonio nay, paparentahan raw niya ng mura sa akin ang lugar doon..." tugon ng lalaki.

"Sige anak ikaw ang bahala, kung anu ang ikasasaya mo doon ako susupporta sa iyo." sagot ng ina niya.

Lumipas tatlong buwan naka ipon ang binata ng sapat na pera kaya nirentahan niya ang lugar na iyon.

'Ito na ang simula ng pag-ahon natin inay...' sa isip ng binata habang naka tingin sa labas.

"Girl kamusta?" bati ni Venus kay Athena.

Kakauwi lang nito galing sa Bali, Indonesia. Imbis na isang buwan lang ang kanilang honeymoon ay na extend ito ng apat na buwan. Kaya ng bumalik ang kaibigan niya ay buntis na ito.

"Ito oky lang girl, nasaan si Diana?" tanung ni Athena.

"Ay naku malamang late na naman iyon dahil ngayon ang opening ng isang gallery niya..." sagot ni Hena.

Nagbeso-beso silang talo, maya-maya ay dumating na rin si Diana at halatang nagmamadali ito.

"Sorry girl na late ako..." wika nito sabay paypay ng kamay sa sarili.

"Mabuti at naka abot ka.." saad ni Athena.

"Oo nga, at tamang-tama paalis na kami..." segunda ni Hena.

"Pag-pahingain kaya muna natin si Diana, hingal na hingal oh, naka lawit pa ang dila..." usal ni Venus at tumawa.

Nagtawanan nalang silang apat, hanggang sa lumipas ang sampung minuto at umalis na sila sakay ng isang Escapade.

"Wow! ang ganda ng new house mo girl huh!" usal Hena nang marating nila ang bagong bahay ni Masud at Athena.

"Oo nga sino ang architech ninyo?" tanung ni Diana.

"Secret..." si Masud ang sumaGot.

"Ay bakit secret?" tanung ni Venus.

"Kase baka gayahin rin ninyo kaya hindi namin sasabihin, diba baby." sagot ni Athena.

Napahanga si Venus sa bahay simple lang ito pero ang ganda ng mga details niya. Maganda rin ang pagka gawa ng garden na may maliit na playground.

'Someday mas maGaNda pa ang ipapataYo ko kesa dito...' sa isipan niya.

Pumasok sila sa loob at doon nag kwentohan. May mga pasalubong rin na ibinigay si Athena sa kanila. Gabi na rin siya naka uwi dahil matagal rin na hindi sila nagkasama ng mga kaibigan.

VENUS, THE MODEL  (GODDESSES OF BEAUTY BOOK 3) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon