CHAPTER 18

3.4K 82 1
                                    

Doon muna namalagi ang dalaga sa bahay ng matanda. Bumili rin siya ng lupain doon para taniman ng mga gulay at nagpatayo siya ng isang treehouse dahil may malaking puno doon.

"Anak, bumaba kana jan at kakain na tayo..." sigaw ni Pasing.

"Ankan na ho nay..." sagot ng dalaga.

Halos isang buwan na siya sa lugar na iyo at tangging si Diana lang ang nakakaalam na buhay pa siya. Nagpatayo ang dalaga ng grocery store doon kung saan dinadayo pa talaga ito ng mga mamimili. Kasama niya ang matanda na nagpapatakbo doon. Naging kuya naman niya si Hercules at ang binata ang laging nagbibigay ng advice sa kanya kaya unti-unti siyang naka move on.

"Si kuya naya, nandoon na ba?" tanung ni Venus.

"Oo bunso kaya bilisan mo ng bumaba jan..." sigaw ni Hercules.

"Ang daya mo kuya dapat ikaw tumawag sa akin eh..." ingos ng dalaga.

"Gutom na kaya ako bunso..." usal ng binata.

Nangmaka baba ay agad umupo sa harap ng mesa ang dalaga at sabay silang kumain na tatlo, habang kumakain ay dumating ang sasakyan ni Diana.

"Kuya si Diana anjan na salubungin mo..." wika ng dalaga.

Kinindatan pa niya ang lalaki at ngumiti ng nakakaasar. Si Hercules naman ay biglang namula.

"Bunso ikaw talaga kahit kailan mapag-asar ka, alam mo naman na ang layo ng agwat namin eh..." turan ng lalaki.

"Ah basta ako kuya boto ako sayo para sa kaibigan ko..." usal ng dalaga.

Nakapasok na si Diana at may dala itong backpack. Si aling Pasing ang sumalubong sa kanya.

"Girl may mga bisita ka..." untag ng babae.

Natigil sa pagsubo ang dalga dahil sa sinabi ni Diana. Tiningnan niya ang kaibigan na tila kinikilastis ang mga sinabi.

"Sino?" takang tanung niya.

"Nasa sala hinihintay ka, kaya dalian mo kumain jan at huwag mo akong tingnan ng ganyan." usal ng dalaga at tumalikod.

"Ang sungit ng kaibigan mo bunso." bulong ni Hercules.

"Baka may regla kuya kaya ganyan.." pabulong rin na sagot niya.

Nagtawanan naman ang dalawa at pinapatuloy ang pagkain hanggang sa nakatapos sila at naunang tumayo si Venus upang pumunta ng sala.

"Salamat ho sa pag-alaga ninyo sa anak ko nana Pasing." wika ng boses babae.

Pamilyar ang boses na iyon sa kanya at bigla siyang kinabahan. Naglakad siya hanggang sa marating nito ang sala kung saan naroroon ang dalawang tao na naghihintay sa kanya.

"Anak....." manghang wika ng ginoo.

Parang tinulos sa kinatatayuan niya ang dalaga hindi ito naka galawa at hindi man lang kumurap.

"Anak ko...." usal ng ginang na tumulo ang mga luha.

Tumayo ito upang puntahan siya pero napa-atras ang dalaga ng napa-atras. Tumulo na rin ang kanyang mga luha.

"Anung ginagawa ninyo dito...." galit na sambit ni Venus.

"Nandito kami anak upang makita ka...." wika ng kanyang ina.

"Sorry girl hindi na ako nakatiis na makita ang paghihirap nila eh." singgit ni Diana.

"Anak sorry sa mga pagkukulang namin ng daddy mo, anak nagbago na kami at pangako hindi na mauulit ang mga ginawa namin, lagi na kaming mag-lalaan ng panahon para sa iyo, anak patawari mo ako..." luhaang sambit ng kanyang ina.

"Patawad! mom, ganun lang ba kadali sa inyo iyon? halos buong oras ninyo ginugul lang ninyo sa negosyo, ni hindi man lang kayo nanglaan ng kaunting oras para sa akin, ni hindi nga ninyo alam kung anu ang mga nangyayari sa akin...." sumbat ng dalaga.

Napayuko ang mag-asawa; maging si Diana dahil siya man ay pinagdadaanan ang mga iyon. Lihim rin na tumulo ang kanyang luha. Kita ang galit sa mata ni Venus ng sandaling iyon.

"Alam mo mom, mas itinuring ako na kapamilya ng mga taong nakilala ko kahit hindi nila ako kadugo, tulad ng pamilya ni Russel na tinawag ninyong hampas-lupa at maging ang pamilya ni Nanay Pasing na tulad rin nilang hampas-lupa, alam mo mom, minahal ko si Russel dahil ang oras, pagmamahal at attention na hindi ninyo na-ibigay ay nakita ko sa kanila at sa pamilya nila at ngayon sa pamilya ni Nanay Pasing, mas naging ina pa sila sa akin kesa sa inyo na totoo kung ina, ang masakit pa hinadlangan ninyo ang kaligayahan ko at sabihin n'yo man o hindi alan kung may alam kayo kung bakit nagkaganun si Russel dahil noong araw na iyon iba ang Russel na kaharap ko, ngayon sabihin ninyo anu ang ginawa n'yo sa kanya..." sumbat at sigaw ni Venus.

Napahagulgul nalang ang ginang dahil doon lalo pa at napatiim-bagang ang ginoo.

"Patawad anak, sinabihan ko lang naman siya na layuan ka at tinangka kung bayaran pero hindi niya tinanggap, hindi ko naman akalain na ganun ang mangyayari, patawad...." sambit ng ginang.

Lumuhod ito sa harap ng dalaga at tinangkang halikan ang paanan ni Venus pero agad itong dinaluha ni Hercules at itinayo ang matanda.

"Huwag ho ninyong gawin iyan...." usal ng binata.

Pinaupo niya ang matanda sa bangko at hinarap niya si Venus na noo'y galit parin ang mukha, bigla niya itong sinampal sa pisngi.

"Anu ang nangyayari sa iyo bunso ha, ina mo iyon at hindi tama na hayaan mo siya na gawin iyon sa iyo, ina mo parin ang matandang nasa harapan mo, ganyan na ba katigas ang puso mo sa pagpapatawad? hindi mo malang ba naisip na siya ang nagluwal sa iyo, hindi mo ba naisip na nagdusa rin siya sa pag-aakalang wala kana at ngayon na naririto siya upang hingin ang kapatawaran mo sa pagkakamaling kanyang nagawa at lumuhod na siya, tama na siguro iyon para patawarin mo..." sambit ng binata.

Nagulat ang lahat maging ang dalaga lalo na nang masampal siya ng itinuturing nitong kuya.

"Patawad bunso pinagbuhatan kita ng kamay, nais ko lang na gisingin ka." wika ng lalaki.

Napaiyak ang dalaga dahil doon kaya't niyakap siya ng binata upang patahanin, habang ang mga naroroon ay gulat parin.

"Kuuuu-yaaaa...." sambit ng dalaga.

Para itong bata na imiiyak at sumiksik sa dibdib at braso ng binata. Sumisinhot-singhot pa ito at pinunas ang luhat at sipon sa damit ng lalaki.

"Bunso naman eh...." anggal ni Hercules.

"Sige aalis na kami ng daddy mo anak sana mapatawad mo na kami, nana Pasing salamat ho, Diana, iha, salamat rin..." wika ng ginang.

Tumayo ang dalawa at tinungo ang pintuan, naka-alalay ang ginoo sa kanyang asawa, naka talikod na ang dalawang matanda ng...

"Mommy..... daddy....." sambit ni Venus.

Parang slow motion na lumingon ang dalawang matanda at biglang lumiwanag ang mga mukha, agad namang tinakbo ng dalaga ang dalawa at yumakap dito.

VENUS, THE MODEL  (GODDESSES OF BEAUTY BOOK 3) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon