CHAPTER 11

3.9K 95 0
                                    

Marami ang mga nagbago sa dalaga, mas naging simply ito lalo na sa mansyon na siyang ikinatuwa ng mga kasama niya doon maliban lang sa mga magulang nito.

"What the smell is that...." reklamo ng ginang.

Kadarating lang nang mag-asawa mula sa China. May bussiness deal kasi ang mga ito doon.

"Anu na naman iyan Venus?" tanung ng kanyang ina.

"You want some bagoong mom?" tanung ng dalaga.

"Bagoong! thow away that food i don't like the smell..." utos ng ginang.

"But mom it tase good...." sagot ng dalaga.

"Urgh.... good! my gosh Venus....." usal ng donya.

Wala itong nagawa kundi ang umalis nalang doon dahil hindi siya sinunod ng dalaga.

"Hi inay Tina...." dati ng dalaga.

"Oh ineng ikaw pala, pasok ka..." saad ni Tina.

"Nay para ho sa inyo..." wika ni Venus sabay abot ng dalawang paper bag.

"Anu ito anak?" tanung ng matanda.

"Buksan nalang ho ninyo inay..." naka ngiting saad ng dalaga.

"Ang ganda naman nito anak..." manghang usal ng ginang.

Bestida ito at ang isa naman ay isang paresng blouse. Sariling gawa ito ng dalaga at siya mismo ang nagtahi.

"Ako po ang gumawa niyan inay sana magustohan ninyo..." wika ng dalaga.

Niyakap siya ng matanda at gumanti rin ang dalaga. Masaya ito kahit sa hindi niya kadugo ang mga ito ay tinanggap nila ang dalaga.

"Wow....." sambit ng binata.

Papasok ang dalaga sa loob ng talyer at halos malaglag ang panga ng nga naroroon. Lutang ang kagandahan nito sa suot niyang maigsi na shorts at spagette na damit.

"Do you need help?" tanung ng dalaga sa binata.

"Huwag na at baga madumihan ka lang dito..." sagot ng binata.

Bumalik kasi ito sa katinuan ng magsalita ang dalaga. Nakita kasi niya ang mapuputing hita nito at ang dibdib ng dalaga.

'God, nang-aakit ba ang babaeng ito. Baka ma rape ko ng hindi oras ito...' sa isipan ni Russel.

'Sa tagal na magkasama tayo ngayon alam ko na ang ibig sabihin ng nararamdaman ko. Mahal na kita Russel pero hindi ko alam kung mahal mo rin ba ako...' sa isip ng dalaga habang naka titig sa binata na nasa ilalim na ng sasakyan.

Tinulungan niya ito sa pag gawa at siya ang taga abot ng gamit na kailangan nito.

"Mamaya ulit merienda muna tayo..." yaya sa kanya ng binata.

"Sige..." tugon ng babae.

Natapos ang araw at pagod na umuwi ang dalaga may mga grasa rin anv damit nito. Pagpasok nito ng silid ay agad siyang naligo at nagbihis. Naisipan niyang buksan ang kanyang laptop.

"Hi girls..." masayang bungad nito sa tatlo.

"Aba ang saya mo yata girl anung meron?" puna ni Diana.

"Inlove....." singgit ni Athena na malaki na ang tiyan.

"Who is the lucky guy?" tudyo rin Hena.

Umarko nalang ang kilay ng dalaga, kabisado na talaga nilang magkakaibigan ang isa't isa.

"Wala naman girls, ganun ba iyon pag blooming inlove na agad?" usal ni Venus.

"Naku huwag mo ng ilihis ang usapan at dumaan na kami ni Athena jan, diba girl...." saad ni Hena.

"Anu na, sino siya? si Russel ba?" usal naman ni Athena.

Biglang namula ang dalaga sa binanggit ng kaibigan kaya nagtawanan ang mga ito.

"So totoo nga ang balita kung ganun na lagi kang pumupunta sa lugar niya..." usal ni Daina.

"What????" gulat na sambit ng dalaga.

"What, what, ka jan, hindi mo ba alam na may paparatsi na naka sunod sa iyo doon..." usal ni Hena.

"Hindi eh...." sagot ng babae.

"Mag-ingat ka girl at baka pati mundo ng mahal mo magulo rin..." usal ni Athena.

Natahimik ang dalaga, hindi niya alam ang sasabihin. Agad namang napuna ng tatlo ito.

"Kung talagang mahal mo siya girl ipaglaban mo, narito lang kami at naka agapay sa iyo..." usal ni Hena.

"Huwag mung intindihin si Tita ang intindihin mo ay ang sarili mo at ang kaligayahan mo." usal rin ni Athena.

"Go girl kaya mo iyan ikaw pa..." wika ni Diana.

"Natatakot lang ako girls sa mga pwedeng gawin ni mommy, alam kung pag nalaman niya ito ay tututol siya..." sagot ni Venus.

Mahal niya ang binata pero sa oras na malaman ng ina nito sa nagkagusto siya sa isang mahirap ay haharang ito ng ginang.

"Mahal mo ba talaga siya?" tanung ni Hena.

Tumango ang dalaga bilang tugon. Bakas ang lungkot sa mukha nito na kita ng tatlo.

"Kung ganun kayo na pala..." usal ni Athena.

Umiling-iling ang dalaga sa harap ng mga ito. Tila naguluhan sila dahil doon.

"Teka, teka ha, so mahal mo siya pero hindi pa kayo kung ganun..." wika ni Hena.

"So ibig sabihin ikaw ang nanliligaw sa kanya?" saad ni Diana.

"Hindi ah, binibisita ko lang sila doon..." katwiran ng dalaga.

"So ibig sabihin na inlove ka sa kanya sa kakabisita mo doon?" wika ni Athena.

"Hindi rin, unang kita ko palang sa kanya dati sa restaurant may iba na akung nararamdaman, at mas nadagdagan pa ito ng iniligtas niya ako sa kapahamakan..." paglalahad ng dalaga.

"Kapahamakan?" sabay na wika ng tatlo.

"Muntik na kasi ako mamatay dati ng ma hold up ako..." naka ngiting wika ng dalaga.

"What..." sabay ulit ng tatlo.

"Opsss.... huwag ninyo akung tingnan ng ganyan, relax oky pa ako...." usal ni Venus.

Nagsimula siyang magkwento sa tatlo at halos pigil hininga ang mga ito habang nakikinig.

"Grabe naman iyan girl as in nangyari iyon sayo..." wika ni Diana.

"Oo pero oky lang iyon at siya naman ang nagligtas sa akin..." sagot ng dalaga.

Habang nagsasalita ang dalaga nakita naman ng tatlo ang kakaibang kislap ng kanyang mga mata.

VENUS, THE MODEL  (GODDESSES OF BEAUTY BOOK 3) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon