CHAPTER 1

7.3K 117 2
                                    

Pagod na umuwi ang dalaga pagkatapos ng kasal ni Athena at Masud. Agad siyang naligo at nagpalit ng damit upang matulog.

'Mabuti pa ang dalawa nasa maayos na ako kaya kailan ko matatagpuan ang naka tadhana sa akin?' sa isip ng dalaga habang naka tihaya sa kama.

Marami namang nanliligaw sa kanya pero ni isa ay wala siyang napupusuan dito. Ayaw kasi niya sa ugali ng mga ito kaya na tuturn off agad siya.

'Tatanda nalang yata akung dalaga nito nasa 27 na ako pero wala parin..' sa isip niya.

Nakatulog nalang ang dalaga sa ganung pag-iisip niya. Ganito siya tuwing gabi, nag-iisip ng mga ganung bagay. Nasa kanya na nga lahat pero may kulang pa at iyon ang tinatawag nilang pag-ibig.

"Good morning ma'am..." bati ng isang katulong sa kanya.

"Good morning, nasaan sina mom and dad?" tanung niya.

"Ay ma'am maaga ho silang umalis kanina dahil may meeting daw sila.." sagot ng katulong.

"Ganun po ba..." matamlay na sagot ni Venus.

Ganito ang buhay niya lagi, kumakaing mag-isa sa umaga at gabi, katulong ang laging kausap at parang siya lang ang laging mag-isa sa buhay.

"Handa na po ang almusal ninyo senyorita..." wika ng isa pang katulong.

"Sige ho... salamat.." tugon niya.

Tinungo ng dalaga ang dinning area at doon tahimik na kumaing mag-isa. Mabibingi siya sa katahimikan lalo pa at tunog lang ng kutsara't tinidor ang maririnig.

"Tapos na ho ako manang, paki ligpit nalang ho..." tugon ng dalaga.

Tumayo siya at humakbang na palabas sa bahay nila upang magtungo sa isang picturial nito.

"Bakit ba lagi silang wala, lagi nalang ako mag-isa kumain nakaka walang gana..." bulong ni Venus habang nagmamaneho.

Narating niya ang venue nila sa picturial at sinalubong siya ng kanyang staff. Taga make up niya, taga asikaso sa wardrobe niya, taga ayos ng buhok at isang personal assistant niya.

"Good morning ganda..." bati ng make up artist niya.

"Good morning..." tugon niya.

"Tara na sa loob at nang maayosan na kita..." wika ng bakla.

Hinila siya nito kaya nagpatianod nalang ang dalaga. Umupo ito sa harap ng malaking salamin at inayusan na siya.

"Havey talaga ang beauty mo ganda, hindi nakakasawa...." usal ng make-up artist niya.

Nagsimula na ang picturial nila, pose dito, pose jan, pose doon ang ginawa ng dalaga. Nasanay na ri siya sa ganitong gawain.

"Hoy, Russel tulala kana naman jan sa poster ng idolo mo..." sigaw ng isang lalaki.

Nakita kasi ng binata ang latest poster ni Venus Smith, ang babaeng iniidolo at pinapangarap niya.

"Hindi naman pre...." sagot niya at nagpatuloy sa pag ma-mop ng sahig.

Taga linis kasi siya sa isang opisina, high school lang ang natapos nito sapagkat namatay ang ama niya ng nasa ikatlong taon na siya.

"Ang ganda-ganda mo talaga..." usal niya habang naka titig ito hawak ang mop.

Ilang taon niya ring iniidolo ang babaeng kaharap niya ngayon, pambihira kasi ang ganda nito at talagang nabighani siya.

'Pero alam kung hanggang pangarap lang kita kasi ang hirap mong abutin eh...' sa isipan ng binata.

Sa edad na bente nuebe ay single pa siya kung maituring, nagka nobya siya pero dalawang beses lang dahil sa uri ng pamumuhay na meron siya.

"Nay, narito na po ako..." wika ni Russel.

Pumasok siya sa bahay at nagmano sa kanyang ina. Tapos ay ginulo ang buhok ng bunso nila.

"Kuya naman eh..." wika ni Lyron.

"Kamusta ang school mo bunso?" tanung niya sa kapatid.

Naupo siya sa bangko ay nagtanggal ng suot na sapatos, tapos ay ibinaba ang backpack at naghubad ng damit.

"Oky naman kuya, ay kuya may project pala kami ngayon..." usal ng kapatid niya.

"Anung project bunso?" tanung niya.

"Folder, bond paper, colored paper, gunting at glue kuya..." sagot ni Lyron.

"Ganun ba, oh heto bumili kana doon ng mga kailangan mo..." saad ni Russel.

Inabot niya ang singkwenta pesos sa kapatid at agad rin na umalis ito para mamili. Nagbihis siya at kumain muna bago nagpaalam.

"Nay, aalis na po ako..." paalam ng binata sa ina.

"Sige anak at ikaw ay mag-iingat ha.." sagot ni Tina.

"Opo inay kayo rin ho, ikaw na po ang bahala dito inay..." sagot niya.

Inabot nito sa kanyang ina ang kanyang sahod at ang naiwan lang sa kanya ang ang kanyang allowance sa araw-araw.

"Naku anak salamat dito at makakabayad na tayo sa renta ng bahay..." wika ng kanyang ina.

Humalik ang binata sa noo ng ina at umalis na naman ito. Mag tatrabaho na naman siya sa isang restaurant ngayon 8pm-4am ang time niya doon.

VENUS, THE MODEL  (GODDESSES OF BEAUTY BOOK 3) completeWhere stories live. Discover now