CHAPTER 17

3.6K 81 6
                                    

Lumipas ang ilang oras at nakarating si Diana sa lugar na binigay ni Venus. Hinanap niya ang bahay at agad rin na natagpuan.

"Girl, girl, nanjan ka ba?" sigaw ng babae sa labas.

Nagising ang dalaga dahil sa ingay na iyon. Agad namang pinapasok ng dalawa ang babae.

"Girl, ikaw nga...." bulalas ni Diana.

Lumapit ito sa kaibigan at agad ni niyakap ng mahigpit na mahigpit. Sobra kasi siyang nagulila dito.

"Ouch, girl...." daing ni Venus.

"Ay, hehehe sorry girl...." sagot ni Diana at kumalas sa pagkakayakap.

"Grabe ka naman maka yakap girl ang higpit, para akung mababalian ng buto ah, hindi pa nga ako lubusang magaling eh...." reklamo ng dalaga.

"Sorry na nga eh, akala ko kasi talagang wala kana, kaya nalungkot ako ng sobra, pero thanks god at nasa maayos ka...." sambit ni Diana.

"Oo naman ako pa, malakas yata ito noh....." pag mamayabang ng dalaga.

"Anu ba kasi ang nangyari girl? Alam mo bang nagluksa ang lahat dahil sa iyo...." wika ni Diana.

"Hindi pa nga ako patay kita mo naman diba, tsaka ayaw ko munang balikan ang mga nangyari girl kasi nasasaktan ako, ang sakit dito oh..." wika ni Venus sabay turo sa dibdib.

Nagsipag landasan na naman kasi ang kanyang mga luha, sobrang sakit ang naramdAman niya sa mga pangyayari. Niyakap naman siya ng kaibigan at hinayaan na umiyak.

"Girl pwede bang humingi muna ng pabor?" wika ni Venus.

"Sure basta ba kaya ko walang problema..." sagot ni Diana.

"Pwede bang huwag mo munang sabihin sa kanila na buhay ako..." usal ng dalaga.

"Bakit naman?" takang tanung ng kanyang kaibigan.

"Aayusin ko lang ang sarili ko at ajg buhay ko bago magpakita..." saad ng babae.

"Will kung iyan ang gusto mo sige walang problema.." saad ni Diana.

"Tsaka girl pwedeng mag withdraw ka muna ng pera para naman naayos ang bahay ni manang Pasing, bumili ka ng mga tabla at yero...." usal ng dalaga.

"Baka hindi sila pumayag girl...." nag-aalangang wika ng kaibigan niya.

"Basta humayo kana at ako ang bahala dito bili ka rin ng kakainin natin..." wika ni Venus.

"Oky kung iyan ang gusto mo girl..." sagot ng babae sa kanya.

Inabot niya ang kanyang ATM card at ibinigay ang pin, sa awa ng diyos dala pa pala niya ang kanyang pitaka kaya may pera pa siya.

"Hercules, pwede bang pumunta ka muna dito?" tawag ni Venus na may pakiusap.

Maya-maya ay pumasok ang binata sa silid at napa tulala si Diana, kaya napangiti nalang si Venus.

"Her, siya ang kaibigan ko si Diana, girl siya si Hercules anak ni manang Pasing....." pagpapakilala niya sa dalawa.

Nagkamay ang dalawa, si Diana ay hindi man lang kumurap sa kaharap.

"Ahem, girl ang kamay ni Hercules maari mo ng bitawan, Her pwede mo bang samahan si Diana sa bayan ninyo?" saad ni Venus.

"Sige walang problema, ngayon na ba?" tanung ng binata.

"Oo, salamat Her..." wika ng dalaga.

Tumayo si Diana at lumabas,sumunod rin si Hercules dito at naiwan siyang mag-isa na may ngiti sa labi.

"I smell something...." bulong niya.

Lumipas ang ilang sandali ay dumating na rin si Manang Pasing mula sa kabilang ibayo at may dala itong mga gulay.

"Oh neng gising kana pala, nasaan si Hercules bakit wala siya dito?" tanung ng matanda.

"Ah pinasama ko sa kaibigan kung si Diana manang para mamili ng pagkain at materyales para sa bahay...." usal ng dalaga.

"Aba at bakit may materyales sa bahay neng magpapatayo ka ba ng bahay dito?" tanung ng matanda.

"Hindi manang, ipapaayos ko ho ang bahay ninyo..." sagot ng naka ngiting dalaga.

"Ipapaayos ng bahay namin,naku neng oky pa ito hindi pa naman sira-sira ah, tsaka huwag na nakakahiya naman..." wika ni Pasing.

"Naku manang Pasing sa ayaw at sa gusto ninyo ipapaayosko ho itong bahay ninyo kahit magalit pa kayo riyan.." sagot ni Venus.

"Naku neng wala akung panbayad sa iyo, kung ipapaayos mo ito...." wika ng ginang.

"Manang hindi ko ho kayo sisingilin, bukal sa loob ko na gagawin iyon dahil tinulungan ho ninyo ako...." turan ng dalaga.

"Pero nakakahiya naman sa iyo neng..." wika ng matanda.

"Naku manang huwag ho kayo mahiya kasi mas nahihiya po ako dahil na abala ko pa kayo, kaya ito lang ho ang maari kung magawa para upang makaganti sa kabutihang ipinakita ninyo...." sambit ng dalaga.

Natahimik ang matanda at nagpatuloy sa pag-aayos ng ilalako na gulay. Napa ngiti naman si Venus dahil alam niyang pumayag na rin ang matanda.

"Neng aalis muna ako at ilalako ko lang ang mga gulay na ito..." paalam ng matanda.

"Manang huwag na ho kayo umalis hintayin nalang ho natin na bumalik sila kasi may pagkain doon at magpahinga naman ho kayo at may edad na kayo..." turan ng dalaga.

"Aba neng kahit may edad na ako malakas parin ang pangangatawan ko.." sagot ng matanda.

"Dito nalang kayo manang at ako nalang ang bibili ng mga paninda ninyo.." usal ng dalaga.

Walang nagawa ang matanda kundi ang manatili nalang doon, lumipas ang tatlong oras ay naka balik na ang dalawA at kasunod nila ang isang truck ng may mga materyales para sa bahay.

"Aba't bakit ang dami naman yata ng mga binili mo neng..." wika ni Pasing.

"Kaunti nga lang ho iyan manang eh, kulang pa iyan sa tulong na ginawa ninyo..." sagot ng dalaga.

"Ang ganda rin pala ng kaibigan mo neng, para tuloy naging alalay ang binata ko..." wika ni Pasing.

Bumaba kasi ang dalawa sa sasakyan ni Diana at inalalayan pa ni Hercules ang dalaga.

"Pero manang bagay sila diba..." bulong ni Venus.

"Naku neng hindi bagay, gatas at tsokolate sila,ang puti-puti ng kaibigan mo ang itim-itim naman ng anak ko.." saad ng matanda.

"Oky naman manang ah, tsaka para sa akin bagay sila..." saad ng dalaga.

Natawa nalang ang matanda dahil doon kaya natawa narin ang babae. Taas ang kilay na lumapit si Diana sa kanila.

"Hay, naku girl nakakapagod ang inutos mo, dapat may kapalit iyon ha..." reklamo ng dalaga.

"Oo na pag maka uwi ako igagawa kita ng personal designs na gusto mo kahit gaano man kahirap ito..." wika ni Venus.

"Talaga, sinabi mo iyan wala ng bawian ha..." masayang saad no Diana.

Inayos nila ang bahay ni Manang Pasing at titigil muna doon si Diana ng isang linggo. Halos araw-araw ay maraming tao ang nakikigawa doon dahil na rin sa libre ang pagkain at may bayad pa kaya limang araw lang ay natapos ito agad.

"Woa ang ganda naman neng...." bulalas ni Aling Pasing.

"Syempre manang, bukas magpapablessing tayo dito...." usal ng dalaga.

Kinabukasan ay damating at pari na mag mimisa at nagkaroon rin ng kaunting salo-salo na dinaluhan ng mga adik na readers sa HR.

VENUS, THE MODEL  (GODDESSES OF BEAUTY BOOK 3) completeWhere stories live. Discover now