CHAPTER 16

3.4K 68 0
                                    

Nagising si Venus, dahan-dahan niyang minulat ang mga mata. Iginala niya ito sa kabuoan kung saan siya naka higa.

"Nasaan ako?" mahinang usal niya.

Puro kasi kawayan ang kanyang nakita at ang bubong ay nipa, may lampara sa tabi niya. Kaya dahan-dahan siyang bumangon at pumasok ang isang matanda na may edad na.

"Gising kana pala neng, huwag ka munang bumangon at hindi kapa gaanong magaling..." usal nito.

"Nasaan ho ako..." usal ng dalaga.

Pinilit niyang bumangon upang makasandal kaya inalalayan nalang siya ng matanda.

"Narito ka sa bahay namin neng, nasalubong ka namin ng anak ko sa daan na duguan nakalimutan no na ba..." sagot sa kanya ng matanda.

Inalala ng dalaga kung anu ang mga nangyari sa kanya bago iyon.

------Flashback------

'Ayaw ko pang mamatay diyos ko hindi pa ako handa....' isip ng dalaga.

Bago mahulog ang kotse niya ay naka talon pa siya pero sumabit-sabit ang katawan niya sa mga puno at nagkasugat-sugat ito.

'Kailangan ko pang mabuhay, oky lang kahit ayaw na sa akin ni Russel basta makita ko lang na nasa maayos siya ay masaya na ako...' sa isip ng dalaga.

Nag-ipon siyang lakas at umakyat ulit hanggang sa marating niya ang daan at doon ay lakad siya ng lakad.

'Tulungan mo ako diyos ko, mommy ko, daddy ko,,,,,' sa isip ng dalaga.

Umiiyak ito at ang sakit na rin ng paa niya pati na rin ang buong katawan ng dalaga. May nakita siyang makipot na daan kaya tinahak niya ito.

"Wala yatang tao na dumadaan dito, paano na ako ngayon.." bulong niya sa sarili.

Nagpahinga siya saglit at naglakad ulit hanggang sa may nadaanan siyang sapa. Dala ng uhaw ay agad siyang tumakbo papunta doon at uminom tapos ay lumublob saglit at umahon.

"Sana may tumulong sa akin...." sambit ng dalaga.

Nagsimula ulit siya na maglakad hanggang sa may narating siyang sementado na daan at may nakita siyang tao sa hindi kalayuan.

"Tulong,,,, tulungan n'yo ako, tulong...." sambit ng dalaga.

Hinanghina na siya at nakita niyang patakbo na lumapit ang dalawa sa kanya bago ito nawalan ng ulirat.

----End of flashback----

Napaiyak ang dalaga ng maalala niya ito. Kaya niyakap siya ng matanda at dahan-dahan na hinagod ang likod.

"Ilang araw na ho ako dito manang?" tanung ni Venus.

"Naku neng limang araw ka ng nakahiga dito..." sambit ng matanda.

Napanganga ang dalaga sa narinig niya, halos hindi ito makapaniwala.

"Limang araw na ho, hindi kailangan ko ng makauwi sa amin at baka hinahanap na ako...." gulat na usal niya.

Aakma sa sana siyang bumangon ng biglang napaupo siya ulit.

"Ouch..... ang sakit...." sambit ng dalaga.

"Iyan kasi sabi ko sa iyo hindi kapa magaling eh..." turan ng matanda.

"Manang kailangan ko ng umuwi baka nag-aalala na sila lalo na ang mga kaibigan ko..." saad ng dalaga.

"Nakung bata ito ang tigas ng ulo. magpagaling ka kasi muna bago ka umuwi sa inyo..." katwiran ng ginang.

Napahiga nalang ulit ang dalaga at nag-isip ng paraan para hindi mag-alala ang mgakaibigan nito sa kanya.

"Manang may telepono ho ba kayo dito?" tanung ng dalaga.

"Wala neng pero cellphone meron ang anak ko, ako pala si Pasing.." sagot ng matanda.

"Ahmmm, aling Pasing pwede ho bang makahiram..." wika ng dalaga.

"Mamaya neng, pag maka uwi ang anak ko,kaya magpahinga ka muna jan para gumaling ka kaagad...." sagot ni Pasing sa dalaga.

Nagpahinga naman ang dalaga hanggang sa makatulog ito ulit, nagising nalang siya ay hapon na.

"Oh neng gising kana pala, heto ang mainit na sabaw ng mainitan ang sikmura mo bago ka kumain ng kanin..." wika ng matanda.

"Salamat manang Pasing ha..." tugon ng dalaga.

Humigop ng sabaw ang dalaga, lumabas naman ang matanda at pagbalik niya ay may bitbit na itong kanin at ulam na tinolang manok. Inilapag ito sa tabi niya at may dinukot sa bulsa.

"Ito neng ang cellphone tawagan mo na sila...." usal ng matanda.

Inabot ito ni Venus at agad na dinayal ang numero ni Hena. Ring lang ito ng ring pero walang sumagot, kasunod ay ang kay Athena, pero tulad ni Hena ay ring lang at walang sumagot. Nawalan na siya ng pag-asa pero dinayal parin niya ang huling tao na pag-asa niya, nag ring ang numero nito hanggang sa.

"Hello, sino ito?" tanung ng boses sa kabila.

"Hello girl, ako ito si Venus...." usal ng dalaga.

"Venus, huwag nga ho kayo magbiro ng ganyan at kakalibing lang ng kaibigan ko..." wika ni Diana na pumiyok ang boses.

"Ako nga ito girl at anung libing eh buhay pa ako, Diana naman eh, kinalimutan mo na ba ako, maging si Hena at Athena...." saad ng dalaga na may halong lungkot.

"Girl nasaan ka......" bulalas ni Diana sa kabila.

"Dito ako Zambales girl, iti-text ko ang lugar sa iyo please puntahan mo ako agad ha....." saad ng dalaga.

"Oo girl aalis na ako ngayon rin...." usal ni Diana sa kabila.

Ibinaba ni Venus ang tawag at nagtanung sa matanda kung anu ang address ng lugar at agad niya itong ibinigay. Maya-maya ay may lalaki na pumasok, napatingin ang dalaga doon.

"Anak ikaw pala..." saad ni Pasing.

"Oho inay, tapos na ho ba kayo sa cellphone..." magalang na tugon ng binata.

Sa tantiya ng dalaga ay magkalapit lang ang edad nila ng lalaki ito at makisig ito kahit medyo may kaitiman.

"Ah neng anak ko pala si Hercules, anak siya si....." usal ng matanda.

"Venus....." sagot ng dalaga sabay lahad ng kamay.

Tinanggap rin ito ng binata at pagkatapos ay inabot ni Venus ang cellphone tsaka nagpasalamat.

VENUS, THE MODEL  (GODDESSES OF BEAUTY BOOK 3) completeWhere stories live. Discover now