CHAPTER 20

3.4K 81 2
                                    

Naging masaya ang simpling buhay ng dalaga sa probinsya hanggang sa naisipan niyang bumalik ng Manila.

"Mabuti at naisipan mo nang bumalik dito girl." usal ni Diana.

Kasalukuyan silang nasa isang bar sa Makati at hindi sumama si Athena at Hena dahil hindi na sila pinayagan ng mga asawa.

"I want to start new beginning girl." usal ng dalaga.

"So ibig sabihin naka move on kana sa kanya." turan ni Diana.

Natahimik ang dalaga, nilaru-laro ang baso at tinungga ang natirang alak sa kopita tsaka nagsalita ulit.

"Oo girl, siguro hindi talaga kami para sa isa't isa at enough na ang minsan na niya akung sinaktan." tugon ni Venus.

"Ang pagmamahal ipinaglalaban at hindi hinahayaan, natural lang ang masaktan dahil kung hindi mo ito mararanasan hindi mo malalaman kung mahal mo ang isang tao o hindi." mahabang usal ni Diana at lumagok.

Napatitig naman si Venus sa kaibigan lalo na sa sinabi nito. May punto anv mga salita niya.

"Siguro girl pero tama na ang minsan na bumaba ako para kanya, na minsan na akung lumaban para sa pagmamahal ko, isa lang naman ang gusto ko ang ipadama na mahal ko siya." madamdaming usal ng dalaga.

"Ipaglaban mo girl hindi pa naman siguro huli ang lahat para sa inyo." saad ni Diana.

"Ayaw ko na girl, humilom na ang sugat na ginawa niya dito..." sabay turo sa puso.

"Masaya na ako para sa kanya." dagdag pa ng babae.

"Sigurado ka ba girl?" wika ng kanyang kaibigan.

"Oo hanggang doon nalang talaga girl." sagot niya.

Pero sa loob ng dalaga doon parin ang sAkit at kirot, sakit na kailan man ay mag-iiwan ng malaking pilat sa kanya.

Lumipas ang buwan at bumalik sa lungsod si Hercules at ang dalaga ang sumalubong sa kanya.

"Kamusta kuya? si Nanay?" tanung ng dalaga.

"Oky lang bunso at maayos naman si nanay doon." tugon ni Hercules.

Papa-aralin kasi ng mga magulang ng dalaga si Hercules ngayong pasukan, ito ay dahil sa kahilingan ni Venus.

"Kuya kain muna tayo." usal ng dalaga.

"Saan mo gusto bunso?" tanung ng binata.

"Ako ang bahala kuya." naka ngiting sagot nito.

Nagmaneho ang dalaga at pumunta sila sa isang fine dinning na restaurant.Nag park muna sila at sabay na naglakad habang naka angkla ang kamay ng dalaga sa binata.

"Wel- come ma-ma'am sir..." nauutal na wika ni Russel.

Napatitig siya sa dalaga na katabi ng isang binata. Biglang lumakas ang kabog ng kanyang dibdib ng mapagtanto kung sino iyon.

'Venus....' sigaw ng kanyang isipan.

Nais niyang yakapin ang dalaga, matagal rin siyang nagulila dito. Akala niya ay wala na ito pero dalawang mata niya mismo ang nakakita at totoo ang balita.

'Russel...' sa isip ng dalaga.

Nagulat siya, hindi niya inaasahan ito, lalo na ang pagtatagpo nila ng binata sa ganitong pagkakataon. Napahigpit ang hawak niya sa braso ni Hercules.

"Table for two, this way please." malungkot na saad ng binata.

Sumunod ang dalawa sa binatang waiter at inalalayan siya ni Hercules hanggang sa maka upo ito.

"Here is the menu ma'am, sir." wika ng binata.

Umalis muna ito upang bigyan sila ng pagkakataon upang makapili ng order. Para namang umiba ang mukha ng dalaga na napansin ni Hercules.

"Bunso oky ka lang?" tanung ng lalaki.

"Kuya narito siya." usal ng dalaga.

"Anung ibig mung sabihin bunso?" tanung ni Hercules.

"Siya kuya siya iyon." sambit ng dalaga.

"Ibig mong sabihin bunso, he is your ex." gulat na usal ng lalaki.

"Oo kuya." tugon ng dalaga.

Maya-maya ay lumapit ang binata sa kanila kaya natigil sa pag-uusap ang mga ito.

"My i take your order ma'am, sir!" usal nito.

"Ahmm, baked mac, steak, rice and iced tea.." si Hercules ang sumagot.

"Babe, try thier veggie salad here, i'm sure you will like it." singgit ni Venus.

Lumaki naman ang mata ni Hercules dahil doon pero sinipa siya ni Venus kaya nakuha ang nais nito na ipahiwatig.

"oohh oky babe, and veggiesalad too." usal ng binata.

Para namang tinurok ng libo-libong kutsilyo ang puso ni Russel ng marinig ito. Nasaktan siya dahil may iba na ang dalaga, lalo na nang ngumiti ng matamis ang dalaga.

VENUS, THE MODEL  (GODDESSES OF BEAUTY BOOK 3) completeWhere stories live. Discover now