CHAPTER 7

3.9K 92 0
                                    

Nang makalapit na ang tao iyon nanlaki ang mata ni Russel, si Venus ito at duguan. Hindi maaring magkamali ang binata dahil minsan na niya itong nakasama.

"Tu-tulungan mo a-ako...." huling usal ng dalaga.

"Ve-Venus...." gulangtang na wika ng binata.

Nasalo ni Russel ang dalaga bago pa ito mapasubsob. Agad namAn niya itong binuhat at dali-dali na dinala sa bahay nila.

"Inay.... inay.... buksan ninyo ang pintuan....dali...." sigaw ng binata.

Agad namang binuksan ng matanda ang pintuan ay pumasok ang binata na may kalung-kalong sa babae.

"Naku anak sino iyan?" gulat na usal ni Tina.

"Inay kumuha po kayo ng gamot at maligamgam na tubig, paki dalian lang ho..." utos ng binata.

Inilapag niya ang dalaga sa mahabang upuan at inayosang higaan. Pinunit niya ang damit na naka takip sa balikat ng babae.

"Anak ito na ohh......" saad ng ginang.

Inilapag nito ang maliit na batya na may tubig at panyo, pati ang bulak, betadine, bandage at alcohol.

"Anu ang nangyari jan anak?" tanung ni Tina.

"Ewan inay nasalubong ko lang siya sa daan na ganito at humihingi ng tulong." sagot ng binata.

Agad niyang nilinis ang binata ang sugat ng babae at nilagyan ito ng bandage at betadine.

"Anak kailangan niyang palitan ng damit at basa ang likod niya.." usal ng ginang.

"Sige nay, ikaw na ang bahala sa kanya na magbihis...." tugon ng binata.

Lumabas muna siya saglit upang mabihisan ng ina niya ang dalaga. Lumipas ang limang minutos at pumasok ulit siya.

"Oky na siya anak, ang ganda niya pala, parang anghel ang mukha..." usal ng kanyang ina.

"Salamat po inay..." tugon ng binata.

Lumipas ang magdamag, si Russel ang nagbantay sa dalaga. Nagising siya ng maaga dahil kailangan niyang bumalik ng shop niya.

"Inay kayo nalang po ang bahala dito sa kanya ha at sa kanya..." wika ng lalaki sabay sulyap sa dalaga.

"Sige anak makakaasa ka...." tugon ng ina ng binata.

Humalik ito sa noo ng ina at nagmano bago umalis. Tulog pa ang dalawa niyang kapatid dahil wala namang pasok ngayon.

"Hhmmmmm...." ungol ng dalaga.

Nakaramdam kasi siya ng pamimigat ng katawan. At panghahapdi sa braso niya pero nanghihina ang katawan niya. Unti-unti niyang dinilat ang mga mata.

"Nasaan ako?" mahinang usal ng dalaga.

Nilibot niya ang kanyang paningin sa buong silid na iyon. Simpleng silid lang ito na gawa sa kahoy.

"Oh gising kana pala ineng..." wika ng isang matanda.

"Nasaan ho ako?" takang tanung ng dalaga.

"Ah narito ka sa bahay ineng, dinala ka ng anak ko kagabi, pero wala siya dito dahil pumasok ng trabaho..." saad ng matanda.

Napa buntong hininga nalang si Venus at pumikit ito ng mariin. Naalala niya ang nangyari kagabi at ang huli bago siya nawalan ng malay-tao.

"Kain ka muna ineng para lumakas ka agad, pasensya ka na at sardinas lang ang ulam na kaya ko ha..." wika ng ginang.

Napangiti ang dalaga na may hilam na luha sa mga mata. Naalala niya ang mga sariling magulang.

'Mabuti pa ang hindi ko kilala nagagawa ang ganito pero ang mga magulang ko ni minsan hindi nila ito nagawa....' sa isipan ng dalaga.

Hindi niya namalayan ang pag-agos ng kanyang mga luha. Nakita ito ng matanda kaya ganun nalang ang habag niya.

"May problema ka ba ineng?" tanung ng matanda.

Pinahid ng dalaga ang mga luha at pilit na ngumiti para itago ang kalungkutan.

"Wala ho, may naaalala lang ako..." tugon niya.

Bumangon ang dalaga at inalalayan siya ng matanda. Ng maka upo na ay sinubuan siya nito. Kumain rin ang dalaga kahit iyon ang ulam.

"Mukhang gutom ka talaga ineng, tama lang iyan para bumalik agad ang lakas mo..." usal ng matanda.

"Salamat po... sino ho pala kayo?" turan ng dalaga.

"Ah ako pala si Tina, may tatlo akung anak dalawa ang lalaki at isa ang babae." usal ng ginang.

"Ako naman ho si Ve- Inus aling Tina..." pakilala niya sa matanda.

"Sige ineng magpahinga ka muna jan at maaya baka dito na rin ang dalawang anak ko ng makilala mo rin sila..." wika ni Tina.

Humiga ulit ang dalaga sa tulong ng matanda. Ang sarap sa pakiramdam niya na may nag-aalaga ng ganito. Hindi niya namalayan na naka tulog na siya.

"Inay sabi ninyo gising na si Ate Inus eh tulog pa ho eh..." usal ng boses babae.

Iyon ang nagpagising sa dalaga, dinilat niya ang mga mata at ngayon niya lang napansin ang bestida na suot.

VENUS, THE MODEL  (GODDESSES OF BEAUTY BOOK 3) completeWhere stories live. Discover now