CHAPTER 27

3.7K 79 0
                                    

Inalam ng binata kung saan niya maaring makita ang babae na sinasabi ng kanyang ina. Hanggang sa nalaman niya ang lahat ng impormasyon.

"Ma'am may gusto hong kumausap sa inyo.." tawag ng katulong kay Diana.

"Sino daw?" tanung ng dalaga.

"Hindi ko alam kung sino ma'am nasa sala ho hinihintay kayo." saad ng katulong.

Tumayo ang dalaga at nagtungo sa sala kung saan naroon raw ang bisita, wala naman siyang alam na may darating ngayon.

"Sino kaya ito?" bulong ni Diana nang makita ang lalaking naka talikod.

Dahan-dahan siyang lumapit dito at umupo sa harap ng lalaki.

"Good morning ho." bati ni Russel.

"Good morning rin ano ang naipaglilingkod ko?" tanong ni Diana.

May lumapit na katulong at naglapag ng juice at cookies. Kinuha ng dalaga ang isa at uminom ito.

"Narito ako para malaman kung saan ko pwedeng makita si Venus." sambit ng binata.

"Bakit gusto mong malaman sino ka ba?" tanung ng babae.

"Ako si Russel..." pakilala ng binata.

Napatigil sa pag-inom ang dalaga at inilapag ang hawak na baso sabay tingin sa binata na kaharap.

"Paano kung ayaw kong sabihin." saad ni Diana.

"Handa akong gawin ang lahat, basta sabihin mo lang kung saan ko matatagpuan ang babaeng mahal ko." sambit ni Russel.

"Talaga, lahat!" wika ni Diana.

"Oo lahat para sa kanya." sambit ng binata.

Napangiti si Diana nais niyang alamin kung hanggang saan ang kayang gawin ng lalaki na para sa kanyang kaibigan.

"Sige pumunta ka ng opisina ko bukas at mag-uusap tayo." wika ng dalaga.

Umalis ang binata dala ang kakaunting pag-asa na makita muli si Venus. Kinabukasan maaga siyang nagising para magtungo sa opisina ni Diana.

"Sana hindi ako pahirapan ng kaibigan mo mahal ko, nais na kitang makita at mayakap muli." sambit ni Russel.

Agad niyang tinungo ang silid kung saan naroroon ang dalaga. Wala pa ito kaya naghintay nalang siya sa labas.

Nagising si Venus na masama ang pakiramdam. Agad siyang nagtungo sa banyo dahil nasusuka ito pero pagdating niya doon puto tubig lang ang lumabas.

"Aaahhhh... anu ba ito." sambit ng dalaga.

Ang lalaki ng butil ng kanyang pawis, kaya napa sandal ang dalaga sa pader dahil sobrang panghihina. Nang maka bawi siya ay nag-ayos ang dalaga nais niyang siguraduhin ang kalagayan.

"Congratulation Mrs. your six weeks pregnant." sambit ng doctora.

Napaluha ang dalaga, hindi niya alam kong anu ang magiging reaksyon sa narinig. Halo-halo ang kanyang emosyon na ngayon.

"Ito ang reseta ng mga magiging vitamins mo, kumain ka ng mga healthy na foods like veggies ang fruits." bilin ng doctora.

"Salamat doctora." pasasalamat ng dalaga.

Umalis ito sa clinic at nagtungo sa isang drugstore. Binili niya ang lahat ng mga kailangan. Masaya siya na may halong lungkot.

"Saan ka galing neng?" tanung ni Aling Pasing.

"Jan lang sa bayan nay namili." sambit ng dalaga.

"Dapat doon kana kumuha sa grocery store neng kompleto naman doon ah." wika ng matanda.

"Oky lang nay salamat." sagot ng dalaga.

Pumunta ang dalaga sa tree house at doon kumain ng biniling manggang hilaw. Takam na takam kasi siya dito.

"Baby huwag mo pahirapan si mommy ha." wika niya habang hinihimas ang tiyan.

Ginawang alalay ng dalaga si Russel, taga linis, taga ayos at kung anu-anu pa. Ni hindi ito nagreklamo sa loob ng limang buwan.

"Siguro pwede ko na siyang papuntahin doon kay girl total mukhang pursigedo talaga siya." bulong ni Diana sa sarili.

Ipinatawag ni Diana ang binata upang makausap ito. Nais niyang papuntahin ito doon kung saan naroroon ang kaibigan.

"Bakit po ninyo ako ipinatawag?" magalang na sagot ni Russel.

"Nais kong ipadala ka sa lugar na ito at puntahan ang address na naririyan." utos ni Diana.

"At huwag ml akong pino-po kasi mas matanda ka sa akin, Diana o Ana nalang." dagdag pa nito.

Kinuha ng binata ang papel na iniabot ng dalaga. Ipinahiram rin nito ang isang sasakyan na maari niyang gamitin papunta doon.

"Anu kaya ang gagawin ko sa lugar na iyon?" sambit ng binata.

Nagdrive na ang binata upang puntahan ang iniutos ng dalaga.

Nais niyang matapos na agad lahat para nakita na ang babae. Narating niya ang lugar at agad na na hinanap ang pangalan na naroroon. Itinuro naman sa kanya ang bahay.

"Tao po! Tao po.." tawag ng binata.

Nakarinig ang dalaga ng tao sa labas kaya tumayo siya upang puntahan ito at alamin kung sino.

"May tao po ba jan?" sigaw ng binata.

May kalakihan na ang kanyang tiyan rin ang tiyan niya kaya nahirapan itong gumalaw at maglakad hanggang sa narating niya ang pintuan.

"May tao ba jan!" sambit ng binata.

Buksan ng dalaga ang pintuan at hinarap ang tao na nasa labas. Parehas na nagulat ang dalawa ng mag kaharap.

"Ve-Venus...." nauutal na wika ng binata.

Pero natuon ang kanyang pansin sa tiyan ng dalaga na kaharap. Kusang tumulo na rin ang kanyang mga luha.

VENUS, THE MODEL  (GODDESSES OF BEAUTY BOOK 3) completeWhere stories live. Discover now