"Nandun na po. May nag doorbell po kasi kaya hindi ko agad nadala." Tumingin ito sa akin na parang ako-ang-may-kasalanan look. Tss. Tingnan mo nga naman, mga gwapo pa talaga ang sinisisi para mapansin lang namin. Tss.

"Sino ba 'to inday?" Tanong niya at lumapit sa akin. Sinarado ko ang gate at lumapit rin sa kanya. Parang kilala ko 'to eh, di ko lang maaalala kung saan ko nakilala.

"Ako po si Warson Jake Rodriguez at hinahanap ko po si Samantha." Halata ang pagkagulat sa mga mata niya kanina pero agad rin itong nabawi agad.

"Ikaw pala ang kapatid ni Wilma? I am Mary Jane Concepcion. Older sister of Samantha." Inilahad nito ang palad nito at kinuha ko naman. Iginaya niya ako sa garden para makapag usap ng maaayos.

"Ako nga po." Magalang kong tugon.

"Well, if you're looking for Samantha, I'm sorry but I don't know her whereabouts. Kung hinahanap mo siya, gayun din ang ginagawa namin ngayon." Malungkot na wika nito. Tinitigan ko siya ng diretso sa mata. Alam kong nagsasabi rin siya ng totoo. Hindi ko alam pero parang hindi matanggap ng sistema ko ang salitang lumabas sa bibig niya.

"No, maybe you were just hiding her. Tutol kayo sa relasyon namin diba? Kaya ayaw niyong sabihin sa akin kung nasaan nga siya ngayon!" Di ko mapigilan na mapagtaasan na siya ng tinig. Halo halong emosyon na ang nararamdaman ko sa ngayon.

"Don't shout Warson. Nasa pamamahay kita, at saka bakit ko naman itatago si Sam sayo? For what reason maybe? Kaibigan ko ang ate mo at kahit hindi boto sayo ang pamilya namin ay hindi naman ako nanghihimasok sa relasyon ng mga kapatid ko." Mahaba niyang saysay na nagpatahimik sa akin.

"Sorry.." Halos bulong na wika ko.

Sa halip na magsalita ay tinalikuran niya ako't naglakad palayo. Narinig ko pa ang salita niyang nagpalaglag ng balikat ko.

"If I were you, I will stop chasing and finding my sister now. You're not even a worthy guy to fight for."

---------

"Hey man! Stop drinking now!" Sigaw na wika sa akin ni Sandrex. Tumingin ako sa alak ng diretso at nagpahid ng luha. Fvck! Nakakagago! Bakit ba ako pinapahirapan ng ganito? Bakit ba ayaw nilang sabihin sa akin kung nasaan si Sam? Mali ba na hintayin at hanapin ko siya? Fvck!

"Son? Ihahatid ka na namin." Wika ni Harold. Iwinaksi ko ang kamay niya ng hawakan nito ang braso ko.

"Tss. Umiinom pa ko. Wag ka ngang magulo." Wika ko at agad na itinungga ang alak.

"Tss. Iba talaga ang epekto ng Sam na yan. Parang droga eh, oras na matikman mo na hahanap hanapin mo. Tss." Komento ni Rosas habang ipinipilig ang ulo.

"Gago! Anong ibig mong sabihin!" Batok na wika ni Sandrex.

"Gago too! Hindi literal yun bro! Paghahalintulad lang yun sa mga bagay! Ang green mo ah!" Gumanti rin ito ng batok kay Sandrex. Napangiti ako ng pilit. Mga abnormal talaga.

"Tumigil nga kayo. Parang bata, ihatid na natin si Warson sa hotel at tatawagan ko si Irish para ipagbigay alam ang nangyari sa pinsan niya." Wika ni Harold.

"Hoy teka! Ako nalang ang tatawag!" Awat ni Rosas. Hinablot nito ang phone kay Harold at agad naman inagaw ng isa. Kita mo na? Mga isip bata diba?

"Tss. Tss. Tara na Son." Yaya naman ni Sandrex. Umupo ito sa katabing upuan ko at hinawakan ang kamay kong may hawak na baso. "Alam mo Son. Kung may problema ka, sabihin mo agad sa amin. Baka naman matulungan ka namin diba?" Dagdag niya pa. Ininom niya ng diretso ang alak na kinuha niya sa akin.

"Teka - ..."

"Alam namin na hinahanap mo si Sam son." Matagal akong natigilan sa narinig kong wika niya. Yumuko ako para hindi niya makita ang luha sa mga mata kong nagbabadyang mahulog.

"Gusto ka naman namin tulungan eh, hinihintay ka lang namin na kusang humingi ng tulong sa amin." Dagdag niya pa. Tumingin ako paitaas para pigilan ang pagpatak ng luha ko. Shit. Nakakabakla pala main love.

"Oo nga! Kaya ka naman namin tulungan!" Sigaw pa ni Rosas. Di ko na namalayan ang paglapit niya sa amin.

"At saka tutulong rin si Harold!" Inakbayan nila si Harold ng makalapit ito sa amin. Magsasalita pa sana ito ng binulungan ni Sandrex na nagpatango naman sa kanya.

Napangiti ako. I am really blessed to have a friend like them. Unti nalang ang mga ganitong klaseng kaibigan at masaya ako't nakilala ko ang mga ugok na to.

Napabuntong hininga ako at tumayo. May ka tulong na ako sa paghahanap kay Sam.

Alam ko makakaya ko 'to. Kakayanin namin. At mahahanap rin namin si Sam sa lalong madaling panahon.

----------

Mr. Chickboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon