Chapter 50: Twisted Fate

25.7K 1.1K 593
                                    

Arshen's PoV:

"Miss Engineer, don't forget later ha. Punta ka."

Hindi ko maiwasang mapataas-kilay dahil sa sinabi nya. Nakailang beses na bang sinabi sa akin ng secretary ni Yana 'yan? Grabe. Naka-unli ba sya ha?

"Oo, pupunta nga ako mamaya. Wag mo nang ipaalala." Masungit kong turan sa kanya. She giggled.

A playful smirk suddenly formed on her lips. "Wag mong kalimutan na magdala ng date. If you want, pwede naman siguro si Ma'am Yana."

Napasapo na lang ako sa aking noo. Aish. Isa pa pala 'yun. I need to bring a date to the party. Hindi ba pwedeng ako na lang mag-isa? Single naman ako eh.

"Noted. Doon ka na nga. Marami pa akong gagawin."

Yana's secretary raised both of her hands na para bang sumusuko. Mauti na lang talaga at sinunod nya ako. She started to walk towards her table.

Ngayon ko lang naalala, hanggang ngayon pala ay hindi ko alam ang pangalan nya. Or maybe, nakalimutan ko lang talaga.

If you guys are wondering kung ano bang tinutukoy nya, well, it's about the Del Fierro's party. Base sa sinabi ni Miss Secretary, every year nangyayari 'yun. Kumbaga, thanksgiving at kung ano-ano pang announcement. Usually, dinadaluhan iyon ng mga employees ng kanilang company.

Mamaya na 'yun gaganapin at eto ako ngayon, pinoproblema pa rin kung pupunta ba ako o hindi. Aish. Temporary worker lang naman nila ako eh.

Isang malalin na bunting-hininga ang aking ginawa at ipinagpatuloy ang mga kailangan kong gawin.

Suddenly, memories of what happened that night started to flash in my mind.

I bit my lips. Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi. That night was a blast. Hinding-hindi ko sya makakalimutan. A memorable experience indeed.

After all, nasabi ko na rin naman 'yung feelings ko kay Yana. I accepted the truth na mahal ko talaga sya. I can still remember how beautiful she is.

Pagkatapos ng gabing 'yun, hindi ko na sya nakita pa. The last time I saw her was the time that she wad in my unit. At isang buwan na ang nakakalipas non.

I'm really frustrated. I missed her. Hindi ko alam ang gagawin ko. Gulong-gulo na ako sa nangyayari.

She's always busy at obvious naman na iniiwasan nya ako. Mukhang tinotoo talaga ni Yana 'yung sinabi nya.

Napangiti ako nang mapait. She's really unpredictable. Akala ko ay magiging okay na kami. As far as I remember, sinabihan nya rin ako ng 'I love you'.

At yun na lang muna siguro ang panghahawakan ko sa ngayon.

_____//_____

"Arshen, how do I look? Pwede na ba? Pasado na ba akong maging date mo for tonight?" Sunod-sunod na tanong ni Emrei sa akin.

"Oo naman. Bagay na bagay sayo. Nagmukha kang tao." I said at nagthumbs-up pa sa kanya. Siguro kung nakakamatay lang ang titig, kanina pa siguro ako nakabulagta.

"Damn you, Arshen! Wag kaya kitang samahan." Nakasimangot na turan nya.

Hindi ko maiwasang magpanic. "Ito naman, parang binibiro lang eh. Ang ganda-ganda mo kaya ngayon." I wiggled my eyebrows at mukha namang naniwala sya.

I decided na si Emrei na lang ang gawin kong date for tonight. Si Samantha sana kaso she's busy handling something. Mabuti na lang at to the rescue ang isang ito.

I glanced at myself in the mirror. Ang ganda ko na talaga. Bagay na bagay ang suot ko sa akin. Well, of course, I need to be presentable dahil party ang pupuntahan ko. I guess, makikita ko na naman ang parents ni Yana.

VIPERWhere stories live. Discover now