Chapter 2: She Found Me

39.3K 1.5K 1K
                                    

Yana's PoV:

"Damn that girl! Nakakainis!"

How dare her! Hindi man lang nag-iingat. Natapon tuloy sa akin 'yung coffee. Sayang ang silk dress ko. Ang ganda-ganda pa naman non and then namantyahan na.

I groaned loudly. Argh. Nag-iinit ang ulo ko dahil sa kanya. Most especially when I remember the way she touched my chest.

I know naman na hindi nya 'yun sinasadya.

Pero napakalaking kasalanan non sa akin because she's the only one who did that to me! Ang pervert nya!

Pwede namang hindi mapunta roon ang kamay nya eh. Aish.

My thoughts were interrupted nang biglang may nagbukas ng pintuan ng aking room.

"What the hell is this huh?!" Humahangos na tanong ni Samantha. From the tone of her voice, alam kong galit sya.

Oh by the way, she's my step-mother na never kong naging kasundo. She's really mean and I don't like her.

She acts as if she's the superior in this house. Hindi ko na sinasabi pa kay Dad 'yung pinaggagagawa nya sa akin.

Why bother though? Hindi nya naman ako pakikinggan dahil bulag sya sa kanyang so-called love. Tss.

I just shrugged at bored na tinignan sya. "I don't know. Basta ang alam ko ay picture iyang hawak mo."

She groaned in annoyance.

"That's not what I mean! Bakit ka ba lumabas huh? At talagang nagpakita ka pa sa babaeng 'yun!" She exclaimed habang masamang nakatingin sa akin. Bahala syang magalit dyan.

Wow. Nakuha nya agad 'yung tape ng CCTV for that day. Hmm... impressive. Pero ano pa bang i-eexpect ko?

"You know na hindi ka dapat makita dahil masisira ang pangalan ng mall. Anong sasabihin nila? Na may monster na gumagala sa mall?"

I clenched my fist. Sumusobra na sya. "Excuse me? You're the only one in this house who thinks that I'm a monster."

"Obviously, I'm out that day to buy my precious coffee. Then napadaan ako sa nearby restroom to wash my hands then boom! That happened." I explained. Napangisi ako nang makitang parang napahiya sya.

"So, what now? Tss. Bakit ba lagi ka na lang nakabantay sa ginagawa ko? Bodyguard ba kita?" I added.

Para syang bulkan na anytime ay pwedeng sumabog. So fun to watch.

Suddenly, napansin kong itinaas nya ang kanyang kamay na para bang isasampal ito sa akin.

"Go on. Ituloy mo 'yan. Siguradong mas tripleng sakit ang ibibigay ko sa iyo." I'm just looking at her boredly.

Her hand stopped in the air. Hindi ko 'yun sinalag.

I can see the hesitation on her eyes. Well, she knows na gagawin ko kung anong sinabi ko.

"Ayoko nang maulit pa ang pangyayaring 'to." She said instead. Tsk. Sayang. Hindi nya tinuloy. Miss ko nang manampal.

Maya-maya pa, narinig ko na lang ang pagsarado ng aking pintuan.

Finally! Wala na rin si Samantha. Mas lalong nadadagdagan ang init ng ulo ko kapag nakikita ko sya.

Yana Coleen Del Fierro is my name. Kung naguguluhan kayo kung sino ba ako... I guess, wala naman na akong dapat pang sabihin sa inyo.

I just shrugged at kinuha ang aking laptop. I opened the CCTV na nakapwesto noong araw na 'yun.

Of course, ako pa ba mawawalan? Duh.

VIPERWhere stories live. Discover now