Chapter 30: Secret Revealed

25.8K 1.2K 994
                                    

Arshen's PoV:

"We gotta go, Yana. Para hindi tayo lalong mabasa ng ulan." Nagmamadali kong turan. The latter nodded her head. Hindi na kami nag-aksaya pa ng oras at agad nang tumakbo.

Now, we're holding each other's hands while we're running.

I don't know why pero parang ang sweet ng dating non sa akin. Parang sa mga scene lang kasi sa mga movie.

'Ugh! Arshen, stop thinking that way. For pete's sake, baka magkasakit pa kayong dahil dyan sa kaharutan mo!' Pangaral ko sa aking sarili. Umiiral na naman kasi ang malandi kong side.

Naramdaman kong hinigpitan ni Yana ang pagkakahawak sa akin.

We're not the only one who didn't bring an umbrella. Katulad namin, marami rin ang tumatakbo papunta sa mga masisilungan.

When we reached my car, mabilis ko syang pinagbuksan ng pintuan. Tamang-tama at hindi kami masyadong naabutan ng ulan.

Agad kong inabutan ng towel si Yana bilang pamunas na syang kinuha nya rin.

"Sorry. Hindi ko nacheck na uulan pala ngayon. Ang pangit tuloy ng date natin." I said at napakamot na lang sa aking ulo. Nakakahiya. Feeling ko ay failed tuloy ang night namin.

Aish. Hindi naman masyadong natatakpan ng ulap 'yung kalangitan kanina eh. Ang dami pa ngang stars. Iba na talaga ang nagagawa ng climate change.

She stopped wiping herself. Nakakunot-noong nagbaling sya ng tingin sa akin.

"Hey! Don't say that. It's not bad. In fact, I'm fascinated with your idea. I'm surprised. Hindi ko 'yun inexpect." And smiled brightly again. For the second time, I can't help but to be mesmerized. Such a beauty.

Thank you, Lord dahil binigay mo sya sa akin kahit na malakas manuntok ang isang ito.

"I really thought na sa isang normal na restaurant lang tayo pupunta. Well, okay na okay naman sa akin 'yun. Pero may iba ka pa palang plano. And I enjoyed it so much." Dagdag pa nya. Parang nagniningning ang kanyang mga mata sa tuwa. So cute.

Gosh. Ang lakas talaga ng epekto ni Yana sa akin. Parang kinikilig na naman kasi ako.

Minutes later, nagsimula na akong magmaneho. We need to keep going. Mahirap nang mastranded at tumirik itong sasakyan.

"Sa private room mo ba uli kita ihatid?" I asked.

"Nope. Hindi na." She answered. Napatango-tango naman ako. "So sa house ny——"

"I'll stay with you tonight." Automatic na nanlaki ang aking mata dahil sa kanyang sinabi. I gulped. Mabuti na lang at nakastop kami kung hindi ay baka napapreno ako bigla sa daan.

"A-Are you serious?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. "Yes. And don't ask me why." Masungit nitong turan.

I heaved a sigh at napailing na lang sa kawalan. Nagsalita na si Commander at hindi na pwedeng magbago 'yun. Kaya eto ako ngayon, nakatikom ang bibig.

Panaka-nakang napapatingin ako sa paligid. Ang ulan kanina ay may kasama ng kidlat at kulog. Aish. May bagyo ba? Hindi man lang ako nainform.

Pasimpleng tinapunan ko ng silay ang aking katabi. I'm wondering kung bakit parang normal lang sa kanya? I mean, hindi ba sya nilalamig?

I faked a cough. Bahala na. "Should I turn off the aircon, Yana? Malamig na kasi."

"Don't turn it off. Mas gusto ko nga ang ganito. Sa akin mo na lang itutok if nilalamig ka." After that, mabilis kong ginawa ang sinabi nya.

Mygoodness. Kakaiba siguro ang balat ng isang ito. It's cold na kaya.

Finally! After some time, we reached our house. Whoo! Mabuti na lang talaga at nandito na kami.

VIPERWhere stories live. Discover now