Chapter 26: Cafeteria Encounter

20.2K 1K 374
                                    

Yana's PoV:

Ang tunog ng alarm clock ang syang nagtapos sa aking dreamland at nagpagising sa akin.

I groaned. Damn. It sucks. I guess, masasabi kong isa sa pinakamahirap na gawin ang gumising sa araw-araw. Well, masarap pa kasing matulog.

I remembered na meron pa pala akong klase ngayon. I lazily opened my eyes. Maya-maya pa ay napagdesisyunan ko nang bumangon at magsimula nang mag-ayos.

I did my morning routine. I took a bath, brushed my teeth, eat my breakfast, fixed my things and my uniform.

Ilang minuto lang ang nakalipas at tapos na rin agad ako. Now, I'm staring at my reflection in the mirror.

"Gosh! You're really gorgeous, Yana.." I said pertaining to myself. Slight makeup lang ang nilagay ko sa aking sarili. Well, maganda naman na ako so no need nang mag-effort.

"Kung wala lang itong nasa right side ng face ko." Unti-unting nagbago ang aking mood nang mabawi ang aking tingin sa isa sa mga hate kong side ng aking mukha.

Napakuyom ang aking kamao habang matamaang pinagmamasdan iyon. Katamtaman lang ang laki nito ngunit talagang kapansin-pansin. I hate it! I freaking hate it!

Pati na rin ang right eye ko. Napakanipis ng pupil na para bang katulad ng sa isang snake.

Sila lang talaga ang panira sa mukha ko.

I heaved a sigh at pinakalma ang aking sarili. Agad ko itong tinakpan ng bandage. Nagsuot na rin ako ng contact lens na kakulay nung sa left eye ko.

"Much better."I said. Ayokong ma-badvibes ang araw ko.

Suddenly, chineck ko ang araw ngayon. Automatic na isang ngiti ang sumilay sa aking labi.

It's the time of the month again. Great!

Hindi ko maiwasang makaramdam ng excitement. Tulad nga nang sinabi ko, twice a month bumibisita si Samantha aa school to check it. Tamang-tama at ngayon ang araw na iyon.

Hmm... Ano kayang magandang gawin? I can't wait to see her face that is burning in rage and anger. Ngayon pa lang ay gusto ko nang tumawa.

My thoughts were interrupted nang marinig ko ang sunod-sunod na katok sa aking pintuan.

Mukhang si Arshen na 'yun ah. I smiled again. Damn. I don't know why pero mas lalo akong naexcite. Maybe, gusto ko na syang makita?

I gathered my things. I once took a last glimpse of myself on the mirror bago tuluyang pumunta sa harapan ng aking pintuan at buksan ito. I didn't forgot to locked the door, of course.

Ang nakangiting mukha ni Arshen ang unang-unang bumungad sa akin.

"H-Hi... Good Morning." Ramdam na ramdam ko ang hiya sa tono ng kanyang boses. She averted her gaze.

Napataas-kilay naman ako. I didn't know na marunong pala syang bumati ng good morning.

"Morning too." Masungit kong turan. Sayang naman 'yung effort nya, right? Mukha atang hindi nya 'yun ineexpect dahil halatang nagulat sya.

Hindi na ako nag-abala pang magsalita at nilagpasan na lang si Arshen. Mabilis akong nagtungo sa kinalalagyan ng kanyang sasakyan.

Katulad ng lagi nyang ginagawa, she opened the door for me. Mabilis akong umupo sa may passenger seat.

She started the engine at nagsimula nang magdrive. Katahimikan ang namayani sa aming dalawa ngunit komportable naman ito sa pakiramdam. I like it though. Napaka-peaceful.

Maya maya pa, we're already here in our destination, ang school.

Once na makalabas kaming dalawa, mabilis na lumingkis ako kay Arshen. Pinagsaklop ko rin ang dalawa naming kamay.

VIPERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon