Chapter 1: Unexpected

68.4K 1.8K 1.8K
                                    

Arshen's PoV:

"HAY nako, fren! Bakit nakabusangot na naman 'yang mukha mo ha?" Luxxe said.

Napanguso naman ako dahil doon. Hmp. Grabe naman si Luxxe. Nanahimik na nga ako rito sa gilid eh. Napansin pa talaga nya.

"Hulaan ko, lovelife na naman ang iniisip mo noh?" Saad ni Laney na ngayon ay nakangisi na.

Wala na. Finish na. Bakit alam nila agad na 'yun nga ang iniisip ko? Ganon na ba ako ka-transparent sa kanila? Huhuhu.

I groaned in annoyance. "Ugh! Kelan ba kasi ako magkakaboyfriend?" Iyan na iyan ang hinanakit ko ngayon. Actually, matagal ko ng problema 'yan.

Baka naman may maibigay kayong tips sa akin dyan. Badly needed ko na kasi.

In my whole life existence, never pa akong nagkajowa which is sobrang nakakainis. Ano bang kulang sa akin? Ang cute-cute ko kaya. Hmp. Marami rin akong alam na gawin.

Kumbaga, whole package na kaya ako.

Hindi ako desperada.

Gusto ko lang talaga maramdaman na mapunta sa isang relationship. Pagod na kaya akong maging single.

Gusto kong maranasan na may ka-date.

Gusto kong maramdaman 'yung butterfly chuchu sa stomach.

Gusto kong mafeel 'yung sinasabi nila na para kang nakukuryente kapag nahahawakan mo 'yung partner mo. Ang weird noh? May electricity na nagaganap.

Base lang lahat 'yan sa nababasa at napapanood ko ha.

Naputol ang aking pag-iisip nang marinig kong nagtawanan ang dalawa kong kasama. Wagas kung makatawa, grabe.

"Bawas-bawasan mo kasi 'yang pagka-hilig mo sa libro, girl. Kaunti lang ang nag-eexist na mga scene dyan sa real world." Luxxe said.

"Oo nga. Face the reality. Atsaka, try to socialize and interact more with people. Alisin mo na iyang hiya mo at mag-first move ka na sa crush mo." Laney said habang tumatango-tango.

Napabuga na lang ako ng hangin sa kawalan. Sana nga madali lang 'yung gawin. I can classify myself as an introvert person unlike them na napaka-extrovert.

May confidence naman ako pero aloof talaga ako sa mga tao.

I'm okay with that kahit na kaunti lang ang set of friends ko. Atleast, hindi masyadong pasakit sa ulo.

"Ang hirap kaya. Hindi ako sanay. Atsaka ayun na nga eh, paano ako magfifirst move kung wala akong crush?" Tanong ko habang nagkakamot pa ng ulo. Kanino ako kikilos aber?

I heard they giggled again.

Ano bang nangyayari sa dalawang 'to? Hindi naman ako nagjoke ah. Tatawag na ba ako ng doctor para ipatingin sila?

"Malala ka na talaga." They said in unison.

Tuluyan na akong napasimangot dahil doon. Does that mean na mahihirapan talaga akong makahanap ng boyfriend? Huhu.

Marami naman akong suitors pero kasi... Hindi ko sila type eh. Oo na, may pagka-demanding at pagka-choosy nga ako.

"Aha! Alam ko na!" Luxxe suddenly said na para bang may pumasok na isang ideya sa kanyang isipan.

Kapag talaga 'yan hindi maganda ha, lagot sya sa akin.

"Baka naman kasi girlfriend ang para sayo, Arshen."

Nanlaki bigla ang mata ko dahil sa aking narinig. What the? Ano bang sinasabi nya?

"Ang brilliant mo roon, Luxxe!" Tuwang- tuwang turan ni Laney. "Kung hindi pwede sa boy, edi sa girl. Baka 'yun talaga ang plano ni destiny sayo." Dagdag pa nya.

VIPERWhere stories live. Discover now